Chapter V

54 26 5
                                    

Chapter V

"TULONG! Tulong! Tulong!" Sabi ko na ngayon ay takbo ng takbo at hindi alam kung saan pupunta. Nasaan ba ngayon si Kenzou? Kung kailan kailangan ko siya tsaka siya wala.

Hingal na hingal na ako dahil sa patuloy na paghabol ng isang nilalang na kalahating tao at kalahating kabayo. Nakakasiguro akong isa siyang Celestial Spirit. May dala-dala siyang pana na walang tigil ang pag-asinta sa akin at pagpapa-ulan ng palaso.

Tumigil ako, hinarap ko siya.

"Hoy, tikbalang!" Lakas loob kong sabi. Nakita kong may lumabas na usok sa ilong niya dahilan para lalong maalarma at kumaripas ito ng takbo papalapit sa akin.

Tatlong magkakasunod na arrow ang tatama sa akin, buti na lamang at may isang babae ang biglang dumating at ako'y tinulungan. Kulay dilaw ang kaniyang buhok na suot-suot ang kulay asul na bestida. Para siyang isang Diyosa sa mga alamat at kwentong pambata.

"Bakit hindi mo gamitin ang susi para isara ang lagusan?" Tanong niya sa akin.

Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Oo nga 'no?

Inilabas ko yung gintong susi at iwinasiwas sa ere. Binigkas ko ang mga katagang dapat sabihin.

Bituin na nagniningning,
Ang aking utos ay dinggin,
Maglaho ka sa aking paningin,
Ngayon din.

Nagtaka ako dahil walang nangyari. Hindi nagliwanag ang susi at hindi rin naglaho ang taong kabayo na wala pa ring tigil sa pamamana. Patuloy lang ang babaeng may dilaw na buhok sa pagsalag sa mga ito.

"Bakit ayaw gumana?" Tanong ko sa aking sarili.

"Dahil wala kang sapat na kaalaman," sambit nung babae sa akin.

"Huh?" Blangko kong tanong.

"Dapat alamin mo muna kung sino ang Celestial Spirit na nasa iyong harapan bago mo isara ang lagusan. Ang horse knight na si Sagittarius ang Spirit na ito," pagpapaliwanag niya.

"Ah, gano'n pala. Okay, gets ko na," asta ko at muling sinubukang ikumpas ang susi sa ere.

"Siya si Sagittarius ang Celestial Spirit horse knight," bulong ko sa aking sarili. Inulit ko ring bigkasin ang mga mahiwagang salita.

Bituin na nagniningning,
Ang aking utos ay dinggin,
Maglaho ka sa aking paningin,
Ngayon din.

Lumutang sa ere ang susi. Bigla ito nagliwanag at hinigop ang mga palaso kasama ang nilalang na taong kabayo.

Napatingin ako sa babaeng tumulong sa akin at nagtaka dahil wala siyang ni kahit isang galos man lang.

"Teka lang, Miss. Paano nangyaring wala kang---" napatigil ako dahil nagsalita siya.

"Isa akong Diyosa," saad niya.

"Diyosa?" Pagtatanong ko. Napanganga din ako sa taglay niyang ganda at awrang hindi mo maiiwasang titigan.

"Ako ang Diyosa ng buwan na Selene. Bumaba ako dito para sabihin sayo ang isang mahalagang paalala."

"Ano pong paalala?" Tanong ko.

Hinipo niya ko sa ulo at dahil do'n ay may mga impormasyong sumiksik at tumatak sa aking isip. Lumutang kami sa ere at naglakbay sa nakaraaan, kasalukuyan at hinaharap.

Wala na akong ibang naalala. Pagkatapos no'n ay napagtanto ko na lang ang aking sarili na nakahiga sa damuhan na patuloy na nilalakbay ang mga kaganapan sa aking isipan.

***

NAGLALAKAD ako pauwi galing sa school nang tawagin ako ni Kenzou. "Babe, kamusta ka?" Pagtatanong niya. Hinarap ko siya na may bahid ng lungkot sa mga mata.

"Saan ka ba galing, ha?" Pabalik kong tanong.

"Uyy na miss niya ako," pang-aasar niya.

"Asa ka pa! Hindi kita na miss," pagtanggi ko.

"Bakit ganyan kasimangot ang mukha mo, babe?" Sumabay siya sa lakad ko at umakbay.

Hindi ko naman masagot ang tanong niya dahil ang totoong dahilan kung bakit ako malungkot ay dahil sa sinabi ng Diyosa ng buwan nang sandaling mag-usap kami kanina.

Habang unti-unting tumatagal na hindi pa nakukumpleto ang mga Celestial Spirit. Unti-unti ring manghihina ang tagapangala nito. Manghihina at kapag nagkataon ay pwedeng humantong sa kamatayan.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ko.

"Ang ano, babe?"

"Ang tungkol sayo. Na pwede mong ikamatay ang pananatili mo sa mundong ito." Nabalot din ng lungkot ang mukha niya pero pilit siyang ngumiti.

"Hindi naman ako mamamatay kasi nad'yan ka para tulungan ako, 'diba?" Aniya, tumango ako sa sinabi niya dahil ako naman ang may pakana ng lahat. Kahit hindi sinasadya ay ako naman talaga ang nagpalaya sa mga Celestial Spirit kaya ngayon ay delikado ang kalagayan ng mundo at buhay ni Kenzou.

"Hindi mo naman hahayaan na mapahamak ang mundo ng mga tao. At lalo nang hindi mo hahayaang mabura ang existence ng gwapong tulad ko," pagbibiro niya upang pagaanin ang sitwasyon.

"Panira ka talaga e 'no? Iniisip ko kung paano na lang kaya kapag hindi ko nakumpleto ang twelve Celestial Spirit sa loob ng twelve days."

Hinawakan niya ang aking kamay. Napatingin siya sa akin. Sa pagkakataong ito ay hindi ako nakaramdam ng panginginig o kahit kuryente dahil mas nangibabaw ang pag-aalala.

"Makukumpleto natin!" Sabi ni Kenzou na ngayon ay hawak-hawak pa rin ang aking kamay.

"Kukumpletuhin natin," tugon ko sabay alis ng aking kamay sa pagkakahawak niya.

"Mapagsamantala!" Asik ko na ngayon ay umiwas na ng tingin sa kaniya.

"Gustong-gusto mo nga, e. Crush mo na ako 'no? Aminin mo na, babe," pang-aasar niya.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na huwag mo akong tawaging babe. Nakakairita sa tenga!"

"Much better ba kapag tatawagin kitang bruha? Oh sige. Bruha, crush mo na ako 'no?" Pang-aasar ulit niya. Hindi ko na siya pinansin at nagkunwari na lang na walang naririnig.

"Ang gwapo ko 'no?" Pagpuri niya sa sarili.

"Bwiset ka!"

"Bwiset pero gwapo."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad na parehong tumatawa, nag-aasaran at nagbabangayan.

To be continued...

Celestial BodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon