Chapter 6 ( The Forbidden Friendship )

1.4K 25 7
                                    

Hindi maalis sa isip ni Sam ang gabing ipinagtanggol siya ni Luie. Bakas parin sa kanyang alaala ang pangyayaring, nahalikan siya ng taong laman ng kanyang utak at tinitibok ng kanyang puso. Ang pakiramdam na para bang, ayaw mo ng magising kung itoy panaginip man. Yung, pakiramdam na abot mo na ang kasuluk-sulukan ng daigdig at kalawakan. Yung pakiramdam na hindi ka magsasawa na ulit-ulitin ang lahat.
 Ngunit, kahit ganun man kaganda ang pakiramdam ni Sam para kay Luie, may isang bagay parin siyang pinag-aalala. Bagay na sana' y hindi na nangyari yun.

ISANG ARAW,.................

Muling nagkita sina Luie at Sam. Maliit lang ang lugar nila kaya't hindi imposibleng hindi sila magkita, o magkasalubong man lang.

''Hi Sam.''

Ngumiti si Sam.

''Saan ka pupunta?'' tanong ni Luie.

''Sa batis, mangunguha ng kangkong.''

''Samahan na kita.''

''Hah?..ahhh..ehh,. wa-wag na.''

''Ano ka ba, sige na akin na yang basket mo, at sasamahan kita.'' Kinuha ni Luie ang dalang basket ni Sam at naunang naglakad. Tulala naman si Sam.

''Ohh, ano?..Tara na.'' yaya pa ni Luie na nilingon si Sam.

Walang nagawa si Sam. Gusto iyun ni Sam.Yung sasamahan siya ni Luie. Yung parating kasama niya si Luie, yung palaging nakikita niya si Luie. Ngunit, bakit hindi siya masaya? Bakit, nag-aalala siya?.

Nakarating na sila sa batis. Ng makita ni Sam, ang malaking bato naalala niya ang mga nangyari. Kaya naman,....

'' ahhm,. doon na tayo sa kabila manguha ng kangkong.'' wika nito.

'' ehh, bakit hindi dito?.. Ang tataba kaya ng mga kangkong dito...''

''..gusto ko lang subukan yung kangkong sa kabila,.nakakaumay na dito.''

''..ganun?..sige.''

Lumakad lakad pa sila papunta sa may sagingan. Doon marami pang mga kangkong ang tumutubo. Nang makarating na sila, napa upo si Luie.

''hay,.. nakakapagod mag lakad.''  Humilata ito. Inilagay ang mga palad sa likod ng ulo at tumingala sa kalangitan, habang nakabukaka ang dalawang hita.
 Nakita iyun ni Sam. Saglit siyang natigilan at tiningnan si Luie. May kung anong, gusto siyang sabihin, pero, hindi naman kayang magbuka ng kanyang bibig. Ang tanging nagawa niya ay titigan lamang si Luie.

''oyyy,.. diba mangunguha ka ng kangkong?'' ani Luie, na napatingin kay Sam. Napalulon lamang ng kanyang laway si Sam at nginitian si Luie. Nag umpisa na itong manguha ng kangkong, habang nakamasid naman sa kanya si Luie.

''siya nga pala, yung tungkol kagabi. sorry hah.'' ito ang narinig ni Sam mula kay Luie. Natigilan si Sam sa pangunguha ng kangkong. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang puso.

''ahhh...yun?..hanayaan mo na yun,. hindi naman talaga ako pumapatol sa kanila ehh.'; sagot nito.

''..hindi yun. Yung, nangyaring, paghalik ko sayu?.'' wika pa ni Luie. na siya pang halos, pagbilis ng kabog ng puso ni Sam.

'' sorry kung nagawa ko yun hah... ahhmn, ang totoo kasi, gusto ko lang malaman ang totoo.'' dagdag pa ni Luie.

''A....anong totoo?..'' ani Sam, habang nakatalikod at nagkukunwaring nangunguha ng kangkong.

''Yung totoong, bakla ka. Yung totoong may gusto ka sa akin.''

dug dug dug dug dug dug dug dugdugdugdugdugdugdugdugdugdudug............pabilis ng pabilis ang takbo ng puso ni Sam. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin nung mga sandaling yun.

ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon