Chapter 13

6 3 0
                                    

"Tay!Hatid mo na ako!Iniwan ako ni Grace!"Sigaw ko agad pagkalabas ko ng kwarto.

Ang walanghiyang Grace hindi ako ginising ng maaga para sumabay kay Bry.Mga walang konsiderasyon amporkchop. Hindi pa mag-jowa 'yung dalawa na 'yon,ah.Paano kung maging sila pa?Edi baka hindi na umuwi dito si Grace.Magkaklase naman sila tapos kung umasta ay akala mo hindi sila nagkikita araw-araw.

"Tay!Uso po gamitin boses para sumagot!"Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa kusina dahil alam ko na nagkakape do'n si Tatay.Gano'n naman gawain no'n tuwing umaga,e.

"Ay anak ka ng nanay mo!"Bigla akong napaatras ng hindi si Tatay ang maabutan ko sa kusina kun'di si Liam.Tinawanan lang ako nito at pinagpatuloy ang pag-inom ng kape niya.

"Goodmorning,love."He greeted with a sweet smile.

I remained myself standing and trying to analyze if he was real.I scanned him from head to toe to toe to head.He's wearing a black shirt and jeans.Mas lalo tuloy umangat ang pagkaputi niya.

"Uh... goodmorning?"I hesitate.Kasi naman baka mamaya panaginip lang 'to tapos bigla akong magising.

"Aren't you giving me a hug?Come on.Totoo ako,parang kang ewan."He opened his arms wide open to ask for a hug.Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na papunta sa kaniya at niyakap siya.

"I was thinking twice if you are real.Wala ka naman kasing sinabi na uuwi ka pala.I am not dreaming right?"Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya.

Hindi na ako nagmadali pa dahil anong sense no'n kung late din ako?Ganoon din naman.Nakakahiya nga kay Liam dahil halos isang oras na pala siyang naghihintay sa akin.Hindi ko naman din kasalanan na masarap talaga matulog, 'di ba?

"Sana sinabi mo sa akin na uuwi ka pala.Edi sana maaga akong gumising."Nakasimangot na sabi ko ng hawakan niya ang kamay ko.

We are on our way to the school.Since umalis na nga ang mga kasama ko sa bahay obligado ihahatid niya ako.Alangan paglakarin niya ako,mangongonsensya talaga ako.

"If I said it to you,it wouldn't be a surprise anymore."He said.

Well,may point naman siya.

"Bakit wala kayong pasok?Hindi naman holiday tapos wala din naman bagyo?"I looked outside to check if the weather is fine.

"I don't have class every Tuesday remember.Baka nakakalimutan mo college na ako?"Halos mapatampal ako sa noo ko ng maalala na wala siyang pasok every Tuesday.Bakit ko ba nakalimutan 'yon?

"Nakakainggit naman.Gusto ko na din mag-college.Tapos sabay tayo papasok.'Di bale ilang months nalang graduate na ako."Naramdaman ko na mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko pero hindi ko nalang 'yon pinansin.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school.Kagaya ko ay may iilang din na late na ngayon ay nagmamadali na.Sabi ko nga kanina kung late kana din edi sulitan na.

"I gotta go.Ingat ka sa pag-drive.Icore Dio."Nagflying kiss pa ako sa kaniya bago bumaba sa kotse.

"I'll pick you up later.Saranghaeyo,"Mas lumawak ang ngiti ko ng umakto siya na parang sinalo 'yung kiss ko.

Binati ko muna 'yung guard bago ako pumasok sa gate.Omygad late na naman ako,ano bang bago.Pagpasok sa school ay mas marami ang estudyante na nagmamadali.May iilang guro din na animo'y kulang nalang tumakbo.Umaliwalas naman ang mukha ko ng makitang sabay na naman kami ng adviser namin.

"Goodmorning ma'am!"I greeted my teacher.She gave me a smile.Hindi naman na bago 'yung sabay kami papasok sa room.

"Late ka na naman,Brie."Mahinahon na sabi nito sa akin.

The Last Sunset(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon