HINDI na alam ni Lewis kung saan niya hahanapin si Yssa ng mga oras na iyon. Pag-uwi niya kasi sa bahay nila ay ito agad ang una niyang hinanap dahil alam niyang kanina pa naghihintay ang dalaga sa kanya. Pero ni anino ni Yssa ay hindi na niya nakita.
Pinahalughog na din niya ang lahat ng sulok ng bahay nila na pwede nitong puntahan ngunit wala talaga ang dalaga. Ang natatandaan pa niya kanina noong huli nilang pag-uusap ay excited daw ito sa pag-uwi niya dahil may ibibigay daw ito sa kanya. Kaya ganoon nalang din ang kaba niya dahil hindi naman aalis si Yssa ng walang paalam sa kanya o sa mama niya. Kahit ang alaga nitong pusa ay wala na din sa bahay.
Kabilin-bilinan pa naman ni Dexter sa kanila na huwag niyang hahayaan na lumabas ng bahay si Yssa dahil baka kung anong mangyari dito. This day na kasi lumabas ang warrant of arrest laban sa mag-asawang Antonio at Nancy Buena na culprit sa pagpatay kay Janella. Isa rin sa dahilan kung bakit nalate siya ng uwi ay dahil gusto niyang malaman muna kung nadampot na ba ng mga pulis ang mag-asawa.
Unfortunately ay ang asawa lang nitong babae ang nahuli at hindi na daw mahagilap si Antonio. Ayon sa asawa nito ay ilang araw na daw na hindi umuuwi sa bahay nila simula ng malaman na nakawala na si Yssa. Sa isiping iyon ay binundol siya ng matinding kaba. Maaaring may posibilidad na baka dinukot ito ng lalaki.
Frustrated na napahilamos siya ng mukha. Agad niyang tinawagan si Dexter para ipaalam na nawawala si Yssa. Alam niyang malaki ang maitutulong ng lalaki sa kanya.
"Nasaan ka na ba Yssa? Saan ka nagpunta?" wala sa sariling wika niya.
AGAD na bumaba si Yssa sa taxi at pinagmasadan niya ang bahay niya. Hindi niya alam kung anong klaseng kaluluwa ang sumapi sa kanya at bigla nalang siyang umalis sa bahay nina Lewis. Nang malaman niya kasi ang totoong nangyari dito ay ang bigat-bigat ng kalooban niya kaya hindi na siya nag-isip pa at umalis muna siya sa poder ng binata.
At heto nga siya't nasa harapan ng bahay niya habang kalong si Massie. Sa ngayon siguro ay dito na muna siya tutal ay ilang linggo din siyang hindi nakauwi at namiss niya ng husto ang bahay niya. Hindi narin niya kasi nagawang makapagpaalam kay Tita Jill kanina ng maisipan niyang umalis na. At lalo na kay Lewis dahil alam niyang hindi siya papayagan ng binata. Gusto muna niyang mag-isip ng wala si Lewis sa tabi niya.
For the meantime ay gusto muna niyang mapag-isa. Dahil hindi niya gusto ang nararamdaman niyang bigat ng loob. Alam naman niyang ang uri ng trabaho niya, minsan kailangan mong sikmurain para manatili ka sa posisyon o mas lalo kang umangat pa. Alam din niyang tinuruan din niya ang sarili niya na huwag magpaapekto sa sasabihin o iisipin ng ibang tao. Kaya ilang taon siya as showbiz reporter. Pero iba na ngayon. Lalo't nalaman niyang siya ang naging dahilan kaya mas naging miserable dati ang lalaking natutunan na niyang mahalin ngayon. Iyon ang hindi niya matanggap sa sarili niya.
Kaya pala ganoon nalang ang inis at galit sa kanya ni Lewis noong muli silang magkita. At hindi niya masisisi ang binata kung makaramdam ito ng ganoon sa kanya. Pero nagawa pa din siyang tulungan ng binata at iligtas sa problema na kinahaharap niya. Lagi din itong nasa tabi niya. At minahal pa siya ng binata. Naniniwala siya sa binata at wala siyang duda sa nararamdaman nito. Siguro kailangan lang muna niya ng space para makapag-isip-isip.
Awtomatikong napakunot siya ng noo ng malaman niyang nakabukas ang pinto niyon kaya agad siyang napapasok dahil baka nalooban na siya at tinangay na ang mga gamit niya. Pagbukas niya ng ilaw ay ganoon nalang ang panlalaki ng mata niya ng bumungad sa harapan niya ang lalaki na kahit sa paniginip ay ayaw niyang makita. Paano nga ba niya makakalimutan ang taong pumatay kay Janella? Kahit na isang beses palang niya itong nakita ng personal ay hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" hintakot na tanong niya sa lalaki na ngayon ay papalapit na sa kanya.
"Well, well. Tignan mo nga naman talaga ang swerte ko. Sumusulpot ang taong gusto kong hanapin." nakangising wika nito sa kanya na halos ilang pulgada nalang ang layo. "Kamusta kana, Yssa Perez? Mukhang mas lalo kang lumusog ng makawala ka sa detention area."
BINABASA MO ANG
BE MY VALENTINE BOOK III - BE MY CARAMEL BY SUMMER LOUISE
RomanceIsang showbiz insider si Yssa Perez. Lahat ng tsismis, scandal o bagong balita tungkol sa mga artista ay hindi niya pinapalampas. Ginagawa niya ang lahat ng paraan na alam niya para makakuha ng balitang kikiliti sa mga fans o kaya naman ay yung kiki...