Chapter 13 ( At the Stream )

1K 23 8
                                    

Totoo ba ang nakita ni Sam nung araw na iyon?
Talaga bang si...si Luie iyon?

Hindi nga lang masigurado ni Sam kung si Luie nga iyon. Ang alam niyay nasa Canada ito at doon nag aaral. How come nga nandito siya? At kung nandito na nga siya, bakit hindi man lang sinabi nina mang Ramon at aling Carmen ang tungkol dito?
Hmpff... Siguro nga nagmamalikmata lang si Sam.
Hindi si Luie yun.
Malamang isa lang yun sa binanbantayan ng mag asawa na galing syudad na may sakit o kapansanan eh pano naka wheelchair yun.

Sa paaralan, masiglang ibinalita ni Sam kina Berny at Greg ang tungkol sa masaganang pagtubo ng palay. Excited na nga silang pabungahin ito para harvesen na.
Samantalang masaya namang ikinwento ni Berny na nakita niya sina Mang Ramon at Aling Carmen noong isang araw.

"Balak ko sanang lapitan sila para kumustahin pero, mukhang busy at nagmamadali sila that time, kaya hindi ko na sila nakausap." Kwento pa ni Berny.

"Siguro nga busy lang sila." Sambit ni Sam.

"Balak ko pa naman sanang itanong kung sino yung kasama nilang lalaki na naka wheelchair kaso, tuluyan na silang nakaalis eh." Dagdag pa ni Berny.

"Nakita mo rin siya?!." Ang gulat na tanong ni Sam.
Dahil sa reaction na iyon ni Sam, nagulat naman si Greg na nooy humihigop ng sabaw ng batchoy.

"Anyare?!!" Sambit nito.

"Tell me Dedz, nakita mo rin yung lalaking naka wheelchair? Natatandaan mo ba ang mukha niya? Ano??." ani Sam na niyuyugyug ang katawan ni Berny.

"Teka nga sandali..! Ano ka ba naman dedz??, over ka naman kung makayugyug sakin.." wika ni Berny na inayos ayos muna ang sarili bago muling nagsalita.

"In fact, I never saw his face. He's wearing a hood jacket kaya hindi ko na nakita ang mukha niya. Wait nga lang, bakit ba intirisado ka sa lalaking yun?"

Doon na nagsalita si Greg.

"Nakalimutan no na yata Berny ang tungkol sa past ni Sam?"

"Oh my G.........." ani Berny sabay takip ng bibig.

"Anak lang naman nina Mang Ramon at Aling Carmen ang lalaking unang bumihag sa puso ni Sam. Tama ba ako Sam?" dagdag pa ni Greg.

Natahimik si Sam.

"Oo nga pala!... Sino ba yun?, si si............"

"Luie." Dugtong ni Greg.

"Tama!!!. Si Luie nga!"

"So si Luie nga ba yung nakita mo?" ani Greg.
z/
"Excuse me Mr. Cute, how can I say na si Luie yun? Never KO pa kayang nakita ang Luie na yan." dagdag pa ni Berny.
Nagkibit balikat nalang si Greg.

"Ikaw dedz?,. What's your plan?, gusto mo ba siyang makita ulit in case na si Luie nga iyon?" tanong ni Berny kay Sam.

"I don't know dedz....." ang mahinang sagot nito.

Nagkatitigan sina Berny at Greg samantalang nasa malayo ang tingin ni Sam at hindi alam kung ano tong kanyang nararamdaman.

Dumaan ang ilang araw at muling bumalik si mang Ramon para tingnan ang pananim. Ito na ang pagkakataon ni Sam para itanong kung totoo ngang nandirito na si Luie.
Pero hindi ganun kadali.
Hindi alam ni Sam kung paano niya itatanong? Nag-aalangan siya. Iniisip niya, na baka magalit si mang Ramon. At isa pa'y para Ano pa para magtanong siya? Eh ano kung nandito siya ngayon? Matagal nang wala si Luie. At matagal na ring panahon na nabura na ang ang kung ano mang nararamdaman niya para dito.
But the big question is, totoo bang tuluyan na niyang nakalimutan si Luie? Talaga bang, wala na siyang nararamdaman para dito?
Kung wala, why he worried like that? Why he feels different?

ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon