Chapter IX

48 19 1
                                    

Chapter IX

MULA dito sa planetang mars... I love you, luna.

Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Kenzou. Pwede kaya 'yon? Pwede bang mainlove ang immortal sa isang mortal. At pwede bang mainlove ang mortal na kagaya ko sa isang, "Hey, babe."

"Ay alien," asik ko dahil biglang sumulpot si Kenzou na parang kabuteng ligaw.

"Hindi nga ako alien, babe. Gwapo lang," kahambugan na naman niya.

Aakbay siya sa akin. Umiwas ako at hindi nagpa-akbay sa kaniya.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school. Last exam na namin ngayon for this sem. Kailangan kong makapasa para hindi mawala ang scholarship na meron ako.

"Uy babe," pagtawag niya. Napalingon ako sa kaniya.

May isang babaeng lumapit kay Kenzou. Hindi ko alam pero bakit nainis ako dun sa babaeng kung makaasta ay parang lilingkisin at aahasin siya.

Pinagmasdan ko si Kenzou at lalo akong naasar dahil nag-eenjoy ang ungas. Yumakap sa leeg niya 'yong babae na tinugunan naman niya.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Lumapit ako sa kanila upang alamin kung nagkakamabutihan na. Ako'y nagulat dahil bago pa lamang ako lalapit ay humarap yung babae.

"Wahhhh!" Napasigaw ako dahil imbis na magandang dalaga ay halimaw ang bumungad sa akin.

"Huwag kang lalapit mortal!" Madiin niyang sabi.

Tiningnan ko si Kenzou na hindi nagbabago ang expression ng pagmumukha. Nakangiti pero tulala. Sigurado akong isa na naman 'tong Celestial Spirit.

Nagpatuloy 'yong babae sa ginagawa niya. Tinanggalan niya ng saplot pang-itaas si Kenzou. Hindi ko na maatim ang ginagawa niyang kahalayan.

Hinanap ko ang misteryosong librong isiniksik ko sa bag ko kanina. Nakita ko ito na nagliliwanag. Agad kong inilabas. Binuklat ko ito. Nagpalipat-lipat ng pahina hanggang sa tumigil sa gitna. May biglang gumuhit na isang salita na aking binasa.

Aries

"Ibig sabihin siya si Aries?" Ngunit bago ko pa magamit ang susi upang isara ang lagusan ay mabilis itong nakalapit sa akin at sinakal ako ng todo.

"Nakikita ko sa kaniyang kamalayan na ikaw ang nais niya." Lalong dumiin ang pagkakasakal niya sa akin.

"Kailan mong mamatay upang maging akin na siya."

"Ahh--- p-please l-lang." Pinipilit kong magsalita pero hindi ko magawa dahil sa tuwing tatangkain kong gawin ay lalo siyang nanggigigil na ako'y patayin.

Hindi siya tumigil at konti na lang ay malalagutan na talaga ako ng hininga. Napapapikit na ako sa ginagawa niyang pagsakal nang biglang may nag-reflect na liwanag sa kwintas na ibinigay sa akin ni Kenzou. Nasilaw si Aries dahilan para mabitawan niya ako.

Napahawak ako sa aking leeg na ngayo'y naghahabol ng hininga. Nagtakip ako ng tainga nang marinig ang matiis at nakakatulig na pagtawa ni Aries.

Aakma siyang lalapit ulit sa akin ngunit hindi niya nagawa dahil hinampas siya ni Kenzou ng tubo na naging dahilan para mawalan siya ng malay.

Napalingon ako kay Kenzoy na ngayon ay, "Bwiset, mag-suot ka nga ng pang-itaas. Ungas ka talaga!" Sabi ko.

Pilit kong kinuha ang gintong susi at binigkas ang ilang mahiwang salita bago pa magising si Aries.

Bituin na nagniningning,
Ang aking utos ay dinggin,
Maglaho ka sa aking paningin,
Ngayon din.

Ang susi ay lumutang sa kawalan at nagliwanag. Kasabay nito ang pagkawala ng malanding halimaw hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

Pilitin ko mang gumalaw, katawan ko na ang kusang nanlambot at dahan-dahang nawalan ng malay. Naaninag ko pa ang presensya ni Kenzou. Hawak-hawak niya ako sa bewang at inalalayan para hindi tuluyang bumagsak.

"Sa pagkakataong ito, hindi na kita hahayaang malaglag pa, Luna."

***

NAGISING ako. Nagtaka at nagulat dahil nakahiga sa tabi ko si Kenzou na ngayo'y natutulog.

Teka lang, 'diba hindi natutulog ang mga immortal?

Inalog-alog ko si Kenzou para magising pero para siyang tukmol na ang galing umarte. Tulog talaga yata ang ungas.

Napatitig ako sa kaniya na ngayo'y walang malay. Ngayon ko lang napansin na bukod sa mata ay ang ganda din pala ng ilong at labi niya.

Wait. Scratch that.

Ano ba itong pinagsasasabi at tumatakbo sa utak ko.

Tapos yung kilay niya makapal na maitim na maangas ang datingan.

Wait. Scratch again.

"What?!" Napasigaw ako nang buksan ko ang phone ko at makita kung anong araw na.

"Tatlong araw na ang lumipas. Ibig sabihin tatlong araw din akong nawalan ng malay?" Tanong ko sa aking sarili.

"Kenzou, gumising ka. Gumising ka!" Sabi ko habang pilit na ginigising si Kenzou. Naalinpungatan ito. Napangiti ng makita ako.

"Anong ginagawa mo sa akin, babe?" Nakangisi niyang sabi.

"Kenzou, tatlong araw ba akong nawalan ng malay?" Tanong ko.

"Two days and twenty-one hours lang, babe," pagtatama niya.

"Loko-loko ka!"

"Loko-loko pero gwapo."

"Paano yung exam, na take ko ba?" Pagtatanong ko na ngayon ay nanghihinayang.

"Hindi," mabilis niyang tugon.

"Anong gagawin ko? Siguradong matatanggal ako niyan sa scholarship," asta ko na animo'y ang laki ng problema.

"Huwag kang mag-alala, babe. Isanla mo na lang ang gintong susi para may pang-tuition ka." Nabatukan ko siya sa kaniyang mungkahe.

"Nakakainis ka!"

"Nakakainis pero gwap---" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil biglang may pagyanig na dumagundong. Napahawak ako kay Kenzou dahil hindi ito normal na lindol lamang. Parang may kakaibang nangyayari sa labas.

"Anong nangyayari, Kenzou?" Tanong ko sa kaniya.

"Unti-unti nang winawasak ng dalawang mundo ang sari-sarili nila. Unti-unti nang nasisira ang magandang kalawakan," salaysay niya.

"Ano?!" Hindi ko magets yung mga sinabi niya.

"Isang araw na lang ang natitira para makumpleto natin ang mga nawawalang Celestial Bodies. Tatlong Celestial Spirit pa ang malaya," hayag pa niya.

Kaya pala natutulog si Kenzou kanina. Kailangan niya ng pahinga dahil sa pananatili niya sa mundo ng mga tao ay unti-unti nang nawawala ang kaniyang pagiging immortal.

Napatingin ako sa kaniya. Nginitian niya ako na parang balewa lang sa kaniya ang mga nangyayari.

"Hindi pa naman huli ang lahat." Hinawakan ko siya. Alam kong may magagawa pa ako para iligtas siya... iligtas ang kalawakan sa tuluyan nitong pagkasira.

Hinila ko siya palabas ng bahay.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"I can save you, Kenzou," sabi ko at binigyan siya ng ngiti.

"Alam kong may natitira pang oras. At sa mga oras na iyon, gusto kong kasama kitang iligtas ang buong kalawakan."

To be continued...

Celestial BodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon