PROLOGUE

333 10 0
                                    

February 14, 2014

MULING sinulyapan ni Yssa ang wrist watch niya. Nang mga sandaling iyon ay nasa Grand Davis Hotel siya at mag-iisang oras ng naghihintay. May mga kasama rin siyang mga media sa hotel para i-cover ang event na ginaganap pero siya ay iba ang pakay niya.

Si Porsche Ilustre. Isang commercial model sa You Tube advertisements na sumikat ng nakaraang taon at nakatulong din na makilala agad ang pangalan nito sa industriya dahil sa kaugnayan nito kay Kit Hidalgo na anak naman ng may-ari ng isang malaking production outfit. Sa pagkakaalam niya ay nakahanda na ang lahat para sa nalalapit na kasal ng dalawa ngunit biglang umingay ang bulung-bulungan na hindi na daw ito matutuloy. Ilang beses na din niyang tinangkang i-ambush interview si Kit pero lagi itong no comment sa mga tanong niya. At hindi pwedeng wala siyang makukuhang impormasyon sa napapabalitang break-up ng dalawa.

At ayon din sa 'reliable source' niya. Pupunta si Porsche sa Valentine Party for Singles na ginaganap na ngayon sa loob ng Belle's Pepper restaurant. At hindi rin lingid sa kaalaman niya na may kaugnayan ang may-ari niyon sa babae. Malakas ang pakiramdam niya na makikita niya ito at mai-interview ngayong gabi.

Napangisi siya ng makita niyang pumasok sa lobby ng hotel si Porsche kasunod ng mga assistants nito. Puno ng confidence ang mga kilos ng babae at hindi mahahalatang kagagaling lang sa break-up. But who knows? Bilang showbiz reporter ay alam na niya ang kalakalan ng industriya. The people in the showbusiness are full of pretentions. Para sa kanya, swerte na ang makakilala siya doon ng totoong tao talaga.

Wala siyang inaksayang oras at agad niyang pinuntahan ang babae.

"Miss Porsche Ilustre!"

Humarap ito sa kanya at kaswal siyang nginitian. "Yes?" ani Porsche na alam niyang nakilala siya agad nito bilang isang showbiz insider. "Hello there!"

Nginitian din niya ng matamis ang babae. Hindi siya papayag na matapos ang pag-uusap nila ng wala siyang nakukuhang anumang impormasyon dito. "Mabuti naman at narito ka, Miss Porsche. Nice to see you here." malambing na sabi niya dito.

"Parang gulat na gulat ka." ani pa nito.

"No, Miss Porsche. We love to see you here. We've been looking for you for some time now. It is indeed a surprise seeing you here. Oo nga pala, Happy Valentine's Day!" ani niya na alam niyang naramdaman nito ang ibig niyang sabihin.

Agad naman siyang binati din ng babae. "Pwede ba naming itanong kung may ka-date ka ngayon at kung sino?"

"I have the option not to answer your question, Yssa. Tama ba ako?"

Lihim siyang kinabahan ng mga oras na iyon pero hindi siya nagpahalata. Mukhang mahihirapan siyang makakuha ng kahit na anong impormasyon mula sa babae. Pero hindi pa din siya sumuko at nag-direct to the point na siya sa sadya niya dito.

"Yes, you are right. But you know, I'm just asking because-"

"Trabaho lang at walang personalan. Don't worry, I understand you perfectly. If you'll excuse me, I got to go."

Tumango siya kay Porshe. Well, nabigo man siya ngayon ay marami pa naman siyang pagkakataon.

"Okey, Miss Porsche. By the way, you got a lovely dress. Kasing kulay ng Valentine's." makahulugang sabi niya dito at alam niyang alam nito ang ibig niyang iparating.

"But of course, I am dressed up for the occasion. Bye!"

Sinundan niya ng tingin ang babae na ngayon ay papunta sa kinaroronan ng Belle's Pepper. Kung hindi siya makakakuha ng anumang impormasyon mula dito mabuti pang sundan nalang niya ang babae. Ika nga nila, action speaks louder than words at talaga namang naniniwala siya doon. Palihim nalang niyang susundan ang bawat kilos nito sa loob ng restaurant. Kahit kailan ay hindi niya sinusukuan ang isang bagay na gusto niyang isulat sa article niya sa dyaryo at mga blogs niya.

Nagpalipas muna siya ng ilang minuto bago niya pinasyang pumasok sa loob ng restaurant. Pagdating niya sa sa Valentine Party for Singles ay agad na hinanap niya si Porsche at awtomatikong napangisi siya ng makitang nagbabasag ito ng mga plato't baso sa isang panig ng restaurant. Kung hindi siya nagkakamali ay inspired iyon by 'tacsiyapo' na pwede mong ilabas ang mga frustrations at galit na nararamdaman mo. At sakto talaga iyon sa theme ng restaurant ng gabing iyon dahil hindi naman lahat ng tao ay masayang ngayong Araw ng mga Puso. Tulad nalang nitong si Porsche.

Wala na siyang inaksayang pagkakataon at palihim niyang kinunan ng larawan ang babae habang nagbabasag sa pader. Well, hindi man ito mukhang galit habang ginagawa iyon ay pwede naman niyang masolusyunan. Kumuha siya ng magandang anggulo nito habang nagbabasag. Marami ng pumapasok sa isipan niya habang kinukuhanan.

Nang ma-satisfied ay minabuti na niyang umupo sa table niya. Pwede na siyang mag-relax ngayon dahil may maisusulat na siya na tiyak niyang maiinggit na naman niya ang mga kasamahan niyang reporters.

Nakakailang shot na siya ng margarita ng natuon ang paningin niya sa isang sulok ng restaurant. Awtomatikong napaangat siya ng pagkakaupo ng mapag-sino ang lalaking tahimik at mag-isang umiinom. Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Lewis Carter? Isa lang naman itong sikat na actor sa bansa at talaga naman tinitingala ng marami sa industriya.

Habang tinititigan niya ang binata ay agad na sumalakay na naman ang instinct niya.

Something's wrong about Lewis Carter..aniya ng isip niya.

Months ago ay ikinasal ito sa isa ding showbiz personality. Hindi ba dapat ay nasa honeymoon stage pa din ang mga ito? At dapat ay kasama din nito ang asawa ngunit bakit nandito ngayon si Lewis? At ang mas nakakaintriga pa ay halatang nagpapakalango ito sa pag-inom ng alak.

Kaya naman agad niyang kinuha ulit ang camera at pasimple niyang kinunan ng larawan ang lalaki. Mananatili muna siya sa Belle's Pepper para matyagan kung ano pa ang gagawin ni Lewis. Pagkatapos ay tinignan niya iyon na kulang nalang ay mahalikan niya. She hit two birds in one stone. Una, si Porsche Illustre ngayon naman ay si Lewis Carter. Gusto niyang humalakhak ng malakas ngunit mas pinili niyang kontrolin ang sarili. Mas mabuti kung hindi siya makaka-attract ng tao para mas masundan pa niya ang mga kilos ng lalaki.

Tiyak niyang pagkakaguluhan ng mga fans ni Lewis Carter ang balita niya. 

BE MY VALENTINE BOOK III - BE MY CARAMEL BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon