Chapter 1

40 7 19
                                    

My bestfriend Grace dragged me here at a birthday party.So,I don't have a choice, but to come.Birthday ng pinsan niya and since wala naman akong kakilala dito bored na bored na ako.

Sa bahay ng Tito niya ang venue na medyo malayo sa tinitirahan namin.Sa malaking garden,naroon lahat ng mga bisita.May mga may edad na at 'yung iba naman ay halos ka-edad lang namin.

I asked her before we got here, if nandito 'yung pinsan niya na super crush ko pero sabi niya wala daw.Hindi naman siya ang may birthday pero lakas mag-aya ng kasama.

"Hoy!Ano mukmok ka d'yan?"Lumapit sa akin si Grace at iniabot ang isang soft drinks na tinanggap ko naman.Napasimagot ulit ako ng maalala na wala dito si Crushie.

"Lakas mo mag-aya sa'kin hindi naman ikaw may birthday.Kapal ng mukha 'te girl,ah?Kung nandito sana crush ko baka nagparty-party na ako dito."Napairap naman siya sa sinabi ko at hinatak ako patayo.Marami din kasi tumitingin sa akin dito.Ewan ko kung dahil ba nakasimangot ako o dahil nag-iisa ako.

"Marami akong pinsan na pogi,gaga.Want to meet them?"I shook my head.Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng bruhildang 'to.Nagpatianod nalang ako since siya lang din naman kilala ko dito.

"Feeling broken sa crush,"Napa-iling nalang siya sa akin.Hinatak niya ako sa kumpol na mga lalaki.Napatingin ito sa amin at ngumiti.

Napanguso ako ng wala sa kanila si crush.

"Hi mga pinsan!I want you to meet Brie my best friend."Hindi ko pinansin ang sinabi niya at luminga-linga sa paligid.Malakas talaga pakiramdam ko na pupunta 'yon.

Gosh,Liam pakibilisan dahil ibinubugaw na ako ng pinsan mo sa iba.

"Sana all maraming pinsan."Pinandilatan niya ako ng mata at sapilitan kinuha ang kamay ko para makipag-kilala sa mga pinsan niya.

Wala akong choice kundi makipag-shake hands sa kanila.Nakasimangot kong tinanggap ang mga kamay nila.Napansin ko na parang naiilang sa akin ang dalawa kaya't tinaasan ko sila ng kilay.

"Ang sungit naman ng kaibigan mo."Komento ng isa na hindi ko nalang pinansin.

"Hindi 'yan masungit.Bad mood lang talaga kasi hindi niya makikita crush niya."Pabulong nitong sabi sa mga pinsan niya na narinig ko naman kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

Napakadaldal talaga ng babaeng 'to.

"Let's go.Hanapin natin 'yung may birthday.Hindi ko pa naibibigay regalo ko."Ayos din 'to ah?Naunang magmeryenda ng hindi nagbibigay ng gift.

Bago na naman niya ako hatakin ay inilapag ko muna sa isang table ang soft drinks na hawak ko.Bahala na kung kaninong table 'yon.

"Shemay,bakit hindi mo sinabi na si Miko ang may birthday?"Nakita ko sa hindi kalayuan si Miko na panay ang ngiti sa mga bisita niya.Hindi ko alam na siya ang may kaarawan ngayon dahil wala namang tarpaulin na may name niya at happy birthday gaya sa mga bata.Of course wala kasi hindi naman na siya bata.

Nabuhayan ako ng loob na makita si Liam dahil mag-bestfriend ang dalawa.Sigurado ako na pupunta 'yon at hindi palalampasin ang birthday niya.Sinong bestfriend ang hindi a-attend sa birthday ng kaibigan?Syempre ako.Depende kung bigla akong saniban ng katamaran.

"Kuya Miko!Happy birthday!"Grace greeted him with a warm hug before giving her gift.

"Happy birthday,Miko.Sorry I didn't have a present with me.Bigla nalang kasi akong hinatak dito."Nakakahiya naman.Grace glared at me na inirapan ko lang.

"No, it's fine,Brie.I'm glad you came.I am expecting you, actually."I looked at him, confused.What does that mean?

"Why are you expecting me?"I asked.

The Last Sunset(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon