Chapter I

120 32 24
                                    

Chapter I

MAAGA pa lang ay pumasok na agad ako upang siguruhing walang tao sa library. Isasauli ko na ang misteryosong librong hiniram ko. Actually, hindi ko naman talaga siya hiniram. Kusa siyang napadpad sa ibabaw ng study table ko sa hindi malamang dahilan.

Nang makarating sa school ay mabilis akong nagpunta sa library at hinanap ang pinto kung saan ko ibabalik ang libro.

Hindi ko mahagilap. Nasa pader ako kung saan iyon lumitaw ngunit ilang minuto na akong nakatunganga dito ay wala namang nangyayari.

"Abrakadabra bumukas ka!" Sabi ko na animo'y magician na pinapalitaw ang pinto sa pader. Mga ilang beses ko itong ginawa pero balewala. Iniwan ko na lang ang libro sa reading table at agad nang umalis.

Papunta na ako sa room namin nang biglang may kung sinong humawak sa aking braso.

"Sumama ka sa akin, ngayon din!" Sabi niya, huran-huran niya akong dinala palabas ng school habang walang emosyon ang kaniyang mukha.

"Hoy! Ano bang problema mo, ha?" Angil ko na ngayon ay nagtataka kung bakit ako dinala ng lalaking 'to palabas ng school.

"Nasaan ang libro?" Tanong niya na wala pa ring kahit anong emosyon.

"Anong libro?" Nakakunot noo kong tanong.

"Ang aking tahanan. Ibalik mo!" Asik niya na lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin dahilan para masaktan ako.

"Arayy, grabe ka naman. Bitawan mo nga ako!" Naiinis kong sabi, binitawan naman niya ko pero hindi niya inaalis ang walang emosyon niyang titig sa akin.

"Nasaan? Ibalik mo!" Napatingin siya sa akin diretso sa mata na nanlilisik.

"Ano bang kailangan mo? Anong nasaan? Tulong may magnanakaw dito!" Sigaw ko sabay akmang tatakbo ngunit nahawakan niya agad ako.

"Hindi ako magnanakaw gaya mo. Ibalik mo ang libro na aking tahanan. Ibalik mo kung ayaw mong paslangin kita!" Aniya sa nakakatakot na paraan.

"Ang libro ng mga Celestial Bodies na aking pinangangalagaan," dagdag pa niya.

Naalala ko yung librong ibinalik ko kanina sa library. May gumuhit do'n na mga salita.

Labindalawang bituin na nagniningning,
Tila tala na may mga dalang hiwaga,
Aking mga gabay at tagapangala,
Upang panatiliin ang balanse sa mundo,
Kailangan ko ang tulong ng mga...

Celestial Bodies.

Ibig sabihin ang hinahanap niya ay ang misteryosong librong nasa library.

"Ibabalik mo ba o papatayin kita?!" Pagbabanta niya na para akong kakainin ng buhay anumang oras.

"Nasa library ang libro, kunin mo," ani ko, iniharang ko ang aking kamay para pigilan siyang makalapit sa akin.

"Samahan mo ako para mapaslang na kita pagkatapos nating makuha!" Sabi niya na aking ikinaistatwa. Hindi ako makagalaw dahil sa kaniyang sinabi.

Mamamatay tayo ba siya? Adik o ano?

"Hindi ako mamamatay tao at mas lalong hindi ako adik." Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang mga nasa-isip ko?

Celestial BodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon