Chapter II

97 30 11
                                    

Chapter II

"PINAGKAITAN ka, babe." Rinig kong sabi niya na may bahid ng pang-iinsulto. Hindi ko naman magawang laitin siya dahil sorbrang perfect niya. Jowable kung i-de-describe.

"Alam kong gwapo ako, babe," aniya pa na ngayon ay nakahawak sa batok at nakangiti. Tuwang-tuwa siya sa pagbubuhat ng sarili niyang bangko.

"Tigil-tigilan mo nga."

"Hindi ko kayang pigilan ang pagiging gwapo."

"Hambog!"

"Atleast gwapo." Kinindatan pa niya ko para mas maging effective ang kahambugan niya. Nakita kong hawak niyang yung misteryosong libro. Kinuha ko iyon sa kaniya.

"Nasa iyo na pala itong libro kaya umalis ka na sa landas ko... sa kwarto ko," lintanya ko na pinagtatabuyan siya.

"Gustuhin ko man ay kailangan ko pang manatili sa tabi mo, babe," aniya na siyang ikinainis ko.

"Please lang, don't call me babe. Nakakairita sa tenga!" Angil ko.

"Pero ayon sa aking obserbasyon, mas napapangiti ng mga lalaki ang mga babae kung tatawagin nila ito sa espesyal na paraan."

"Anong espesyal sa salitang babe, ha? Lalo na kapag ikaw ang nagsasabi. It so Eww!"

"Nakakairita ba talaga kapag gwapong tulad ko ang tumatawag sayo ng babe? Mas gusto mo bang bruha ang itawag ko sayo?" Aniya pa na parang walang alam sa mundong ibabaw.

"Hayy naku, saang lumalop ka ba nanggaling?" Tanong ko sa kaniya upang malinawan.

"Sa libro," mabilis niyang sagot.

Sa libro?

"Wait, fictional character ka?"

"Gwapo ba ang mga fictional character kasi kung gwapo, masasabi kong isa nga ako sa kanila," kahambugan na naman niya.

"Kung ikaw lang din ang magiging fictional character. Kontrabida ka!" Madiin kong sabi.

"Atleast gwapo."

"Bwiset ka!"

"Bwiset na gwapo."

***

HALOS dalawin na ako ng antok dahil gabing-gabi ay dinala niya ako dito sa school. Kailangan daw ako upang ikulong ang mga pinalaya kong Celestial Spirit.

"Wait lang, ha? Sino ka ba? At saka anong sinasabi mong Celestial Spirit?" Tanong ko. Kasalukuyan kaming narito sa loob ng library. Walang kahirap-hirap kaming nakarating dito dahil sa kakayahan niyang maglaho at magteleport.

"Ang Celestial Spirit ang kumakatawan sa mga Celestial Bodies. Sila ang buhay na katauhan ng balanseng kapangyarihan ng mundong ito," pagpapaliwanag niya.

"Ano raw? Pwedeng mas linawan mo pa ang explanation?" Sabi ko dahil hindi ko talaga siya ma-gets.

"Ang librong kinuha mo ang tahanan ng mga Celestial Spirit na binabantayan ng isang immortal na kagaya ko. Ako si Kenzou the great, ang napiling maging tagapangala ng libro ng mga Celestial Bodies," salaysay pa niya.

"Ikaw naman pala ang tagapangalaga. Huwag mo na akong idamay sa mga kalokohan mo," sabi ko.

"Ngunit hindi ito kalokohan. Ikaw ang nagpakawala kaya ikaw lang din ang makapagkukulong sa kanila," dagdag pa niya.

"Paano kung ayaw ko?" Asik ko.

"Papatayin kita!" Sabi niya. Bumalik na naman yung pagiging emotionless niyang titig at ngiti.

Naistatwa ako sa sinabi at ekpresyon niya. Hinawakan niya ang aking braso sabay sabi. "Gusto mo na bang mamatay o hindi pa?!"

"A e, paano ba ako makakatulong sayo?" Pilit akong tumawa para alisin ang kaba.

"Huwag kang aalis sa tabi ko kahit anong mangyari," lintanya niya sabay ngiti. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil bumalik na sa pagiging cute yung itsura niya.

"Uy cute raw ako," pang-aasar niya.

"Pwede bang tigilan mo na ang pagbabasa sa iniisip ko. Hindi ka nakakatawa," sabi ko na ngayon ay kinakapa ang switch ng ilaw dito sa library.

"Pero ikaw nakakatawa," pambubwiset pa niya.

Nabuksan ko na ang ilaw at nagliwanag na ang lahat. Napalingon ako para hagilapin si Kenzou pero nagtaka ako dahil hindi lang isa, dalawa, kundi tatlo sila.

"Wait, isa na naman ba ito sa alien abilities mo? Ang magduplicate ng sarili," ani ko na ngayo'y nagtataka kung bakit tatlo sila.

"Ako ang tunay na Kenzou at hindi sila," sabay-sabay nilang sabi.

"Huwag nga kayong mang-gaya," ani pa nila.

"Pwede ba tigilan mo na ang pantitrip mo sa akin," sabi ko dahil alam kong clone lang sila na ginawa ni Kenzou.

"Hindi ako clone," sabay-sabay ulit nilang sabi na ipinagtaka ko.

"Isa sa amin ang totoo." Napakunot noo ako at inusisa ang itsura nilang tatlo. Lahat pare-pareho at walang pagkakaiba.

Nagulat ako dahil sabay na sumugod sa akin ang dalawa sa tatlong Kenzou at hinawakan ako sa braso. Hinila nila ako na parang lubid na desididong hatiin sa gitna.

"Ahh--- bitawan niyo ako. Nasasaktan ako," angal ko na ngayon ay parang rubber band na binabanat.

"Babe, ang susi." Ibinato nung natitirang Kenzou ang susi na sinalo ko naman gamit ang aking bibig.

"Isara mo ang lagusan ni Gemini," rinig ko pang sabi niya. Gamit ang gintong susi na may asul na dyamante ay binigkas ko ang ilang mahiwang salita.

Bituin na nagniningning,
Ang aking utos ay dinggin,
Maglaho ka sa aking paningin,
Ngayon din.

Pagkatapos ay lumutang ang susi at nagbigay ng isang nakakasilaw na liwanag. Hinigop ng susi ang dalawang Kenzou na humihila sa akin at tuluyan silang naglaho.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbagsak ko sa sahig. Nasalo ako ng isang gwapong lalaki. Hawak niya ngayon ang aking bewang at sa pagkakataong iyon ay parang sandaling tumigil ang lahat.

Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit agad ding napamulat. "Bakit mo iyon ginawa?" Tanong ko kay Kenzou.

"Sorry, hindi ko sinasadyang bitawan ka at hayaang mahulog sa akin." Pang-iinis, paumanhin at pang-aasar niya dahil hindi niya ako tuluyang sinalo bagkus ay hinayaan lamang na malaglag sa sahig.

"Bwiset ka talaga!"

"Bwiset pero gwapo."

To be continued...

Celestial BodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon