Chapter 11 ( The Hurtful Truth )

1K 25 2
                                    

Dahil sa ginawa ni Roger kay Sam, at pagbabanta nito, napilitan na umalis na lang si Sam sa kanilang lugar. Ikinwento niya ang lahat -lahat kay Berny. Awang awa naman si Berny sa sinapit ng kaibigan.

"Alam mo Dedz, hindi ko lubos maintindihan kung bakit ganyan nalang ang kapalaran mo. Sabi ko naman sayo ehh, dahan-dahan lang sa emosyon.. wag masyadong magpadala, dahil at the end of the day, masasaktan at masasaktan ka lang. " ang nasabi nito habang ginagamot ang sugat sa pisngi  ni Sam.

"Umiwas naman ako Dedz, pero,.... iwan ko ba, sa tuwing may dadapong mga kamay sa katawan ko, umiiba na ang pakiramdam ko." aniya.

"Makinig ka sa akin okay?, hindi man ako ang Nanay mo o Lola mo,pero bilang kaibigan, makinig ka. Simula sa araw na ito, no boys are allowed to enter your life. Especially Greg. Deal?" wika ni Berny na diritso ang tingin kay Sam.

Hindi agad nakasagot si Sam. Maraming tao na ang nag advice sa kanya, pero, ni isa, wala siyang pinakinggan. Hindi nga niya nasunod noon si Lola Yna, si Berny pa kaya?... Pero, malay natin, baka for now, makikinig na si Sam.
 Nginitian na lamang niya ang kaibigan at itinuloyang paggamot sa mga sugat.

Sabay na pumunta ng paaralan ang dalawa. Sa di inaasahan, nakasalubong nila sa kalsada si Roger na nooy, nanlilisik ang mga mata. Nakatira yata, parang lulong na sa masamang gamot.

Palihim na nagtago si Sam sa likod ni Berny at nagkunwaring hindi niya ito nakita, pero bigla bigla nalang ay nagsalita ng malakas si Berny.

"Hoy ikaw na adik ka, matapos mong babuyin  ang kaibigan ko nagawa mo pa siyang pagnakawan? Isusuli mo ba ang mga kinuha mo o isusumbong kita sa mga pulis?!" ang matapang na sabi ni Berny. Ngunit ngumisi lamang si Roger.

"OyY,, naglipat bahay kana pala,?.. ano?ulitin natin?..Ikaw gusto mong threesome tayo?" wika nito habang nakatingin kay Berny.

"Hoy hoy hoy hoy,.......... simula sa araw na ito, huawg mo nang gambalain ang kaibigan ko. At isa pa, never akong papatol sa isang adik na gaya mo!!!. " dakdak pa ni Berny.

Muling natawa si Roger at bahagyang ppapalapit sa dalawa pero hinarang siya ni Berny.

"Sabing wag kang lumapit eh!!.."

"Ang tapang mo naman, sige... hindi muna ngayon,..Miss Samantha, (kinindatan niya ito)... Next time ulit ha...." huling sabi nito sabay talikod.

"HUwag kang mag-alala Dedz, ako na ang bahalang magsumbong sa mga pulis...matatapos din ang kahangalan at kaadikan ng gagong yan.. leave all the rest to me Dedz.." wika pa ni Berny sabay himas sa braso ni Sam.

.....Hindi alam ni Sam kung bakit napakaduwag niya. Ang duwag -duwag niya para komprontahin at gumanti kay Roger. Mabuti pa si Berny, may lakas ng loob at tapang para harapin at pagsalitaan ng ganun si Roger.

"Maraming salamat Dedz ha, buti ka pa napakatapang mo." aniya.

"Yan yung sinasabi ko sayo eh, you need to be strong, and brave enough so that no one can pull you down.!, Alam mo, sayang lang yang talino mo kung magpapaalipin ka lang jan sa nararamdaman mo. Tingnan mo nga yang sarili mo, paminsan minsan magsalamin ka, nang makita mo kung saan ka banda lalaban at kung saan ka banda titigil.!" dagdag pa ni Berny na siyang iniyuko ng ulo ni Sam.  Hiyang hiya siya sa kanyang kaibigan. Tama nga si Berny, masyado siyang nagpapaalipin sa kanyang nararamdaman noon pa man. Magaling naman  siya eh, matalino,. pero, bakit kung pag uusapan ang tungkol sa pag-ibig at nararamdaman, masyado siyang bobo. Ang tanga-tanga pa.
 Ni walang pagbabago sa kanyang ugali.

Kailangang makahanap ng trabaho ni Sam sa lalong madaling panahon. Kahit sabihin pa ni Berny na hindi na kailangan, magtatrabaho parin siya ng sa ganun ay may maimbag siya kahit kunti sa gastusin sa bahay, at syempre sa mga pangangailangan din niya.

ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon