Prologue

195 36 22
                                    

Prologue

"OKAY class, kailangan niyong magsagawa ng research about sa stars and galaxy para sa discussion natin bukas. Maliwanag ba?" Paalala ng Prof. namin sa earth and life science.

Nagsitayuan kami at nagsimulang magsilabas sa classroom dahil huling klase na rin namin ito ngayong araw.

Nagpunta ako sa library upang manghiram ng librong tungkol sa star and galaxy. Nadatnan kong walang katao-tao dito. Medyo madilim at sa hindi malamang dahilan ay may narinig akong kakaibang tinig na animo'y tinatawag ako papunta sa pader.

Pinipigilan ko ang aking mga paa na kusang maglakad papunta doon ngunit hindi ko magawa. Agad akong napahinto bago pa tuluyang mauntog sa pader na isang pulgada na lang ang layo mula sa mukha ko.

Nagulat ako dahil sa isang iglap ang pader ay biglang naging pinto. Bumukas ito ng kusa at mula sa loob nito ay may makikita kang isang libro na may drawing na star sa unang pahina. Nacurious ako sa kung anong nakasulat sa libro at kung bakit ito nakatago sa sikretong pinto na bumukas sa hindi ko malamang dahilan.

Kukunin ko sana, ngunit sa unang pagdampi pa lamang ng aking palad sa nasabing libro ay nagliwanag ito. Lumukas ang hangin sa paligid, napapikit ako upang hindi mapasukan ng alikabok ang aking mga mata at nang sandaling magmulat ulit. Ako'y nagulat sa hindi maipaliwanag na nangyari.

"Kanina lamang ay nasa library ako, pero bakit ngayon ay---" napatigil ako nang makita na ang librong aking hinawakan ay nakapatong sa study table dito sa aking kwarto.

Kinuha ko ito at binuklat para basahin. Naguluhan ako kasi bakit maglalagay ng blangkong libro na tulad nito sa library. Bigla akong natulala at namangha dahil ilang saglit lamang ay may lumabas na salita sa unang pahina nitong libro. Parang magic na walang duga.

Ang gumuhit na mga salita ay nagmistulang palaisipan ngayon sa akin.

Labindalawang bituin na nagniningning,
Tila tala na may mga dalang hiwaga,
Aking mga gabay at tagapangala,
Upang panatiliin ang balanse sa mundo,
Kailangan ko ang tulong ng mga...

Celestial Bodies.

To be continued...

Celestial BodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon