Chapter 4 (The Big Change)

1.4K 24 4
                                    

Hindi alam ni Sam kung kailan mauubos ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi nya alam kung paano nya tatanggapin ang pagkakamali. Nailagay nya sa matinding kapahamakan ang taong hindi naman niya kaanu-ano. Nabigyan nya ng matinding problema ang mga magulang ni Luie at maging si Lola Yna ay napapasan niya ng matinding pag-aalala. '' Lord, iligtas nyu po si Luie . Humihingi po ako sa inyu ng  kapatawaran. Pangako, hindi ko na po siya kukulitin. Hindi ko na po panghihimasukan ang buhay niya. Iligtas niyo lang po siya....Lord, wag niyo po siyang pababayaan...'' ito ang mga napanalangin ni Sam sa harap ng altar habang sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha.
 Nung gabi ding iyun, humingi ng patawad si Sam kay Lola Yna. Ipinaliwanag niya kay Lola ang buong pangyayari. Walang nagawa ang matanda kung di ang intindihin ang nararamdaman ng apo.

Dahil sa matinding aksedinting nangyari, kinakailangang operahan si Luie sa ulo. Malaki-laking pera ang kinakailangan ng mga magulang ni Luie para sa operasyon. Naibenta ni Mang Ramon ang kaisa-isang kalabaw nila na syang inaasahan nila sa pagsasaka. Ngunit hindi parin sapat iyun para tustusan ang pangangailangan sa ospital.

Maging si Lola Yna, ay nag ambag ng maliit na tulong. Pero hindi ganun kadali ang pagtanggap ng mag-asawa dahil bakas parin sa kanilang mukha ang galit.  Humingi ng paumanhin si Lola Yna, sa kanila, ngunit... ''Hindi kailanman masusuklian ng paumanhin nyu ang nangyari sa anak ko.!!! Hindi ko alam kung anong magagawa ko, kapag may mangyaring masama kay Luie.!!..pagbabayaran nyu ng malaki ito!!!'' ang nasabi ni Aling Carmen kay Lola Yna nung araw na humingi ng pasensya ang matanda. Sa pangyayaring iyun, labis ang pag aalala ni Sam.

Ilang araw ang lumipas, tagumpay na naoperahan si Luie. Ligtas na rin sya sa kapahamakan. Masaya ang mag-asawa sa balitang iyun. Agad naman iyung nalaman ni Sam at labis rin ang kanyang kasiyahan. ''La, ayus na po si Luie.!'' ito ang masaya niyang balita kay Lola Yna. ''Oo apo, salamat sa Panginoon at iligtas na siya.'' sagot ng matanda at doon bigla natigilan si Sam. Biglang umikot ng napakabagal ang kanyang mundo ng maalala niya ang hiniling niya sa panginoon. May kung anong bumabagabag sa kanyang puso at utak na hindi niya maintindihan. '' Ayus kalang ba Sam?..'' tanong ng matanda. ''Ahh... o..opo La... sige po, aasikasuhin ko po muna ang mga gamit sa loob..''

SA OSPITAL;

Nagising narin sa wakas si Luie.

Kuya??...Nay, Tay, si kuya Luie gising na po..!!!'' ang sabik na sigaw ni Candy ng makitang dumilat na si Luie. Mabilis namang lumapit ang magasawa kasama ang bunso nilang anak na si Leloy. Gumuhit ang mga ngiti sa kanilang mga labi ng makitang gising na si Luie. Anak, Luie., gising kana..'' ani Mang Ramon habang hinawakan sa kamay ang anak.

Ngunit, sa di inaasahang pangyayari........ ''Si...sino kayo?...'' ang nabitiwang salita ni Luie.

Nagkatitigan ang mag asawa.

''Anak, kami ito... ako..ako ang Nanay mo.. mga kapatid mo,.at ang tatay mo.'' ani Aling Carmen habang hinawakan sa kamay si Luie. Ngunit biglang inalis ni Luie ang kamay niya at.... ''Sino kayu???..Hindi ko kayo kilala!!!...Nasaan ako? Sino kayo?!!.. '' ang nisigaw ni Luie na sya naman pagdating ng Doktor at ng dalawang Nurse. ''Dok, anu hong nangyayari sa anak ko?..'' tanong ni aling Carmen.
 ''Ahh misis, sa labas ho muna kayo,.. sige na po.'' sagot ng Doktor. Dinala naman ng nurse sa labas sina Mang Ramon at Aling Carmen at ang dalawa nilang anak. Samantalang maluhaluha naman silang lumabas.
 Agad na sinuri ng doktor ang kalagayan ni Luie.

...............................................................................................................................................................................................................

''TRAUMATIC BRAIN INJURY'' Ito ang nasabi ng Doktor sa mag asawa.

ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon