CHAPTER ONE

116 6 0
                                    

MULA sa pinagtataguan ni Yssa ay pasimpleng sinilip niya si Janella Virginia na halos ilang oras na din niyang sinusundan mula pa sa condominium nito hanggang sa isang restaurant kung nasaan sila ngayon. Nagkunwari siyang abala sa pagbabasa ng librong hawak pero wala talaga doon ang atensyon niya. Pero sa totoo lang ay kanina pa siya naiinip sa pagsunod niya sa babae.

Kung hindi lang niya naiisip ang magiging article niya sa isang tabloid na pinagsusulatan ay baka kanina pa siya umalis. Halos ilang oras ng nakikipagkwentuhan ang babaeng iyon sa kaibigan na ito at puro tawanan at mga branded na gamit ng mga ito ang topic. She even rolled her eyes habang pinapakinggan ang mga kayabangan ni Janella. Isa kasi itong papasikat na artista nitong taon at unti-unting nakikilala ang pangalan nito sa mundo ng showbiz dahil na rin sa mga daring roles na ginampanan. Ilang araw na din niyang sinusundan ang babae ngunit lagi siyang bigo dahil busy ito sa mga dinadaluhan nitong events at tapings.

Nang mapansin niyang papalingon sa side niya ang dalaga ay pasimple siyang yumuko at tinakpan ng hawak niyang libro ang mukha niya. Sa totoo lang ay wala naman siyang dapat na ikakaba na makikilala siya ng babae dahil naka-disguise siya. She was good in disguising dahil ilang taon na din naman niya iyong ginagawa. Isa siyang showbiz reporter at tatlong taon na din niya iyong naging propesyon. Graduate siya ng Broadcasting at ang gusto niya talagang maging propesyon ay maging isang news anchor o kahit na field reporter man lang. Ilang beses na rin niyang sinubukan ang swerte niya ngunit hindi pa din umubra. Kaya naman ng bumukas ang opportunity niya na maging isang showbiz insider ay hindi na niya iyon pinalampas pa.

Wala pa siyang sariling showbiz talk shows pero nagkakaroon naman siya ng ilang mga segments. At dahil alam niyang marami siyang ka-kompetensya sa larangang napili niya ay marami siyang mga gimmicks na ginawa para makilala siya bilang showbiz insider. May mga articles din siya sa isang tabloid at personal blog. At syempre ay may iba pa siyang blog na walang nakakaalam na siya ang may-ari niyon. Ang pseudonym niya sa blog na iyon ay 'Ms.Caramel' at kahit ang mga malalapit niyang kaibigan ay hindi alam na sa kanya ang blog na iyon. She decided na ganoong ang i-pangalan niya sa isa pa niyang katauhan dahil iyon kasi ang favorite dessert niya. Doon niya kasi inilalagay ang mga nakukuha niyang mga sensitibong impormasyon sa mga artista na alam niyang hindi niya pwedeng ilabas bilang siya dahil malaki ang posibilidad na ma-demanda siya. Kaya doon nalang niyang inilalabas sa mystery blog niya. At syempre, after niyang mailagay niya iyon sa mystery blog niya ay saka niya iyon i-feature sa article niya sa tabloid at personal blog.

Marami ang na-cu-curious kung sino ba talaga si Ms. Caramel na pati ang mga kapwa niya kasamahan sa showbiz ay gustong makilala ito. Lagi kasing sinasabi na walang takot si Ms. Caramel sa mga sinusulat nito sa mga artista. At kapag naririnig niya ang mga iyon ay feeling proud siya sa sarili kahit na hindi niya iyon pwedeng ipahalata sa iba.

She's already twenty-six at masasabi niyang hindi pa din siya kontento sa kung ano ang kinalalagyan niya ngayon. Gusto pa niyang makilala bilang isang showbiz insider at tingalain ng ibang tao. Kaya naman lahat ginagawa niya para lang makakuha ng impormasyon na tiyak na pagkakaguluhan sa industriyang kinabibilangan niya.

Mag-isa nalang siya sa buhay dahil fifteen years old lang siya ng mawala ang parents niya sa isang aksidente. May iniwanan naman ang mga ito na sapat na pondo hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral. Wala rin siyang kapatid at ang pagkakaalam niya ay nasa ibang bansa din ang mga kamag-anak ng parents niya. In short, nag-iisa siya sa buhay.

Well, hindi naman totally nag-iisa dahil kasama niya sa bahay si Massie, ang alaga niyang pusa. Si Massie lang ang lagi niyang kausap kapag nasa bahay lang siya at wala din itong ginawa kundi ungutan siya ng pagkain.

Napaangat ang pwet niya ng mapansin niyang tumayo na si Janella at mukhang tapos na din ang tsikahan ng mga ito. Mukhang ito na yung pinagkakaantay niya para makakuha ng impormasyon dito. Kumakalat na kasi ang balitang may sugar daddy ito na isang may asawa na mayaman negosyante at gusto niyang makakuha ng ebidensya kung totoo talaga ang tsismis dito. At ramdam niya na ngayon araw ay mukhang kapanig na niya ang swerte.

BE MY VALENTINE BOOK III - BE MY CARAMEL BY SUMMER LOUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon