Lewis Caston
'Anong nangyari don'
Hinabol ko siya ngunit bigla nalang siyang nawala sa aking paningin. Kinabahan ako sa reaksiyon niya kanina noong nakita niya akong kasama si Rembrant. Hindi kaya nagseselos siya?
Nakita ko siya paakyat sa rooftop ng building no. 8 kaya sinundan ko siya. Ang bilis ng lakad ko na para nang tumatakbo. "Lincoln!!" pagtawag ko sa kaniya at lumingon naman siya sa aking kinaroroonan.
Pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa kaniyang paglakad papunta sa rooftop. Umakyat narin ako para sundan siya. Nakarating na ako sa rooftop. Malapad ang rooftop at may mga kahit anong bagay na nakatambak dito. Para na itong bodega may mga sirang upuan at mga sirang chalkboards na nakatayo sa gilid ng walls. Puno narin ng mga vandalisms ang walls. Ewan ko ba dito napakaganda at mamahaling paaralan puro naman mga salaula ang mga estudyante. Sa bagay hindi naman nakikita ang mga ito kapag nasa baba ka.
Lumingon ako sa kaliwa ngunit wala akong namataan kaya bigla akong kinabahan. Ano kayang ginawa no'n?. Lumingon ako sa kanan at napawi naman ang kaba ko ng masilayan ko siyang nakaupo sa sirang bench.
Hindi niya naramdaman ang presensiya ko kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kaniya at nang makalapit na ako ay doon niya naramdaman ang aking presensiya. Lumingon siya sa akin at agad naman niyang binawi at yumuko.
"anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya upang mabasag ang katahimikan saka umupo sa kaniyang tabi.
"Dito ako tuwing may iniisip at may problema. I feel relaved when I'm here. Tahimik at payapa kaya perfect pang anti-stress ang lugar na'to." sagot naman niya.
"Bakit? May iniisip ka bang problema?" tanong ko dito kaya agad naman nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Isn't it obvious? You know that I like you but you're flirting with other guy. Ang masaklap pa ay tinatraydor mo ako ng patalikod." mahinahon ngunit may kalakasan niyang tugon.
"I'm not flirting with him, Lincoln. Kinakausap ko lang naman siya. Ano bang problema don?" hindi ko naiintindihan ko bakit siya nagkakaganito. Hindi pa naman kami pero kung makaasta siya parang pag mamay-ari niya ako. Pero deep inside kinikilig ako tuwing nagseselos siya. Ang landi mo talaga Lewis.
" you're not flirting with him eh anong tawag mo don sa mga ngiting binibigay mo sa kaniya, yung sinasabi ng mga mata mo? Kasi the way talk to him is like the way you talk to me. Pakiramdam ko kung ano yung pagtingin mo sa kaniya ganon din ang pagtingin mo sa akin at hindi ko gusto yon, Lewis. Hindi ko gustong may kapantay ako. Dapat naiiba ang pagtrato mo sa akin sa ibang tao. Siguro nga karma ko na ito. Sana dati hindi kita minaliit at pinahiya sa maraming tao, hindi pa sana kita nakilala ng lubos. Sana hinayaan nalang kita noong panahon yun." mga salita niya at kitang-kita ko na ang mga namumuong luha sa kaniyang mga mata.
" okay, I'm sorry. I'm sorry if you felt that way. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na iba ka. Iba ka sa kanila. Sadyang ganito lang ako makihalo-bilo sa mga tao. I'm really really sorry Lincoln." hindi ko na napigilin ang sarili ko at bigla ko siyang niyakap at tinapik-tapik ang kaniyang likod.
Tumagal ang aming pagyayakapan at bumitaw na rin kami sa isa't-isa. Nakaupo kami ngayon sa bench at binalot ng katahimikan ang paligid. Walang imikan at kahit anong ingay.
"May sasabihin ako sa iyo." saad niya ng may ngiti sa labi. Ngumiti na rin ako at sumagot sa kaniya. "ano?"
"tomorrow there will be no class." he said.
"oh tapos?" maangas kong sagot.
"pormal akong manliligaw sa'yo at sa parents mo." biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko pataas.
"ano?"
"bingi ka ba? Sabi ko pormal akong manliligaw sayo bukas at sa parents mo." sabi pa niya.
"Si-siguradi kka bba?" shete ka Lewis ba't ka nauutal?
"Oo nga. Papayag ka ba?"
"Ha? Ah eh-oo naman" pautal-utal kong sagot.
"okay tomorrow pupunta ako sa bahay niyo." ani Lincoln.
"bukas?" tanong ko na para bang nabibigla.
"paulit-ulit?" he kust teased me. "hali ka na bumaba na tayo malapit na ang time sa first period natin." patuloy niya.
"sige, tara."
Habang bumababa kami sa hagdan ay tinatanong ako ni Lincoln. "sa tingin mo? Magugustuhan kaya ako ng papa mo?" tanong niya.
"Sa tingin ko hindi" seryoso kong tugon.
"Ha? Bakit naman? Gwapo naman ako, matalino, at mabait sa'yo. Bakit hindi niya ako magugustuhan?" naguguluhang tanong ni Lincoln.
"Lincoln ano ka ba? Straight si papa okay? Hindi siya papatol sa kapwa niya lalaki. Paano Niya magugustuhan si mama kung hindi siya straight?" tugon ko dito.
"Hahahahahahaha. Gago hindi ganon ang ibig kong sabihin" tumatawa niyang tugon at napamura pa.
"Ang ibig kong sabihin ay kung magugustuhan ba ang ng papa mo para sa iyo. Hahahahahaha."
Hala ka shete!!!! Lewis ang bobo bobo mo. Teka bakit di ko naisip yon?
"sorry" napahiya tuloy ako sa kaniya. Kaya agad akong humingi ng tawad.
"it's okay Hhahahaha. Ihahatid na kita sa room niyo." he suggested.
"Huwag na malapit ng ang time baka malate ka pa. Malapit naman yung room ko kaya okay lang. Bye. See you!" sabi ko with matching pa-flying kiss pa at agad na kumaripas ng tabko.
Halos mamatay na ako sa hiya dahil don sa sinabi ko sa kaniya kanina. Kung pwede lang na lamunin ako ng lupa nung oras na yon magpapalamon talaga ako.
Nakarating na rin ako sa classroom at ilang sandali pa dumating narin ang teacher namin sa first subject. Binigyan nalang kami ng assessment dahil may emergency meeting daw sila hanggang mamayang hapon kaya half day nalang daw yung pasok namin. Alam kong deep inside nagse-celebrate ang mga students ngayon dahil walang pasok.
Natapos ko naman ang assessment ko ng walang pag-aalinlangan. Sabi ni maam ay pwede na raw kami lumabas kung natapos na namin ang assessment at pwede na rin umuwi kung nandiyan na yung sundo at huwag na babalik mamayang hapon.
Ang boring dito sa room kaya lumabas ako at balak kong pumunta sa canteen. Pumunta naman ako at bumili ng makakain. Uupo pa sana ako sa table kaso nag vibrate ang phone ko. Nang i-open ko si papa pala ang tumatawag. Sinagot ko naman iyon.
"anak, nandito ako sa gate. Susunduin kita. Nabalitaan ko kasing wala na kayong pasok kaya sinudo nalang kita. At balak ko sanang yayain ka at mag bonding tayong mag-ama."
"sige pa hintayin mo lang po ako diyan lalabas na ako. Bye." I replied and ended the call.
Nandito na ako sa gate at pinalabas na ako ng guard dahil nakita niya si papa. Hindi kasi pinapayagan ang mga estudyante na lalabas ng walang sundo kasi delikado daw.
*****
Hi MISSISSIPPI's.
Sorry for the late update. Wala masyadong ganap sa chapter na to pero I hope nag-enjoy parin kayo. Please support you're author by:Vote | Comment | Follow
More important ang follow guys para ma-update kayo sa mga chapter and up-coming stories. Hope y'll will follow me.
BINABASA MO ANG
INTO HIS DREAM (BXB on-going)
RomanceMeet Lewis Caston, isang soft hearted kid na maagang iniwan ng ina dahil sa aksidente na siyang dahilang kung bakit kinamumuhian siya ng kaniyang ama. Sinisisi siya nito sa pagkamatay ng ina. Lincoln Niemer, isang sikat at heartthrob sa school nila...