CHAPTER FOUR

82 7 0
                                    

WALA inaksayang oras si Yssa. Lumabas siya agad sa loob ng emergency room. Hindi siya papayag na basta nalang mawala sa paningin niya si Lewis hanggat hindi niya nababawi dito ang kotse niya. Dahil alam niyang kapag hinayaan lang niyang mawala ngayon ang binata ay malaki ang posibilidad na matagal pa bago niya ito makita o magpakita sa kanya.

Ganoon nalang ang buntong-hininga niya ng masilayan si Lewis na kasasakay lang ng kotse nito.

"Lewis!" hiyaw niya dito sabay takbo sa nakaparada nitong sasakyan. Pagkatapat na pagkatapat niya ay agad niyang hinawakan ang handle ng pintuan. Kung kinakailangan niyang sundan ang lalaking ito kahit sa dulo ng mundo ay gagawin niya makuha lang niya ang sasakyan niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto niyang naka-lock pala iyon at nang balingan niya si Lewis ay ngumisi lang ito sa kanya. Mukhang nakinita nito ang gagawin niya kaya naman nakapaghanda ang binata.

"Lewis! Buksan mo ang pinto!" natatarantang sabi niya sa binata.

Alam niyang rinig na rinig siya nito mula sa loob ng sasakyan pero parang nagsalita lang siya sa hangin. Lalo siyang nataranta ng sumenyas si Lewis sa driver nito na paandarin ang sasakyan nito. Kaya habang umaandar iyon ay sinubukan pa din niyang pigilin ang binata pero nagpatuloy pa din ito sa pag-alis.

"Walanghiya ka, Lewis Carter! May araw ka din, tandaan mo 'to!" hiyaw niya sa hangin habang tinitignan ang papalyong sasakyan ng binata.

So, ano na ang plano niya? Ngangawa nalang sa isang tabi?

Umiling-iling siya. Iyon ang hindi niya papayagang mangyari. Kahit kailan ay hindi niya sinusukuan ang isang bagay na gustong-gusto niyang makuha. Agad na nagliwanag ang mukha niya ng makita niya ang isang tricycle na paparating sa hospital. Walang pagdadalawang-isip na hinarang niya iyon.

"Manong, sundan mo yung kulay asul na kotse. Bilisan mo!" utos niya dito at agad na sumakay sa loob ng tricycle nito.

Hindi naman nagreklamo ang matandang driver at agad na sinunod ang gusto niya. It's a good thing na naabutan pa nila ang kotse ni Lewis. Habang nasa byahe siya ay ramdam na ramdam niya ang lamig ng hangin. Pero ang pinakaimportante ay masundan niya ang binata at makuha ang kotse niya. Hindi siya papayag na sisikatan siya ng araw na hindi niya nakukuha dito ang gusto niya.Maya't-maya din niyang sinusulyapan ang sasakyan ni Lewis, mahirap ng mawala pa sa paningin niya ang lalaking iyon.

Kahit na ilang minuto na ang lumilipas ay ramdam na ramdam pa din niya ang inis at panggigigil niya sa binata. Sa napapansin niya ay mukhang malalim talaga ang pinaghuhugutan nito ng galit sa kanya. For her naman kasi ay trabaho lang ang ginagawa niya. Pero siya ang tina-trabaho niya ay ang mga personal na buhay ng mga artista. Kaya naman hindi niya masisisi na kung magalit talaga sa kanya si Lewis. And for the record ay hindi lang ito ang artista na may galit sa kanya. Sadya lang talaga na 'pinakapal' niya ang mukha niya at 'pinatigas' ang puso niya dahil gusto niya ang trabaho niya.

Halos fifteen minutes na din silang nagba-byahe ngunit hindi pa din tumitigil ang sinusundan nilang kotse. Nang igala niya ang paningin ay puro puno lang ang nakikita niya at tanging ilaw lang ng sasakyan nila ang nagliliwanag sa daan.

Saan ba ang bahay ng masungit na 'to?

Mukhang pagkatapos ng hiwalay na nangyari kay Lewis at sa asawa nito ay namundok na yata ang binata. Sabagay, sa kasunigitan na taglay nito ay halatang wala itong nakakasamang ibang tao. Ilang minuto lang ay agad na nabuhay ang dugo niya ng huminto na ang sasakyan na kinaroroonan ni Lewis at pumasok iyon sa isang may kalakihang bahay. Agad niyang pinahinto ang tricycle driver.

BE MY VALENTINE BOOK III - BE MY CARAMEL BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon