CHAPTER SIX

82 6 0
                                    

HINDI akalain ni Yssa na sa loob lang ng mahigit isang araw ay magbabago ng husto ang ikot ng mundo niya. Mula sa pagkakaugnay niya kay Janella hanggang kay Lewis na malaki ang galit sa kanya dahil sa ginawa niyang exposé dito. At lalong hindi rin niya lubos maisip na napapayag siya agad ng Mama ni Lewis sa gusto nitong mangyari.

Para bang she have no choice kundi sumang-ayon sa nais nito. Kumbaga ay very tempting talaga ang alok sa kanya ng ginang. At heto siya ngayon sa malaking garahe ng bahay ni Lewis at hinihintay ang mga ito na lumabas. Ngayong araw din kasi ang alis nilang tatlo.

Pwede naman niya sigurong ipakiusap sa ginang na unahin na ang bayad sa kotse ng anak nito para maasikaso na niya ang nangyari kay Janella. Dahil walang oras na hindi niya naiisip ang babae. Gusto na niyang mawala ang takot na nararamdaman niya kapag naaalala niya ito. Iniisip din niyang i-report na lang muna ang krimen na nangyari sa mga pulis pero lagi siyang pinapangunahan ng takot niya. Kung sa ibang bagay ay malakas ang loob niya, nalaman niyang takot at duwag pala siya sa ganitong mga sitwasyon. Isa pa siguro sa dahilan ay wala siyang napagsasabihan tungkol sa problema niya. Gusto na niyang matapos ang lahat ng iyon pero kailangan muna niyang bawiin ang mga ebidensya na hawak niya.

Nang igala niya ang paningin niya ay saka lang pumasok sa isipan niya na baka dito itinago ni Lewis ang kotse niya. Malaki din kasi ang garahe nito at halatang mahilig ito sa mga sasakyan. Wala na siyang inaksayang oras at nilibot niya ang garahe. Sa tantya niya ay nasa pito ang kotse nito na karamihan ay sports car at iba pang model na halatang mahal talaga.

"Ang yaman-yaman pala ng Lewis na yun. Dapat hindi na niya ko ginigipit eh." reklamo niya sa sarili.

Ilang sandali lang ay may biglang nagsalita sa likuran niya. "What are you doing here?"

Kusang umikot ang eyeballs niya ng makilala niya ang boses ng binata.

"Wala." tipid niyang sagot dito habang tinatanaw ang ibang sasakyan nito.

"Kung hinahanap mo ang kotse mo dito sa garahe ko. Well, madi-dissapoint ka lang dahil wala dito." wika pa ng binata sa kanya.

Nang marinig iyon ay nilingon niya ito. "Sigurado ka bang kotse ko ang hinahanap ko?" tanggi niya sa binata.

Tumawa lang ito ng pagak. "Kilala na kita, Yssa. I-g-grab mo lahat ng opportunity na nakikita mo." makahulugang sagot naman sa kanya ni Lewis.

"Hello? Hinahanap ko lang yung barya na nalaglag ko. Opportunity agad yang sinasabi mo." irap niya dito.

"Let's clear this issue bago pa tayo umalis. Hindi ko gusto ang naging desisyon ni Mom na kunin ka niya as caregiver."

Sa sinabi nito ay doon naman siya napangisi. Iyon lang naman kasi ang nagagawa niya para gantihan ang lalaking ito. Ang asarin ito. "Ako gustong-gusto ko ang nangyari. Biruin mo, babayaran ni Tita Jill ang two hundred thousand na sinisingil mo sakin at may sahod pa ako. Isa pa, hindi mo na ako makakanti dahil kakampi ko na ang Mama mo, Lewis. Ipagtatanggol niya ako." dagdag pa niya.

Gustong-gusto talaga niya ang ekspresyon ng mukha ni Lewis lalo na kapag nalulukot ang ilong at noo nito sa sobrang inis sa kanya. Gwapong-gwapo pa din siya dito. Ang sarap din kurutin ang pisngi nito.

"Fine. Sa ngayon, swerte ka nga. Pero puputulin ko na yan habang maaga pa. Payag na ako na ibigay na ang kotse mo without even paying me. Mind you, nagiging mabait ako sayo, Yssa. But after two days, kailangan mo ng umalis. I don't care kung anong kasinungalingan ang sasabihin mo sa Mom ko. Ang gusto ko lang mangyari ay huwag ka ng magpapakita sa amin. Especially sakin. I'm willing to forget everything na nangyari satin. Pero ayoko ng makikita ang mukha mo."

BE MY VALENTINE BOOK III - BE MY CARAMEL BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon