Chapter 7 ( The Greatest Heartache)

1.1K 26 5
                                    

''Hindi ka lalabas ng bahay hanggat hindi ko sinasabi..!!..Ilang beses mo na akong ginaganito Sam. Palagi mo nalang ginagawa ang mga bagay na hindi dapat gawin!!. "  ito ang naidakdak ni lola Yna nung makauwi na sila sa bahay.

''La,...'' ani Sam sa mahinang salita habang umiiyak.

''Sam, alalahanin mo naman ako..matanda na ako para makakita ng kaaway sa lugar natin. Nangako ka sa akin na hindi kana lalapit sa anak ni Carmen, pero bakit ang tigas-tigas ng ulo mo? Tanggap ko kung ano ka, dahil apo kita. Pero kung palagi kang ganyan, wala akong magagawa kung di ang parusahan ka..!'' dagdag pa ng matanda.

Patuloy sa pag-iyak si Sam habang nakaluhod sa asin. Hindi niya ramdam ang sakit sa tuhod kung di ramdam niya ang sakit sa dibdib dahil sa nangyari kay Luie.
 Gusto niyang kamustahin ito. Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan niya. Kung ayos lang ba ito o baka muli itong sinugod sa ospital.

SAMANTALA.

Sa bahay nina Luie, nahimasmasan na ang binata. Ayos na ito at kunting gasgas lang sa may bandang leeg ang natamo.  Ngunit, isang pagbabago ang muling nangyari sa kanya.

Bumalik ang alaala ni Luie.

Sa pag pagbabalik ng kanyang alaala, ay kaagad niyang natandaan si Sam.  Agad niyang naalala ang mga araw na pinanghimasukan ni Sam ang buhay niya. Lahat yun ay pumasok sa kanyang utak. Pati ang araw na naaksidenti siya.

'' Nasaan na po yung batang yun?..Yung maluwang ang mga turnilyo?..Yung bakla?.. kailangan kong gumanti sa kanya Nay.'' ang nasabi nito.

'' Gustong gusto kong gawin mo yan anak, pero,hindi na kailangan, mawawala na rin lang naman siya sa landas natin eh. Napagsabihan ko narin ang kanyang lola na parusahan niya ng matindi ang apo niya, dahil kung hindi, magpapa blater kami ng tatay mo sa Barangay.''  wika ni Aling Carmen.

Lumabas naman si Mang Ramon na dala-dala na ang mga bagahe na dadalhin nila sa lungsod.

''Ano po yan tay?.. saan po kayu pupunta?'' tanong ni Luie.

'' Diba bumalik na ang alaala mo?, ehh bakit nakalimutan mo na ang pinag usapan natin nung mga nakaraang araw?'' ani Mang Ramon.

Sinulyapan siya ng tingin ng kanyang nanay, at sumabat naman si Leloy.

''Kuya, doon  na tayo titira sa lungsod.'' ang malakas nitong sabi.

Napangiti si Luie. '' Ahhh.... Oo nga pala... kung ganun ho, doon narin kami mag-aaral Tay?''

''oo. Ang nanay niyo na ang bahala sa mga papeles na kakailangin niyo sa paglipat ng paaralan.''

''Sige na, magsibihis na kayo at baka gabihin pa tayo pagdating doon.'' dagdag pa ni Mang Ramon.

Mabilis na nagsikilos ang magkakapatid. Nagkangitian naman ang mag-asawa.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Dumating na ang multi-cab na inarkila ni Mang Ramon. Maya-maya lang ay aalis na sila.

$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$

Samantala, dahil sa awa ay pinagpahinga na ni Lola Yna si Sam.

Tumayo si Sam at bakas sa kanyang tuhod ang mga butil ng asin. Pinagpapagpag niya ito at diritsong niyakap si Lola Yna. Maluha luha siyang nagsalita.

''Patawarin niyo po ako sa mga nagawa ko. Patawad po kung naging pasaway at naging matigas ang ulo ko.'' ang nasabi nito.

Maluha luha naman ang matanda habang niyayakap din ang apo.

ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon