Epilogue

92 19 4
                                    

Epilogue

Third Person's P.O.V

"LUKE, halika dito may ipapakita ako sayo," pagtawag ni Kenzou sa anak nila ni Luna.

"Bakit po, Dad?" Tanong ni Luke sa daddy niya. Lumapit siya at yumakap kay Kenzou.

"May gusto akong ipakita at ibigay sayo," ani Kenzou at binuhat ang anak papasok sa loob ng kanilang bahay.

"Dad, ano po bang ibibigay niyo?" Pagtatanong pa ng bata. Nagtataka siya kung bakit may dala-dalang box ang Daddy niya.

"Gusto kong malaman mo kung paano nagsimula ang lahat," sabi ni Kenzou. Inilabas niya mula sa box ang isang librong may drawing na star sa unang pahina. Kinuha niya at iniabot iyon kay Luke.

"Libro? Mahilig po akong magbasa, thank you Daddy," ani Luke. Kinuha niya ang libro at binuklat upang basahin.

"Tungkol saan po ang laman ng librong ito?" Tanong pa ni Luke. Nginitian lang siya ni Kenzou at hinawakan sa ulo. Umupo siya sa tabi ng anak at sabay nilang binasa ang kwentong pinatunayan na hindi mabubura ng kahit ano ang alaala na dulot ng tunay na pagmamahal.

Habang nagbabasa ay nagtanong ulit si Luke sa Daddy niya. "Dad, bakit po kapangalan niyo ang mga karakter sa kwentong binabasa natin?" Usisa nito.

Ngiti lang ang isinagot ni Kenzou sa anak. Hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag ang mga bagay-bagay na nangyari sa kanila dati.

Natigil sila sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Luna na ngayo'y kadarating pa lamang sa bahay. Sinalubong siya ng yakap ni Luke at halik naman galing kay Kenzou.

Napatingin si Luke sa bandang leeg ng Mommy niya. May suot-suot itong gintong kwintas na katulad nung sa babae sa librong binabasa nila. Napagtanto niya na ang tinutukoy sa kwento ay walang iba kundi ang mga magulang niya. Ngumiti na lamang siya at hindi na nagtanong pa.

Sapat nang malaman niya na sa huli ay nagkatuluyan at naging masaya ang mortal at immortal sa piling ng isa't-isa.

The end...

Celestial BodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon