Chapter 4

83 2 0
                                    

Weeks had past at nakalabas na rin ako sa ospital sa wakas. Lincoln were always visiting me. Araw-araw niya akong dinadalaw at merong isang araw na nagpalipas siya ng gabi sa ospital para lang mabantayan ako.

I'm here at my house thinking of what happened in the time that I'm in the hospital. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagbago na si Lincoln.

Sinasabi niya lang ba 'yon dahil nakonsensiya siya?

O baka naman talagang mahal niya ako?

It hits me confused. Ang importante naging mabuti siya sa akin. Ayaw ko ng mag-isip ng negative.

Nakatulala lang ako sa kisame. Medyo nabo-bore ako kaya naisipan kong gumamit ng cellphone. I checked my social media acount. I see there is a message request.

I open the message box and then the name appeared. I was shock because it was Lincoln Niemer.

Message from Lincoln Niemer
"Hey"

Ano bang isasagot ko? Para akong nakuryente. Hinsi ko in-expect na maging ganito. Kung bakit ang Lincoln na masama ang ugali ay bigla bigla nalang nagbago.

Message to Lincoln Niemer
"Yessssss"

Sinadya kong damihan ang letter 's' para
Hindi magmukhang cold. Wala kasi akong maisip na isasagot.

Agad nag pop-up sa notification bar ko ang bilis na reply ni Lincoln.

Message from Lincoln Niemer
"Accept mo 'yong friend request ko"

I-a-accept ko ba siya? Ang feeling ko naman para hindi siya i-accept. Sino ba ako para taasan ang pride ko?.

Message from Lincoln Niemer
"Thankyou" (heart emoticon)

May pa-emoji pa siyang nalalaman. Hayss.

Hindi ko na siya nireplyan pa sapagkat dinalaw na ako ng antok. Unti unting napapikit ang aking mga mata.




KINABUKASAN. Nagising ako dahil sa alarm. Ang pangit sa feeling kapag hindi ka sa satisfied sa tulog mo. Pero wala akong magagawa dahil may pasok ako. And guess what? Pagagalitan talaga ako ni papa kapag late na naman ako gumising.

Inayos ko ang aking higaan. Saka lumabas ng kwarto. Dumeritso ako sa cr para mag mumog. Pagkalabas ko ng cr na kita ko si papa da dining table na nagkakape as usual.

"Good morning po pa." usal ko. Kailangan ko parin maging magalang sa ama ko kahit pa hindi maganda ang trato niya sa akin. Ama ko parin siya at walang magbabago.

Hindi na naman siya sumagot sa pagbati ko gaya ng nakasanayan. Matindi pa'rin talaga ang galit sa akin ni papa.

Hinayaan ko na lamang siyang i-ignore ako at pumunta ako sa cr. I was taking a bath inside the cr when suddenly sumigaw si papa sa labas. Hindi ko narinig ang sinabi niya kaya nagmadali akong tapusin ang pagliligo ko.

Tapos na akong maligo. Itinapis ko na ang tuwalya sa aking bewang at lumabas. Nakita ko si papa na mukhang galit.

"Ilang araw mo balak maligo sa cr?" sarkastikong tanong niya.

"sorry pa, hindi ko po namalayan ang oras habang naliligo ako."

"oh ano pang hinihintay mo diyan? Tapos na akong kumain. Maghain ka nalang ng sarili mong kakainin." saad niya.

Bigla akong nasaktan sa sinabi niya. Kahit makasabay akong kumain ayaw niya.

Hindi ko kaya ang aking dinidibdib. Paulit-ulit nalang puma-flashback sa akin ang incident na nangyari sa amin ni mama sa tuwing pagagalitan ako ni papa.

Pinilit kong kumain sa dining table kahit wala naman akong gana. Kumain lang ako ng apat na kutsara saka pumunta sa cr para magsipilyo.

Naglalakad ako ngayon papuntang school. Iniisip ko sana kung susunduin ako ni Lincoln. Assumption level 99.

Pero nagulat ako nang may marinig akong busina sa likod ko habang naglalakad ako. Biglang lumaki ang ngiti sa aking labi ngunit napalitan din ito ng pagkadismaya nang makita ko ang sasakyan ni Kierro.

Buong akala ko pa naman si Lincoln ang susundo sa akin. Hays~

"hoy caston! Sumakay ka na." narinig ko na naman ang nakaka-iritang boses ng serapyo na 'yan.

"Hindi na. Maaga pa naman. Mas maganda kung maglalakad lang ako. Dagdag ehersisyo narin." mahinahon kong tugon.

"Sigurado ka ba? Sige mauuna na ako."

Tinanguan ko nalang siya bilang sagot.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Umaasa parin akong makikitako si Lincoln bago ako makapasoksa school.




Nakarating na ako school nang walang Lincoln. Pakiramdam ko ang tamlay ko ngayon. Nawalan na ako ng gana.

'ang bobo mo kasi Lewis. Umaasa ka na naman.'

Agad akong pumasok sa room. Nakita kong nauna na sa akin si Kierro. Nakaupo na siya sa upuan niya. Pupunta na ako sa tabi niya para umupo nang may tumawag sa akin.

"Mr. Caston, may naghahanap sa'yo sa labas." dinig kong salita ng aming guro.

Lumingon ako sa bintana ngunit wala akong makita. 'Ano na namang pakulo to?' tanong ko sa aking isipan.

Wala naman akong nakita sa bintana kaya lumabas na ako sa ikalawang pinto. Nasorpresa ako nang makita ko Lincoln na may dalang bouquet.

Waah~
Umakyat ang kilig sa aking buong katawan ng makita ko siya. Ramdam ko ang pamumula sa aking pisngi.

Tinakpan ko ang aking cheeks dahil baka mahala niya na nagba-blush ako.

'Ang guwapo niya'

"Sinabi ko naman sa'yo na iwasan mo ang pagsasalita ng mag-isa." nagsalita siya malapit sa akin.

Omg! Narinig niya 'yong sinabi ko.
Ikaw talaga Lewis iwas-iwasan mo ang pagsalita sa isip mo kasi nasasabi na pala nang hindi namamalayan.

Nakakahiya. Ang awkward!
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nagsalita.
" ah-oo i-iwasan ko." teka Lewis ba' t ka nauutal?

"Ano nga ulit 'yong sinabi mo? Gwapo ako?"
Pang-aasar niya.

Lord ipalamon mo na ako sa lupa ngayon na.

"ah-eh gwapo ka naman talaga." mahina kong usal dala ng kahihiyan.
Emeged ano ba!

Hindi ka dapat mahiya Lewis. Ipakita mo sa kaniya na hindi ka nauutal.

"Anong ginagwa mo dito?" binasag ko ang katahimikan.

"Nandito ako dahil sa'yo este- dahil may sasabihin ako sa'yo." pabiro niyang sabi. Agad akong umiwas ng tingin para hindi niya makita ang aking mukha.

"ano yan dala mo?" tanong ko.

"Bulaklak."

"bulaklak? Para saan?"

"para sa'yo." andiyan na naman 'yong paru-paro sa tiyan ko na lumilipad.

Hayst~ Lincoln. Lincoln. Lincoln.

Ngayon ko lang talaga na-studyhan' yong pagmumukha niya. Hawig niya si Luhan ng EXO.

Hay nako ano tong pinagsasabi ko?

✔️






Please don't forget to:

Vote | Comment | Follow

INTO HIS DREAM  (BXB on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon