So it's a fantastic Saturday. What a wonderful day lalo na at nakalabas na ang bagyo and wala naman gaanong napinsala dulot nito. Maaga palang nang gumising kami dahil pupuntahan namin sila mommy sa Manila para bisitahin sila. Kakauwi lang kasi nila galing sa Australia kung saan na sila nakatira ngayon.
"Hoy Zheirina! Baka lang naman gusto mo bilisan jan sa banyo?!", sabi ng masungit kong kuya. "Ito na po mahal na prinsipe, tapos na po ako. Maaari na po kayong tumuloy.",sabi ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, kakatapos maligo. So I just wear a simple t-shirt and shorts para less hassle sa biyahe since may sasakyan naman sila tito ko.
It was already 7:30AM when we arrived in their house.
'Here we go again. Awkward moment with kapamilya.' Hindi naman sa super awkward pero kasi mahahalata naman na pilit yung ngiti naming magpipinsan. For short 'ngiting natatae' dahil sa hiya Hayst.
"Oh magmano kayo kila mommy at daddy mamaya ah." ,payo ni mama habang pababa kami ng sasakyan. Pagkapasok namin sa gate nila, bumungad si daddy na nakangiti na halos wala na makita dahil sa singkit niyang mata. Nagmano naman kami agad bago kami pumasok sa loob ng bahay nila. "Aba eh, ang lalaki na ng mga bata ah. Oh ikaw, Vintong, kumusta si gf?" ,bungad na pangaasar ni mommy sa kuya ko. "Ayun mommy, tumataba HAHAHHA." ,pangsakay naman sa biro para hindi daw malugi.
Pagkatapos ng kwentuhan nila. Napagdesisyunan nila na maghalungkat ng mga pasalubong. "Emi, lotion. Pablo, t-shirt. Jing, lotion. Gie, pabango." Dere-deretso lang sila sa paghintay ng pangalan nila na parang naghihintay ng mga donation HAHAHA. I just open my messenger to chat Mayor KO.
Me: Hello there! Kumusta ka? I'm here at Manila right now. Are you at home na ba?
Hindi siya active ngayon so I just turned off my data again just to save my battery. Baka malowbat ako mamayang gabi eh. "Zhei, yung bag mo binili ni daddy para sa'yo." sabi ni mommy habang inabot sa'kin yung adidas na backpack. "Wow! Thank you mommy and daddy!"I said smiling towards to both of them habang binubuksan ko yung zipper. 'Malay mo may pera pa silang nilagay diba? HAHHAHA joke.'
Kita ko naman yung pinsan ko na nakatingin sa bag ko. May binigay naman sa kanya na bag kaso hindi niya yata nagustuhan. Pero as much as I want to give mine to her, ayaw ko naman ma-offend sila daddy at mommy na hindi ko nagustuhan yung binigay nila sa'kin. So I just tell her something na makakapagpangiti sa kanya. And luckily, I made her smile.
Sa hapon naman, they decided to buy some merienda. So we went to mall. I was with my cousins inside the grocery store to buy some snacks for tonight. Since sabado ngayon kaya we still have one night to stay here at bukas uwi rin kami sa Tarlac kasi may pasok na rin kami niyan. After ng pagkahaba-habang pila sa counter bumalik na kami sa sasakyan.
Nagulat nalang ako nang makita yung binili ni daddy na additional merienda. It was a cake with a dedication which make me smile.
"Congrats Zhei-zhei!"
'Wow! Just wow! I didn't expect na masyado sila mageeffort for me.' Sabi nila natuwa daw sila because I maintain my high grades in school wherein I maintain my rank as first honor in our class.
I was happy the whole day spending my time with my family. Pero nakakahalata ako na medjo nagseselos yung pinsan ko sa'kin kaya hindi ako gaano nakikipagchika-chika. Sa gabi naman, hindi ako makatulog kasi naninibago ako sa kama nila dito so I just stared in the ceiling while thinking different things.
'What if naging kami ni Ian in the future neh? Ano kaya mangyayari? Magiging awkward pa kaya kami sa oras na iyon? Hindi naman siguro... Maybe , just maybe may progression kami this school year.'
Kinabukasan naman, pumunta kami sa palengke kasi may bibilihin daw si mommy kaya sumama kami nila mama sa kanya. Kumain din kami sa may mamihan. 'Sana may ganito rin sa Tarlac. Ang sarap ng sabaw nila dito! Sulit pa kasi mura lang .' After that, we just prepare to leave pero bago kami umuwi, kakain muna daw kami sa resto so I just wore my gray hanging blouse and black rip jeans with my white rubber shoes. Kumain kami sa Max Restaurant. Habang hinihintay namin yung order namin nilabas ko nalang yung phone ko to check if may reply si Ian pero wala signal so I just play some games. "May boyfriend ka na ba Zhei?", biglang sabi ni daddy sa'kin. Nahulog ko tuloy yung phone ko bigla kaya pinulot ko at pilit na ngumiti.
'Takte ano sasabihin ko? Wala pa daddy pero meron po ako kalandian? Though hindi naman siya literal na landi kasi through chat lang naman tsaka we know our priorities naman so wala naman problema?' "May nagbibigay naman sa kanya tuwing Valentines. Pero hindi pa naman seryosohan yun kaya ok lang naman." ,si mama na yung sumagot para sa'kin. Sakto naman dumating na yung food, so kumain na kami.
Tamang lakad lang kami hanggang sa mapadaan kami sa bilihan ng pastillas na may iba't ibang design. Naisip ko agad si Ian so I bought a pikachu pastillas for him. I just imagine ano magiging reaction niya 'pag binigay ko sa kanya yun. "Ate Zhei, tara na daw. Ba't ngumingiti ka jan mag-isa ate? Ayos ka lang ba?" , sabi ni Dana habang kinakapa yung noo ko kung may lagnat ba ako. 'Duh! As if naman, hindi ba pwedeng kinikilig lang?' I just roll my eyes toward her and pull her kasi maiiwan na kami. Well, patago rin akong binilhan ni daddy ng relo na Seiko habang bumili naman ng makapal na notebook si mommy para sa aming dalawa ni Dana bago kami magpaalam sa kanila.
I was looking for a chance to hug daddy and mommy. Habang hinihintay namin sila tito at sila kuya, pumunta naman ng restroom sila mama, tita at Dana so naiwan ako with mommy and daddy and I found it a perfect time to say "Thank you mommy and daddy!", I said and hug both of them.
They are just my tito and tita. Kapatid ni mama si Daddy but I use to call them daddy and mommy kasi 'yun na yung nakasanayan namin since I was young. Pasimuno si kuya ko ehh nakiki-mommy siya nun edi nakigaya na ako HAHAHA.
'I know that they are proud of me for studying hard. Medjo seryoso kasi ako sa studies ko pero somehow, naiinggit din ako kila kuya at pinsan ko na chill lang sa pag-aaral. Tipong ok na sa kanila basta makapasa. How I wish I could do the same pero hindi pwede... mahirap na bumaba ngayon lalo't may nag-eexpect na sa'kin. Ang hirap din minsan, nakakapressure... pero kakayanin naman. Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko sa mga bagay na hindi naman ako natutuwa. Maybe one of the reason is their smile kaya nagpapatuloy ako na mag-aral ng mabuti. Seeing them happy and proud makes me wanted to strive more and to study hard.'
Pagkarating sa bahay, nag-unahan na kami sa banyo dahil sa dami ng kinain sa Manila. Syempre kahit bahay yung pinuntahan namin, iba pa rin ang feeling na komportable ka sa banyo noh!
After I clean myself and fix my bag for tomorrow. I check my things like notes kung may nakaligtaan ba akong gawin o ano. I also check my materials in school. Ayaw ko lang kasi nanghihiram sa ibang tao as much as I can provide my own. Kaya nga binansagan akong girl scout ehh. Halos dala ko lahat ng kailangan ng buong klase. Also, I always put two objects per item para kung sakali man na walang madala si Ian, I can always lend him my things without thinking na wala ako magagamit kung ipapahiram ko sa kanya yun. Lastly, I check my wallet kung nandun na ba yung allowance ko, though hindi naman ako gastadera.
Napangiti ako nang makita ko yung picture niya sa wallet ko. Ito yung picture na binigay ni Vier sa'kin nung freshmen pa kami in high school. 'Lakas ng tama ko sayo, Ian. Magkikita na tayo bukas pero syempre, nothing's new. Makita ka lang naman sapat na. Sapat na nga ba?'
-------------
Love lots^-^
BINABASA MO ANG
My Unsaid Thoughts
Teen FictionSabi nila, "Isa sa pinakamasarap na parte ng buhay ng isang tao ay ang maramdaman niyang mayroong nagmamahal at tumatanggap sa kanya." Napakasarap nga naman maranasan ang ganitong bagay, ngunit lingid sa kaalaman ng iba ay ang katumbas na sakit na n...