Chapter 9 (Remembering the Past)

1.1K 25 8
                                    

Masakit isipin na wala na ang taong una mong minahal ng lubos. At lalong napakasakit tanggapin na pati ang ang nag-iisang taong karamay mo sa buhay ay mawawala ng tuluyan.

Si Sam, dalawang beses ng nawalan ng taong mahalaga sa buhay niya. Hindi pa man siya masyado nakaka move on sa pagkawala ni Luie, nagungulila naman siya ngayon sa pagkamatay  ng kanyang lola.

Naging pursigido si Sam sa kanyang pag-aaral. Ngayong nag iisa nalang siya, kailangan niyang magdoble kayod. Humingi siya ng tulong kay Berny. Pero gaya niya wala ring alam si Berny na mapapasukang trabaho. Kung marunong lang sana siyang mag make-up o gumupit ng buhok ay doon siya ipapasok ni Berny sa kakilala niyang bading. Pero wala namang alam sa mga ganung trabaho si Sam. Oo bakla siya pero, nabuhay si Sam na malayo sa umuusong sibilisasyon. Kung bagay, para lang talaga sa bukid ang kakayahan niya. Yung magbungkal ng lupa, mag alaga ng kalabaw at magtanim ng kung anu ano.

Isang araw sa paaralan, mag isang naka upo sa bench si Sam. Hindi niya kasama si Berny dahil tinatapos pa ng baklitang yun ang kanyang project. Kaya naman pinili nalang ni Sam na mapag isa at para makapag munimuni.

Ilang sandal pay, nakita siya ni Greg. Agad siya nitong nilapitan at tinabihan sa pag upo.

“Mag-isa ka naman…’’ ani Greg.

“Kita mo na nga ehh,. Sasabihin mo pa.” wika naman ni Sam.

“Ahhmm, bakit ka mag isa? Si Berny nasaan?”

“Andun sa library.”

“Yung ikalawang tanong ko lang ang sinagot mo. Sagutin mo naman yung una.”

“Hah?, ang alin ?’’

“Hay,… sige na nga, alam ko, malungkot kapa hanggang ngayon. Pero sanayin mo naman ang sarili mo na sumaya kahit papano. Alam mo, simula ng naging magkaklase tayo sa P.E, ni minsan, hindi kita nakitang ngumiti. Palagi ka nalang tahimik at misteryuso pa kung minsan.” Ang nasabi pa ni Greg.

Tama si Greg. Sam realizes, na kailan nga pala siya huling ngumiti? Kailan ba niya huling  naramdaman ang saya sa puso niya?

“Kalimutan mo na kasi siya.” Ang muling narinig ni Sam mula kay Greg. Doon ay tinitigan niya ang binata at nangungusap ang kanyang mga mata.

“Ikinwento na lahat sakin ni Berny ang pinagdaanan mo. Sorry kung masyado akong pakialamero ha. Curious lang talaga kasi ako  kaya, hindi ko napigilan na magtanong kay Berny.” Ang naisambit pa ni Greg.

Tumayo si Sam at balak na umalis. Pero, pinigilan siya ni Greg. Mabilis na hinawakan ni Greg ang kanyang kamay sabay sabing, “saan ka pupunta?’’

Doon ay tinitigan ni Sam ang binata.

“Please, magsalita ka naman ouh.” Dagdag pa ni Greg.

“Ano ba ang gusto mong marinig mula sakin?” ang sabi ni Sam sa mataas na tono ng pananalita.

“Na nainlove ako sa isang lalaki? Na muntik ko nang ilagay sa kapahamakan ang buhay niya? Na umasa ako ng husto? Na iniwan ako ng nag iisa?........ na sa napakamurang edad naranasan ko ng masaktan ng husto??...” dagdag pa niya na may kasamang mga luha.

Dahan-dahang binitiwan ni Greg ang kamay niya.

Ilang sandali ay dumating si Berny.

“O, what’s happening here?. Dedz?. Anyari?’’ tanong nito.

“ Sabihin mo jan sa kaibigan mo na wag na niya akong pakialaman. Na wag na niyang panghimasukan ang buhay ko. Na layuan na niya ako at wag na wag ng kakausapin.” Ani Sam at agad itong umalis.

ALWAYS YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon