CHAPTER 03

173 7 2
                                    

❝THE JOCK❞
(Chance Series 03)
written by; Leiwrites

Chapter 03

It's Kwyn turn to her job. After makarecover sa nangyari sa kanya ay bumalik na siya para sa trabaho. It's not that she's happy to be seen that guy. May trabaho din kasi siyang dapat atupagin. Hindi ang pride niya ang dapat na inaatupag niya. At bago pa siya makapagsalita ng pumwesto sa kanyang counter ay may bumulong sa kanya agad.

"Ang gwapo pala talaga niya, Kwyn tignan mo siya oh!" It's Ely who's now drooling over that rude guy.

Rude?

Hindi bagay dito ang salitang bastos.
Mas bagay dito ang Walang hiyang lalaki.
Or maybe..

"He's jock."

"Huh?" Clueless si Ely ng itanong 'yun sa kanya.

"Sabi ko may customers na tayo."

At gaya ng sinabi niya ay back to focus na si Ely sa pagtype sa computer ng oorderin ng customers nila. At siya namang pagsulyap niya sa lalaking sinampal kanina.

He's now paying attention to his job.
Nakangiting nagseserve ito ng orders ng mga customers.

"Gwapo niya talaga ano?"

Nangunot ang noo ni Kwyn sa tinuran ng kaibigan. Gwapong gwapo talaga ito sa lalaking 'yun? Napailing na lang sya bago sumimangot.

"Hindi yan gwapo."

"Bakit naman Hindi, halata kayang gwapo sya."

"Sayo, gwapo siya. Sakin HINDI siya gwapo. Tao lang siya."

Umiling ang kaibigan niya sa sinagot niya. Duda ito sa naging sagot niya. Kaya naman binalewala na lang niya ito at nagfocus na lang siya sa trabaho.

Inalis niya ang pansin sa bagong crew member dahil everytime na nakikita ito ay naiinis lang din siya.

___

Masyadong mabilis ang oras kaya hapon na ng makapagpabreak time si Kwyn, Masyado rin kasing    marami ang customers ng araw ding yun at siguro dahil yun sa bagong crew member. Karamihan pa naman sa customers nila ng mga oras na yun ay puro mga teenagers.

kesyo gwapo daw ang lalaking 'yun..

puro na lang gwapo ang bukambibig ng customers nila ukol sa lalaki..

napailing na lamang na isinubo ni Kwyn ang Kanin niyang may kasamang fried chicken. Gutom na gutom siya na hindi niya man lang namamalayan. Naalala niyang hindi nga pala siya  nag almusal ng araw ding yun.

Habang kumakain ay hindi namalayan ni Kwyn na nasa likod na niya pala si Aether na nag aalangan na lapitan siya.

Gustong batukan ni Aether ang sarili dahil sa pag aalangan niyang lapitan ang tigreng babae.

Kaya sa huli, namalayan na lang niyang nakalapit na sa babaeng kumakain. Agad agad naman na napasimangot ito ng makita siya. walang lumabas na salita mula dito. Ngumiti siya dito bago umupo sa katapat nitong upuan.

Kumain ang babae na tila wala siya sa harap nito.

"Hi."

bigla itong tumingin sa kanya na parang pinapatay sya sa pamamagitan ng tingin nito. napakamot siya ng ulo.

"Mind me to join you here?"

"Umupo kana diba?" mataray na tanong nito.

"oo?"

"wala ka talagang hiya kaya bakit ka pa nagtatanong. tss."

"ang sungit mo naman."

"alam ko."

THE JOCK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon