Chapter 3

13 0 0
                                    

"Ate Zhei mamaya ka na kasi mag-aral!", sabi ni Dana habang nagdadabog pa. Eh kasi nga magpapasama siya sa bukid nila. "Oo, last na ito!", sinabi ko nalang habang binabasa ko yung last part ng lecture namin sa Science, may quiz kasi kami bukas. 

Paglabas namin ng bahay, 'teka, bakit parang nag-iba yung daan dito sa bahay namin?' May humila bigla sa akin."Zhei, sabi kasi sayo 'wag na kayo lumabas ng bahay eh!", pasigaw na sabi ni kuya. Muntik na pala ako mahampas ng lalaki sa likod  ko. 'Pero, para saan yun? Bakit naman niya ako hahampasin?'  Pagtingin ko sa kamay ko, may hawak pala akong sniper. 'Ehh? Bakit may ganito akong dala?' Paglingon ko, nakaalis na si kuya parang may hinahabol. "Ateee!", sigaw ni Dana kaya nilingon ko siya agad. Hawak hawak siya ng zombie, 'Seryoso?! Bakit may zombie dito? Pero hayaan mo na. Ang kailangan, maligtas ko si Dana.' Agad kong inayos yung hawak  kong sniper pero hindi ko alam gamitin kaya pinalibot ko yung paningin ko hanggang sa may nakita akong ordinaryong baril na madalas kong nakikita sa palabas. 'Bahala na!' Pinulot ko nalang iyon at kinasa na parang yung nakikita ko sa pinapanood namin. Tinapat ko na yung baril sa zombie. Sinusubukan ko i-focus sa bandang ulo niya para hindi matamaan yung pinsan ko. "Bibilang ako hanggang tatlo, tumakbo ka palayo!", sigaw ko habang inaasinta ko yung baril. "Pero, at--""Isa!", hindi ko na siya pinatapos. Alam kong nakasalalay ang buhay ko dito pero mas mahirap ang maligtas ka pero wala ka man lang nagawa para sa pamilya mo. "Dalawa!", 'kaya mo ito Zhei. Tama!' pagpapalakas ko ng loob ko kahit takot na takot ako sa ginagawa ko ngayon. "Tatlo!", kasabay nang pagsigaw ko ang pagputok ng baril na tumama sa bandang mata ng zombie kaya nakakuha ng pagkakataon si Dana na tumakbo. Susunod na sana ako sa pagtakbo dahil wala ako gamay sa pakikipaglaban pero bigla ako nahila ng zombie. 'Aba, buhay pa ang loko? Malamang mata lang naman kasi tinamaan mo hayst! Well, do or die na ito.' Siniko ko yung sikmura niya at sinipa ko patalikod yung bandang paa niya na ikina-out of balance niya. 'Biruin mo iyon? Ako ba yung gumawa nun? Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon baka umiyak na ako sa tuwa dahil all my life, hindi ko pa nakitang malakas ako lalo na sa ganitong bagay pero sa ngayon, kailangan ko muna tumakbo' Tumakbo na ako pasunod sa daan na pinasukan ni Dana. Pagkapasok ko doon, hinihingal pa ako pero nakita ko naman sila kuya na kakarating lang din galing naman sa ibang daan. 'Buti naman ligtas sila' Pinuntahan ko naman si Dana sa bandang sulok sa may puno. "Ok ka la---", bigla ako may narinig na kaluskos at hindi pangkaraniwang ingay sa daan na pinagmulan ko kaya lumingon ako. Pero bago ko pa makita kung ano ang meron doon hinatak na kami ni kuya, "Tatakbo tayo... Isa, dalawa, tatlo" Magrereklamo palang sana ako pero napasabay nalang kami ni Dana sa pagtakbo. Kung saan saan kami lumulusot na daanan puro kakahuyan pa yung nandito. "Zhei?"Ilang minuto na kaming tumatakbo. "Zhei?" May nageecho na boses. 'Teka, boses yun ni mama ahh?' "Zhei? Gising ka na. Tignan mo kung may update ba si Sir niyo. Wala na pasok sa ibang lugar ehh." 

Pagmulat ko ng mata ko, bumungad sa akin yung maliwanag na ilaw. 'Tsk, ano yun? dream o nightmare?' "Ano meron ma?" tanong ko kasi alas-kwatro palang, eh alas-singko na ako gumigising 'pag may pasok. "Pumasok na kasi yung bagyo. Signal no. 1 na yung lugar natin pero nagdeclare na yung ibang school na walang pasok. Tignan mo kung may update na ba yung teacher niyo." Naririnig ko nga yung whistle ng hangin sa labas. Kahit ayaw ko pa bumangon, kinuha ko nalang yung phone ko sa bandang table. Pag-open ko, wala pa naman sinasabi kaya bumalik muna ako sa kama para humiga muna. Nilapag ko yung phone ko sa tabi ko at pumikit muna nang naalala ko yung panaginip ko. 'Sniper? Ano na kasi yung panaginip ko?' Inisip ko kung ano yung sniper na yun, pero hindi ko maalala. Ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi ko pa rin naaalala, sumasakit na nga ulo ko ehh. 'Sniper? Saan ba yun ginagamit? Tama! Sa digmaan... pero paa-Ahh! tumatakbo kami. Ano? Tumatakbo kami? Saan naman? Aishhhh~~~'  Bigla umilaw yung phone ko kaya chineck ko kaagad. 

From Sensei:

Ok mga anak, alam ko na magdidiwang nanaman ang ilan sa inyo dahil sa sasabihin ko. Pero pinapangunahan ko na kayo, isipin niyo din ang mga taong walang mapupuntahan tuwing nakakaranas tayo ng kalamidad. Makuha sana natin silang ipagdasal. Pagkatapos, pwede na kayo magtatalon jan sa mga bahay niyo. Ingat kayo mga anak! ,Love Sensei

My Unsaid ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon