Bigla akong bumalik sa wisyo ng nag-ring ang bell.
"Sige na papasok na ako. Pumasok ka na 'rin." i said sweetly. Pabebe ka gurl?
"wait!" sigaw niya saka binigay sa akinang flowers.
OMG naramdaman ko na naman yong mga paru-parong lumilipad sa loob ng tiyan ko.
"Bye" usal niya matapos ibigay sa akin ang bouquet. Nakangiti pa ang gago. Tumalikod na siya pabalik sa kanilang silid. Lumakad na'rin ako papasok ng classrom.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad. Nagulat nalang ako dahil nakatingin pala sa'kin si Kierro.
"Anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan?" nakakaasar niyang tanong. Tinatawanan niya ako. "Bakit ka nagba-blush?" mapang-asar niya pang dagdag.
"wala hahaha." tumawa nalang ako para hindi niya mahalata ang kilig ko.
"Anong nangyari do'n, ba't bigla nalang bumait? Parang noong nakaraang araw lang diring-diri sayo yung tao." medyo masakit siya magsalita ha pero may point siya.
Bakit kaya biglang nagbago si Lincoln? Siguro nakonsensiya siya sa mga sinabi niya dahil mahal niya talaga ako?
Hays~ ewan ko ba dito sa iniisip ko ang importante nagbago na ang turing niya sa akin. Handa akong patawarin ka Lincoln. Kahit ano pa ang mga kasalanan mo.
Di nagtagal at nagsimula na ang klase. As usual na ginagawa sa loob. DISCUSS.. DISCUSS..DISCUSS. Nag quiz naman kami sa science pero di ganon kahirap.
Some time pasts at sa wakas break na'rin namin. May baon ako kaya hindi ko na naisipan pang pumunta ng canteen. Hindi narin ako sumama sa pag-aya ni Kierro.
Sana makasabay ko na naman siya kumain.
Hays Lewis ano ba 'tong iniisip mo? Diba hindi ka kakain kaya ayaw mong sumabay kay Kierro?
Hinayaan ko nalang ang bumabagabag sa isip ko at kinuha ang baon ko sa bag para kumain. Pagkabukas ko ng baon ko as usual kanin at bacon na naman ang ulam. Yun lang kasi kaya kung lutuin kung umaga. Hindi ko bet kumain kasi nakakaumay ang pagkain. Sana sumama nalang ako kay Kierro sa canteen.
"mr. Caston? May bisita ka." walang kagana-ganang saad ng aming professor.
Hindi ko na siya sinagot pa at diretso akong tumingin sa labas. Bigla nalang nanindig ang balahibo ko sa kilig nang nakita ko ang lalaking nakatayo sa wall habang nakayuko at nagce-cellphone. Ang gwapo ni Lincoln.
Mas lalo pa akong pinagpawisan ng humarap siya sa direksiyon ko.
Oh my god! Sapakin ako ngayon na.
Nandiyan na naman yung makalaglag panty niyang ngiti.
Nagwave siya sa akin at agad ko na namang naramdaman ang aking pisngi na nagsisimula ng nagbu-blush. Pakiramdam ko para na akong kamatis sa pula.
Yumuko ako dahil sa hiya. Niligpit ko ang aking mga gamit at pagkain at lumabas ng mabilisan.
"Hi." nahihiya kong tugon.
Jusko lord bakit ako nahihiya?
Ang makapal kong mukha ay nawawala kapag siya ang kaharap mo.
Lamunin ako ng lupa ngayon na!
"Pwede ka bang sumabay maglunch sa akin? Treat ko. Para man lang makabawi ako sa kasalanan ko." he said calmly with a baritone on his voice. His masculinity gives me goosebumps every time he speaks.
"Sige ba." I replied at nginitian niya lang ako. Habang naglalakad kami ay feel na feel ko yong awkwardness. May pagkatorpe din pala itong badboy na to. Bigla-bigla nalang siyang nagmomood swing. Ano kayang nakain niya at bakit bigla siyang bumait. Binasag ko ang katahimikan. "Hanggang ngayon ba iniisip mo pa'rin 'yong nangyari noong nakaraan?" I asked para naman mematopic.
"I can't get rid of my thoughts everytime na naiisip ko yung mga nangyari. I have a conscience at hindi kaya ng kosensiya ang nakita kang nasaktan sa mga masasakit na salita ko."
"Kalimutan mo na 'yon. Let's move on. Ang mahalaga ay kung ano tayo ngayon. Magkaibigan narin naman tayo kaya okay na yon." sabi ko pa.
"But I want something more than friends."
Goosebumps! Ayan na naman yong mga patutyada niya.
"ano?" pagmaang-maangan ko na kunwari hindi narinig ang mga sinabi niya.
"wala. Sabi ko umorder na tayo. Nagugutom na ako." sa pag-uusap namin hindi ko namalayan na nakarating na kami sa canteen.
Umorder na si Lincoln samantalang ako humanap ng mapupuwestuhan dito sa labas kung saan kami kakain. Sa labas kasi ng canteen nakaratay yung mga tables. Lalapit ka lang sa canteen para oorder.
Nakahanap na ako ng bakanteng table. Hindi naman natagalan si Lincoln sa pag-order dahil wala masyadong estudyante dito.
Inilapag na niya ang order namin. Ngayon lang ako nagkagana kumain. Siguro dahil kasama ko si Lincoln HAHA.
Habang kumakain kami pakiramdam ko lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin.
"ah Lincoln? Hindi ka ba nahihiya na maraming tumitingin sa atin." tanong ko dito.
"Bat naman ako mahihiya eh wala naman silang alam tungkol sa atin." sabi pa niya. May point naman siya. "Maliban nalang kung may relasyon tayo." dugtong niya na dahilan upang masamid ako. Kinuha ko naman agad 'yong tubig at ininom.
"Sorry. hahaha" natatawang wika niya pa.
Pwede nemen teyo megkeroon ng reletionshep Lencoln enebe!
"eh hindi ka ba nahihiya na sumasabay kumain sa' yo ang isang baklang katulad ko lalo na at sikat ka dito sa school natin. Baka ano pang issue gawin nila at magpapakalat ng maling tsismis tungkol sayo."
"Edi gumawa sila ng chismis. Wala naman akong pakialam." he said. "pero isa lang ang totoo Lewis. Itong nararamdaman ko para sa'yo ay totoo. I don't know when it started, siguro dahil naawa ako sa'yo dahil nilait kita. Believe me or not Lewis I like you."
Lord handa na po akong magpakain sa lupa makaalis lang sa sitwasyong to. Hindi ko na kaya ang kilig huhu.
" Just give me time to prove that to you."
Mabuti nalang at niligtas ako ng bell. Time na pala at kailangan na naming bumalik sa sarili naming rooms.
"Time na para sa next subject namin. So magpapaalam na ako sa'yo Lewis. Hope to be with you again. Goodbye."
"Bye din. Sana makasabay kita ulit." pagpapaalam ko din sa kaniya.
✔️
MISSPAWWI❤️
Hi Mississippi's. Sorry for the very very very late update. Dumating na yong modules naminat ngayon ko lang natapos sagutan kaya ngayon lang ako nagkaganang magsulat HAHAHA.
Thankyou dahil umabot na tayo sa 150 reads HAHAHA its just a small achievement but I owe it a lot guys.
Happy reading and I hope you will support me until the end. THANKYOUUUU😘Please dont forget to:
Vote | Comment | Follow
BINABASA MO ANG
INTO HIS DREAM (BXB on-going)
RomanceMeet Lewis Caston, isang soft hearted kid na maagang iniwan ng ina dahil sa aksidente na siyang dahilang kung bakit kinamumuhian siya ng kaniyang ama. Sinisisi siya nito sa pagkamatay ng ina. Lincoln Niemer, isang sikat at heartthrob sa school nila...