Chapter 8 (First Love Never Dies)

1.3K 24 11
                                    

Ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili.

Hindi ka makakamove-on sa mga masasakit na nangyari sa buhay mo kung pilit mong isinisiksik sa utak mo ang lahat ng nagdaan.

Sabi nga nila, leave the past and face the future.

Pero... For Sam, hindi ganun kadali kalimutan ang lahat. It's not also easy to face the future kung marami siyang naiwang alaala sa nakaraan.

At the age of 12, na heartbroken na siya.

At the age of 12, he experienced how to suffer the consequences of being gay.

And at the age of 12, marami na siyang napagdaanang sakit sa ngalan ng pag-ibig.

It's all because of a young guy. Si  Luie.

Si Luie na unang lalaking kanyang minahal.

Si Luie na nawalan ng alaala at alam niyang minahal siya ng totoo. Na halos, gapusin na siya ng matinding pagmamahal dito.

Ngunit ng bumalik ang alaala, nawala ang lahat na parang bula.

Tila bang isang napakasamang panaginip. Isang bangungot.

Nang umalis si Luie sa kanilang lugar, nawala na rin ang lahat.

...............................................................................................................................................................................................

4 YEARS  LATER

Graduate na sa highschool si Sam.

He promised to his self na mag aaral siyang mabuti para kay Lola Yna. Speaking of Lola Yna, nagkaroon siya ng karamdaman. Sa mga nakalipas na taon, naging hikain ito at palagi nalang nakahiga. Umaasa nalang sila sa pensyon buwan-buwan. Minsan para magkapera, nagbebenta ng kamote sa palengke si Sam at para may pambaon narin sa skwela. Para makadagdag sa gastusin at gamot ni Lola Yna, naranasan rin ni Sam ang gawaing para lamang sa mga tunay na lalaki. Yung magsaka, at yung mag-alaga ng kalabaw ng kanilang kapitbahay. Lahat ng paghihirap tiniis ni Sam. Para kay Lola Yna at para makabawi siya sa lahat ng pagkakamali niya noon.

Sa loob ng apat na taon, ni anino ni Luie, hindi nakita ni Sam. Ni wala na nga siyang balita dito. Paminsan minsan dumarating si Mang Ramon para asikasuhin ang mga alagang hayop at yung lupang sinasaka nila, hindi naman niya  magawang magtanong dito. Natatakot na baka masuntok pa siya nito.

Sinabi na rin ni Sam sa sarili na, malabo nang mangyaring, magkikita pa silang dalawa ni Luie.

+=========================================================================================

Mag-aaral na si Sam sa kolehiyo. Hotel and Restaurant Management ang kinuha niyang kurso.

Kumuha siya ng scholarship mula sa kanilang Municipal Mayor kaya naman, libre na ang kanyang pag-aaral.

Isang sakayan lang papunta sa kanilang paaralan. Minsan tuwing hapon, naglalakad nalang sila pauwi kasama ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan niya si Berny, isa ring kagaya niya, Paminta.

Hindi gaya ng ibang bakla, hindi nagsususuot ng malalaswang damit sina Sam at Berny. Syempre siguro nakasanayan na rin nila iyun. Si Berny palagi ang naging takbuhan ni Sam sa twing nangangailangan sya ng tulong. Si Berny na rin ang pinagkakatiwalaan niya ng kanyang mga lihim. Isa na roon ang naging nakaraan niya kay Luie.

Minsan nga isang araw, nag usap sila tungkol dito.

'' Mabuti ka pa Dedz, nagkaroon na ng mala-MMK na kwento. '' ani Berny nung nag uusap sila sa isang bench sa lilim ng punong mangga sa kanilang paaralan. ''Dedz'' ang kanilang tawagan sa isat isa. Kung baga ''Dudes'' kung sa mga boys pa.

ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon