CHAPTER THREE

90 6 0
                                    

HINDI alam ni Yssa kung ilang oras siyang nakatulog. Nang mag-sink in sa kanya ang lahat ay nataranta siya lalo na nang maalala niya ang banggaan na nangyari pati na din ang duguan niyang noo.

Whenever she saw blood, automatic na mag-freak out siya tulad nga ng nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya bago siya nakatulog ay ginagamot na siya ng mga doctor. Nang sinubukan niyang tumayo ay nakaramdam siya ng pagkirot ng ulo kaya minabuti nalang niya na manatili pa munang nakahiga. Siguro ay kailangan pang mag-adjust ng katawan niya dahil ramdam pa niya ang matinding shock ng nangyaring aksidente sa kanya.

Nanlaki ang mata niya ng bigla niyang maalala ang kotse niya. Dahil nga nagfreak out na siya pagkakita niya sa dugo niya ay parang nakalimutan na niya ang kotse niya. Ambulance kasi ang gamit niya papunta ng hospital. Malamang malaki ang posibilidad na nasa lalaki ang kotse niya.

Pagkaisip sa kotse niya ay parang nagkaroon siya ng sapat na lakas na makatayo. Nasa loob niyon ang mga mahahalagang gamit niya kasama na din ang mga camera niya na ebidensya tungkol sa krimen na nangyari kay Janella. At napakahalaga niyon para sa kanya. Ang kailangan lang niyang gawin ay mahanap niya ang kotse niya at pumunta agad sa police station para maibigay ang mga larawan na nakuhanan niya.

"Where do you think you're going, woman?"

Agad na napabaling siya sa pinanggalingan ng tinig. Noong una ay awtomatikong napatulala siya habang nakatitig siya sa lalaki na ngayon ay masama ang pagkakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kakainin na siya nito ng buhay. Pero hindi iyon ang mas inaalala niya. Sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala sa taong ito? O mas tamang sabihin na paano niya makakalimutan ang mukha nito?

"L-Lewis Carter?" kandautal na sabi niya dito.

Hindi ito sumagot sa sinabi niya at tinitigan lang siya ng husto na para bang binabasa nito ang nasa isipan niya.

Bukod sa napaka-gwapo ng lalaking kaharap niya ngayon ay isang sikat na actor si Lewis Carter na mahigit isang taon na din na wala siyang nababalitaan tungkol dito pagkatapos ng exposé na ginawa niya sa binata. Hindi narin ito nakikita sa kahit na anumang TV Station at wala ding mga drama o commercial. Ang pagkakaalam niya ay bigla nalang itong nawala na parang bula sa showbiz industries na walang nakakaalam kung ano na ang nangyari dito. They assumed na nasira na talaga ang career nito pagkatapos ng nangyari sa binata. Kahit ang handler nito ay walang sinasabi tungkol sa kinaroroonan nito. At syempre, mabilis lang dumaan at pagsawaan ng tao ang isang balita at may papalit na bago kaya naman parang bula din nawala ang interest ng mga tao kay Lewis.

Alam din niyang malaki ang naging kasalanan niya sa binata dahil siya ang dahilan kaya nalaman ng buong industriya at nang buong bansa ang estado ng relasyon nito sa asawa nitong si Rissa Ocampo na isang kilalang international model. Nang makita niya kasi ang binata sa isang Valentine Party for Singles na ginanap sa Belle's Pepper sa araw pa mismo ng Valentines Day ay agad siyang nagkaroon ng interest sa nangyayari dito. Ang pagkakaalam kasi ng marami ay masaya ang pagsasama ng mga ito bukod pa sa ilang buwan lang pagkatapos ng bonggang kasalan ng mga ito. She took pictures of Lewis Carter that night na alam niyang agad na pagkakaguluhan iyon ng mga tao. Bakit naman hindi? Sobra kasi ang pagkakalugmok nito sa kalasingan ng gabing iyon lalo na ng mga oras na nilalabas nito ang emosyon nito habang nagbabasag sa pader.

At kinabukasan nga ay inilagay niya agad iyon sa mystery blog niya as Ms. Caramel. Sumunod sa article niya sa tabloid na talaga namang bumenta ng husto. Nilagyan niya ng mga iba't-ibang sapantaha ang artikulo niya na baka may malaking away ang nangyari sa pagitan ng asawa nito o baka hiwalay na na talaga ang dalawa.

Dahil nga sikat itong artista ay pumatok ng husto ang mga article niya dito hanggang sa kung ano-ano ng balita ang dumagdag doon. Then may mga balita din ang kumalat na hiwalay na daw talaga si Lewis sa asawa nito at umalis agad ng bansa ang babae. To make the story short, siya ang may puno't dulo ng lahat. Ilang beses na din niyang sinubukan na kuhanan ng pahayag si Lewis ngunit talagang naging mailap na ang binata pagkatapos ng pangyayaring iyon.

BE MY VALENTINE BOOK III - BE MY CARAMEL BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon