NAMANGHA si Yssa ng malaman niya kung gaano kalaki ang properties ng pamilya ni Lewis sa Ilocos. Hacienda pala ng mga ito ang pupuntahan nila. Dahil sobrang lawak niyon bukod pa sa napakagarang ancestral house ng mga ito. Hindi mapagkakailang mayaman nga talaga ang parents ng binata. Ang kwento sa kanya ni Tita Jill ay namana pa daw nito iyon sa mga ninuno nga mga ito hanggang sa mapasa na sa kanya. Mula noon ay inalaagaan daw niya iyon ng husto at sinikap panatilihan ang kagandahan ng lugar.
Kita naman talaga sa kapaligiran na talagang inaalagaan iyon ng husto ng pamilya ni Lewis. At kung hindi siya nagkakamali ay malamang na malaki ang kinikita ng mga ito dahil mga bunga palang ng mga puno na nakatanim at mga sakahan ay sagana na.
Isa pa sa pinagtataka niya ay ang reaksyon ng mga kasambahay ng dumating sila ni Lewis. Sa tantya niya ay matagal nang hindi nagpupunta doon ang binata base na din sa mga tinginan ng mga ito. Isang gabi lang ang lumipas mula ng nakarating siya sa bahay ng mga ito ngunit nagawa na niyang tsikahin ang mga katulong sa bahay. At gaya nga ng hula niya ay matagal na daw palang hindi nagagawi ang binata sa bahay ng mga ito dahil na rin sa matinding hidwaan sa pagitan nito at ng ama. Nalaman din niya na ayaw pala ng Papa ni Lewis na maging artista ito pero pilit iyong ginigiit ang kagustuhan sa ama.
Kung gustong-gusto pala ni Lewis ang pag-a-artista to the point na wala itong pakialam kung itakwil ng sariling ama. Bakit ngayon ay hindi na nito pinagpapatuloy ang career nito? Dahil ba talaga sa hiwalayan nito sa dati nitong asawa?
Pagkatapos nilang mag-almusal na tatlo ay agad na nag-aya ang Mama ni Lewis. Pupuntahan daw nila ang kasiyahan na ginaganap malapit sa ancestral house ng mga ito. Doon daw kasi ang handaan ng mga tauhan nila para sa nalalapit ng fiesta ng bayan. Nagtaka pa nga siya kay Lewis ng pumayag agad ito ng wala siyang naririnig na reklamo mula dito. Samantalang noong una ay sisimangot pa ito lalo na sa kanya. Mukhang nahipan yata ng masamang hanging ang binata. Kagaya nalang ng nginitian siya nito kahapon.
"Lewis." wika niya sa binata sabay kalabit. Kasalukuyan na silang nasa panig ng property ng mga ito at nanonood ng mga activities. "Sali tayo." aya niya sa binata.
Kunot-noong binalingan siya nito. "What are you talking about?"
Bago sagutin ang binata ay tinanggal niya muna ang pagkakagusot ng noo nito gamit ang palad niya. "Tigilan mo nga yang kakakunot ng noo mo. Kaya ka nagkaka-wrinkles eh." ani Yssa dito.
"Whatever." sabi nito sabay alis ng palad niya na nakatapal pa sa noo nito. "Ano na naman bang kalokohan ang sinasabi mo?"
Tinuro niya ang isang panig kung saan ay mas maraming tao ang nakapaligid at nanonood. "Ayun oh. Doon sa naghahabulan ng biik sa putikan. Sali tayo." aya niya dito na hindi mapagkakailang na-e-excite siya.
First time kasi niyang makakita ng ganoong klaseng palaro sa personal dahil lagi lang niya iyon napapanood sa televeision.
"No. Hindi ako sasali." mariing tanggi ni Lewis sa kanya.
Nginisian niya ang binata. "Ang sabihin mo, ayaw mo lang madumihan o maputikan yang kutis mo. Ngayon ko talaga napatunayan na nakaka-bakla talaga ang showbiz." pang-aasar pa niya dito.
"Oo nga naman, Anak. Bakit hindi kayo sumali ni Yssa? Tandang-tanda ko pa dati na gusto mong sumali sa mga ganyang klaseng palaro. Why don't you try it? Just for fun. Para naman maalala mo yung memories mo dati." pang-e-enganyo din ng Mama nito na nakikinig pala sa usapan nilang dalawa ni Lewis.
Nang hindi pa din kumibo ang binata ay siniko niyo ito. "Huwag mong sabihin na nandidiri ka sa putik?" pang-aasar pa niya dito.
Pero agad na nawala ang pagkakangisi niya ng marinig niya ang sinagot ng binata.
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK III - BE MY CARAMEL BY SUMMER LOUISE
RomanceIsang showbiz insider si Yssa Perez. Lahat ng tsismis, scandal o bagong balita tungkol sa mga artista ay hindi niya pinapalampas. Ginagawa niya ang lahat ng paraan na alam niya para makakuha ng balitang kikiliti sa mga fans o kaya naman ay yung kiki...