Chapter 1

126 10 1
                                    

Lewis' PERSPECTIVE

Akala ko totoo na, panaginip lang pala. Kailan kaya ako mapapansin ni lincoln.

Nakakainis namang alarm clock to, disturbo talaga. Hahalikan na sana ako ni Lincoln kung hindi lang ako nagising.

Narinig ko ang doorknob na parang may bumubukas galing sa labas. Nandito ako ngayon sa aking bedroom. Agad ko itong binuksan dahil alam kung si papa lang ang kasama ko sa bahay. At malamang magagalit na naman 'yon kapag matagal kong bubuksan.

"Ano naman ba ang pinag-gagawa mo at masyadong matagal buksan ang pinto. How many times do I tell you na gusto ko ng alertong anak at hindi mabagal kagaya mo?!" bulyaw niya sa akin matapos ko siyang pagbuksan.

"Sorry pa inaayos ko pa po ang hinigaan ko." pagsisinungaling ko lalo pa't ang rason kung bakit ako natagalan ay ang pag-iisip sa panaginip ko.

Ang sama ng tingin ni papa sa akin. Nagdulot ito ng kaunting kaba. Natatakot ako pagdating kay papa. Hindi siya nangto-torture pero masyado siyang strict.

"Bilisan mo diyan. Huwag kang babagal-bagal. Nang dahil sa hinhin mong iyan namatay ang nanay mo. Kaya huwag kang hinhin kung kumilos." - papa.

Biglang kumirot ang aking dibdib. I remember again the day my mother died because of me.

Flashback

Nagtatravel kami noon ni mama. Sa kanilang dalawa ni papa sa kaniya ako mas close. Nakikisabay kasi si mama sa akin. Para siya ng isip bata at parang kaibigan ko na'rin. Tanggap niya ang kasarian ko dahil bata pa lang ako alam na niya na magiging bakla ako paglaki ko dahil mahinhin akong kumilos.

Nagda-drive si mama noong time na 'yon. Nakangiti.

"Ah baby. Tignan mo muna 'yong phone ko sa loob ng bag ko. Baka kasi tumawag ang papa mo at baka importante." utos ni mama sa akin.

Tiningnan ko sa loob ng bag niya. Hinanap ko ang phone niya ngunit hindi ko makita.

"Ma, wala naman dito yung phone mo."

"Tignan mo sa bulsa ng bag baka nandiyan."

"No ma. Wala parin dito." medyo nakaramdam ako ng inis dahil hindi ko mahanap.

"Paano mo yan mahahanap eh salita ka lang ng salita ang bagal mo pang kumilos. Mata ang ginagamit sa paghahanap anak hindi bibig hahaha." sabi ni mama habang tumatawa.

"Ma inaasar niyo na naman ako eh. Wala talaga dito."

"Ilapit mo sa akin ang bag ako na maghahanap." sinunod ko naman ang utos ni mama.

Hindi siya nakatingin sa daan dahil naghahanap siya ng phone niya.

"Nandito sa maliit na zipper anak. Ikaw talaga ang bagal mo lang maghanap hahaha."

Biglang umakyat ang matinding kaba ko nang tumingin ako sa daan at nakita ko ang malaking truck patungo sa aming harapan.

"Nak!" sigaw ni mama at bigla akong niyakap.

...

Nagising nalang ako na nasa ospital ako. Ikuwenento ni papa sa akin ang mga nangyari.

Nakaligtas daw ako dahil nakayakap si mama sa akin at si mama ang mas malala. Maraming sugat si mama.  Sinubukan pa daw siyang dalhin sa ospital pero dead on arrival.

Habang tumatagal nag-iiba ang turing sa akin ni papa. Lalo siyang naging malamig hanggang sa palagi nalang siyang galit sa akin. Nararamdaman ko na sinisisi ako ni papa simula noong pumanaw si mama.

INTO HIS DREAM  (BXB on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon