Chapter 6

53 5 0
                                    

*****

Hi Mississippis❤️
Gusto ko lang magpasalamat sa supporta niyo sa akin kahit na halos silent readers lang kayong lahat. Bakanaman pavote ng chapters HAHAHAHA.
Enjoy lang kayo hanggang dulo.
Happy reading😘

*****

Hapon na at sumabay ako kay Kierro pauwi ng bahay. Hindi ko na naisipan pang gumala dahil nag-aya si Kierro na mag meryenda sandali pero tumutol ako. Kasi pagagalitan na naman ako ni papa kapag umuwi ng late.

"Dito na ako." saad ko kay Kierro matapos makarating kami sa tapat ng bahay.

Inihinto na niya ang sasakyan at bumaba na ako. "Salamat Kierro. Kitakitz sa lunes." I thanked.

"Bye, ingat." he replied.

Pumasok na ako bahay at bumungad sa akin si papa na nanonood ng tv. Usual na pinapanood ng mga matatanda ay puro balita.

"Mano po, pa." I said and blessed.

Tahimik lang siya. Kahit na walang ginagawa si papa natatakot parin ako. Hindi naman siya nanakit but the way he speaks gives me some scary feelings.

"Kumain ka na at mag-usap tayo mamaya." mahinahon ngunit ramdam ko ang pagka-istrikto sa pananalita niya.

Dumiretso ako sa kusina at nagulat ako bigla nang makita kong may nakahanda ng pagkain. Teka si papa ba naghanda nito? Bakit niya ako hinainan ng pagkain. It's my first time since my mother's death na tinrato ako ni papa nang ganito.

Hindi ko lubos maintindihan ang sayang nararamdaman ko ngayon lalo pa at unti-unti kaming nagkakalapit ng loob ni papa.

Kumain ako. Masarap pala ang pagkain kapag isa sa mga mahala mo sa buhay ang naghanda.

Binilisan ko ang pagkain sapagkat excited akong malaman kung ano ang inportanteng sasabihin sa akin ni papa.


Pagkatapos kung kumain agad kong niligpit lahat at pumunta na sa salas para puntahan si papa. Nakita niya ako kaya pinatay niya ang tv at natuon sa akin ang kaniyang atensiyon.

"Umupo ka rito." Agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya sa couch.

"anak sana hindi pa huli ang lahat." panimula niya na nagbigay sa akin ng samotsaring emosyon. Hindi ko alam kung mabibigla ba ako o magiging masaya sa pagtawag niya sa akin ng 'anak'.

"Ano po ang ibig niyong sabihin pa?" tanong ko dito.

"Gusto kong humingi ng tawad anak. Patawarin mo sana si papa kung hindi naging maganda ang pagtrato ko sa'yo. Nanaginip ako anak na naaksidente ka na naman ulit. Ang panaginip na iyon ang nagpa-realize sa akin na importante ka sa akin anak ko. Sana hindi pa huli ang lahat to forgive me. Inaamin ko na naging masama akong ama sa iyo pero ipapangako ko anak na magbabago ako. Narealize ko na.. Narealize ko na mahal na mahal kita anak ko. Simula ngayon ituturing na kitang anak ko. Sa mapatawad ko ang pagkukulang ni papa." maemosyong saad niya. Kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha ni papa. Ramdam ko narin ang namumuong luha sa mga mata ko na unti-unti nang tumutulo.

"Masaya ako at nagsisisi kayo pa pero sana bigyan niyo po ako ng konting panahon para handa na akong mapatawad ka nang buong-buo. Sa ngayon, masaya akong nagbago ka na." hindi ko na napigilan at bumuhos ang mga luha ko at kaagad na niyakap si papa.

"Salamat anak. Salamat."







Matapos ang dramatic scenes namin ni papa ay inayos ko na ang sarili ko para sa pagtulog. Naghilamos ako at nagtoothbrush pagkatapos ay umakyat na sa bedroom ko.

Malaya akong humandusay sa kama. Nag-bounce pa ako ng kaunti dahil sa foam. Dinadama ko ang katahimikan at lambot ng kama. Napangiti naman ako habang nakapikit nang maalala ko ang mga pangyayari ngayong araw.

Di ko in-expect na mangyayari ang ganito. Ang saya sa pakiramdam. This was my luckiest day.vang daming ganap ngayong araw na puro positive.

Hindi ko lubos maisip na kanina lang nagconfess na sa akin si Lincoln tapos ngayon humingi ng tawad sa akin si papa.

Masarap palang matulog nang nakangiti. Agad akong dinalaw ng antok at hindi ko na namalayan ang aking sarili na nakatulog na pala ako.






KINABUKASAN. Maaga akong nagising dahil sa amoy ng ulam. Amoy sunog na ulam. Nagluluto yata si papa.

Bumaba na ako at dumiretso sa lababo para mag mumog at maghilamos. Pagkatapos ay pumunta na ako sa dirty kitchen para tignan si papa na nagluluto.

"Good morning nak." Sabi niya sa akin nang nakangiti.

"Good morning din pa." sagot ko.

"Nagugutom ka na ba anak? Sandali lang ha. Hintayin mo lang itong niluluto ko. Nagluto ako ulit ng bacon kasi nasunog yung first batch." sabi niya pa pero medyo nahiya nang sabihin niyang nasunog ang niluto niya.

Tumawa lang ako ng mahina. "pasensiyahan mo na si papa nak ha. Matagal-tagal narin kasi akong hind nakapagluto. Palaga nalang tayo nagpapadeliver ng pagkain. Kinalawang na nga yung stove natin eh sa tagal nang hindi nagamit."

"Okay lang po pa." sabi niya at tinulungan ko siyang maghanda.

"Huwag na anak umupo ka na doon hihintayin mo nalang ako." sabi niya pero sadyang matigas ang ulo ko. "Sige na pa baka kasi mahihi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binigyan niya ako ng sundin-mo-nalang-ako-look.

"okay pa." tumatawang sabi ko at tumawa narin siya.



Natapos nang maghanda si papa at pwede na kaming kumain.

"Magdasal muna tayo nak." he said.

"sige pa."

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, amen." sabay-sabay naming panimula.

"Lord god maraming salamat po sa araw na ibinigay niyo. Maraming-maraming salamat po sa pagkaing nakahain sa aming harapan. Hiniling ko po Lord na sana gabayan niyo po kami habang kinakain namin ang aming pagkain. That's all we pray in Jesus name, amen." dasal ni papa.

Nagsimula na kaming mag-almusal. At kahit nandito lang kami sa bahay nag almusal, ginawa parin naming bonding ni papa ang almusal na ito. Nag-uusap kami tungkol sa mfg memories namin noong bata pa akon at no'ng buhay pa si mama. Hindi namin maiwasang matawa sa mga nakakatuwang pangyayari sa aming nakaraan at hindi rin naming maiwasang malungkot sa mga pighati't trahedyang nangyari.



*****

Please don't forget to:


Vote | Comment | Follow




INTO HIS DREAM  (BXB on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon