Chapter III

67 30 12
                                    

Chapter III

"SA labindalawang bituin ay dalawa na ang naibabalik mo. Sampung Celestial Spirit na lang ay makakauwi na rin ako at ang mga Celestial Bodies ay mabubuo nang muli," saad niya.

"Pwede bang matulog na ako. Madaling araw na!" Sabi ko na ngayon ay namumugto na ang mata. Pumasok ako sa kwarto ko at pinagsarhan siya ng pinto. Nagulat ako nang makitang sumulpot na naman siya sa aking likuran.

"Hoy, pwede bang iwan mo muna akong mag-isa dito. Kwarto ko 'to at pribadong lugar ito para sa akin lalo na dahil babae ako at lalaki ka!" Sabi ko.

"Kwarto mo? Ang selfish mo naman, babe. Hindi ba pwedeng share tayo?" Aniya na halatang nang-iinis na naman.

"Hindi pwede dahil baka kung ano pa ang gawin mo sa akin. Kaya chupiii!" Ikinumpas ko pa ang aking kamay sign na itinataboy ko siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang paatras ako ng paatras. Nakangiti pa siya na animo'y nasisiyahan sa pantitrip sa akin.

"Kenzou, lumayo ka sa akin."

"Bakit? Naiilang ka ba, babe?"

Napasandal na ako sa pader. Umiwas ako ng tingin sa kaniya na ngayon ay sobrang lapit na sa akin. Naaamoy ko na rin ang mabango niyang hininga at ang kamay niyang dumampi sa pisnge ko na nagbigay ng mala-kuryenteng pakiramdam sa akin.

"Gusto mo ng kiss ko?" Tanong niya.

"Syempre, No!" Itinulak ko siya dahilan para medyo mapalayo siya sa akin. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.

"Ilan ba ang gusto mo, babe?"

"Kahit ilan--- ay este. Lumayas ka nga dito!" Bangay ko ngunit hindi siya natinag at nagpatuloy pa rin. Agad siyang nakalapit sa akin. Napansin ko ang pagtitig niya at sa hindi malamang dahilan ay napatitig din ako sa kaniya. Ang mga mata niyang kayang manlinlang ng kahit sino. Kulay asul ito na nangungusap at nang-aakit.

"You like my eyes? I think you will also like my lips," aniya na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. Umiwas agad ako ng tingin sa kaniya.

Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, naramdaman ko ang kakaibang kuryente at pagtibok ng puso ko na mabilis at parang nagkakarera. Pumikit ako upang pigilan ang sarili na mahumaling sa mala-hocus-focus niyang titig. Nang sandaling imulat ko ito. Napapikit ulit ako sa inis dahil wala na si Kenzou na animo'y binitin lang ako sa halik na aking inasam pero hindi niya ipinaramdam.

Wait. Scratch that.

Hindi ko gusto na halikan niya ako.

***

"BABE, gising na!" Napamulat ako at naalinpungatan dahil sa pagtawag ni Kenzou.

"Wait, kanina ka pa ba narito?" Tanong ko.

"Hindi," mabilis niyang tugon.

"Hayy salamat."

"Kasi kagabi pa ako nandito, babe." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What?! Anong nakita mo?" Tanong ko. Tumawa-tawa lang siya na parang may kung anong tinatago.

"Hoy, anong nakita mo? Bakit mo tiningnan?" Tanong ko pa.

Celestial BodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon