❝THE JOCK❞
(Chance Series 03)
written by; LeiwritesChapter 09
NAGISING na naman si Kwyn sa ingay ng mga boardmate niya. Wala siyang balak na pumasok sa trabaho dahil sa masama ang pakiramdam niya. Isama pa sa alalahanin niya ang sitwasyon Niya sa pamilya ang siyang nagpahirap sa nararamdaman niya ngayon.
Ang ingay ng mga boardmate niya na tipong ayaw niya ding pagsabihan ito dahil likas na mabait sya sa mga ka-boardmate.
Katulad niya ay may trabaho din ang mga ito, kaya naiintindihan niya kung bakit ang aga pa lang ay maiingay na ito.
Babangon na sana siya sa higaan ng muli na namang umikot ang paningin niya. Sobrang sakit na ng ulo niya pero gusto niya pa ding bumangon para makainom man lang ng kahit tubig.
"Kwyn ayos ka lang? Anong ginagawa mo?" Pansin sa kanya ng isa sa mga boardmate niya.
Umangat ang tingin niya dito pero saglit din siyang nakapikit dahil sa tindi ng pananakit ng ulo.
"Namumutla ka na Kwyn. May sakit ka ba?" Sabad naman ng katabi niyang matulog sa kama.
Naramdaman niyang may humawak sa noo niya at Maya Maya pay nagkagulo na ang mga boardmate niya. Gustuhin man niyang magmulat ng mata ay di niya magawa. Every time na sinusubukan niyang magmulat ay para namang nasusuka siya.
"Omg! Ang init ni Kwyn!"
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
"Ambulansya agad? Eh lagnat lang naman yan eh!"
"Eh sino namang mag aalaga kay Kwyn eh lahat tayo may pasok sa trabaho?!"
"Alam ko na!"
"Anong alam mo na?"
"Diba may gwapong naghatid nung isang gabi kay Kwyn? 'Yun ang kontakin natin!"
"Wala tayong number niya."
"Sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ni Kwyn tayo tatawag."
"Tama!"
Blur na sa pandinig niya ang usapan ng mga boardmate niya. Wala siyang ibang maisip ng mga sandaling 'yun kundi ang usapan nila ng kuya niya.
---
"Don't look at me like that sis. Hindi ako pumunta dito para sa iniisip mo ngayong dahilan ko. I'm here to inform you that he's searching." Her brother was smiling.
"Searching of what?" Kunot noong tanong niya.
"He's tracking any information details about you." He smirked.
"Sino ba siya?" Curious na tanong niya.
"My friend."
Pagkasabi ng kuya niya sa friend na tinukoy nito ay agad na niyang nakuha kung sino 'yun.
"It's good thing that you'd know how to blocked any information about you." Her brother was impressed.
"'Yun lang ba pinunta mo dito?" Mataray na tanong niya dito.
"Nope."
"Ano na naman? About na naman ba ito sa tinakasan ko?" Inis na tanong niya.
Ang makita pa lang ang kuya niya ay nafu-frustrate na siya. It only reminds her upcoming settlement.
"You promise to came back by next month lil sis. Tumupad ka sa pangako mo." Biglang seryosong mukha ng kuya niya.
"Bakit kasi kailangan ako pa kuya? Bakit hindi na lang Ikaw? Ikaw naman ang kuya eh!" Naiinis na wika niya.
"You know i can't."
"Pero kaya mong magpalit ng babae mo araw gabi!"
"Don't yell at me lil sis. Mas kuya pa din ako sayo."
"Yeah I know right. But if you really make my life miserable by next month, give me a break. Wag kang nagpapakita sakin. Ayokong mabuking. Ayokong mawalan ng kaibigan."
"Mawawala sila sayo kung Hindi ka magpapakatotoo sa kanila. Especially that person you really admired from the very beginning."
Natigilan siya sa tinuran ng Kapatid. Saka lang sya natauhan ng halikan sya ng Kapatid sa sentido bago siya pinababa ng SUV.
---
"Hello opo. Boardmate ako ni Kwyn at this moment po may sakit sya ngayon at Walang mag aalaga sa kanya ngayon. Sana po may kaibigan siyang mag aalaga dito."
Hindi maintindihan ni Kwyn ang sinabi ng ka-boardmate niya dahil conscious pa din siya sa kalagayan niya.
"T-tubig. Pahingi.." sa wakas nasabi niya din.
Agad siyang binigyan ng isang baso ng tubig at saka inalalayan siyang ininom 'yun. Isang salamat na salita lang ang nasabi niya bago humiga ng kama ulit.
Okay na siya.
Kailangan na lang niyang itulog ang pananakit ng ulo niya.---
Aether was accidentally heard his manager talking on someone over the phone, when his manager mentioned 'KWYN' named. Naalarma siya.
Aether looked at his arm wristwatch and he found out that it was 10;00 in the morning and Kwyn didn't show up. Because kwyn aren't there, he doesn't know but he can't calm himself, unless he will see her.
Kahapon niya pa napapansin ang pag iwas nito sa kanya dahil ilang beses niyang sinubukang lapitan ito ay di pa rin siya nito hinayaang malapitan ito, na ang katotohanan lang naman para sa kanya ay gusto niyang i-check kung okay lang ba ito. Kahapon pa ito walang kibo. Focus lang ito sa trabaho. At kapag oras ng kainan kahapon, tumanggi itong kumain dahil wala daw itong gana.
There's something about her.
And now that Kwyn wasn't there, hindi niya maiwasang Hindi mag alala. Nang tumayo ang manager at lalabas na sana ng office nito ay agad siyang Nakita at mabilis din naman siyang nagsalita."Sorry for today. Bawasan nyo na lang ang sweldo ko dahil aabsent ako ngayon."
"Bakit ka aabsent?"
"I'm worried about Kwyn. Even you don't let me go, I will leave here. If you kick me out of here, I'm fucking understand it. Kwyn is more than needing me at this moment."
Nakatulala lang sa kanya ang manager pero siya hindi na niya hinintay na sumagot ito. Mabilis na inalis niya ang apron at mabilis na lumabas ng chain Shop.
Limang minuto lang lumipas ay narating niya ang boarding house ng dalaga. At katulad ng inaasahan niya, sasalubungin na naman siya ng mga babaeng trying hard magpapansin. Hanggang sa may makilala siya sa mga babae dun. Ang babaeng kinausap ni Kwyn nung ihatid niya isang gabing nakaraan.
"Hi. I don't think if you knew me miss. But can you please tour me if where is the exact room of Kwyn?"
Ngiting ngiti ito sa kanya samantalang panay pa-cute sa kanya ang isa sa kasamahan nito. He only give his smile with them. Ayaw niyang masabihan na masungit dahil hindi sya masungit. Gwapo lang siya. Gwapo.
"Oo ikaw nga! Natatandaan kita. Nakatulog na siya ngayon sa kwarto namin pero wala na siyang kasama dun dahil may pasok pa kami."
Walang kasama?
"Ang gwapo mo kuya! Kung dimo mamasamain manliligaw ka ba ni ate Kwyn?"
Another question from Kwyn board mate na mukhang college pa lang.
Ngumiti sya ng makahulugan dito bago sila nakarating ng silid ni Kwyn.Nagulat pa siya ng makitang nakahandusay ito sa sahig kaya mabilis na napapasok sya sa kwarto. Maging ang kasama niya'y nagpanik at sumigaw ng tulong.
Fuck!
BINABASA MO ANG
THE JOCK (COMPLETED)
RomanceHindi naman bastos ang tumulong diba kahit pa dimo pa kilala 'yung tinutulungan mo?