1

204 7 4
                                    

"Jia! I told you not to meddle with my things! How many times do I have to tell you that?" Galit na sita niya sa akin.

I smiled bitterly, kapag ako ang iniisip niya pangingialam ang ginagawa ko. Pero kapag si Kyline, pagtulong? Ang unfair naman ata, sa pagkakaalam ko kasi AKO yung GIRLFRIEND pero bakit parang wala na lang ako ngayon?

I fixed my things before answering what he just said. I can't bear the pain banging in my chest. It's so hard to compete when there is no competition at all, sabagay sila naman talagang dalawa ang nauna. I stood up and fixed my self.

"I'm sorry if I meddled with your things, I just wanted to help you out. But it seems like you think about it as pangingialam. Pasensya na ulit, sige alis na ako." Nginitian ko siya ng mapakla at tuluyan ng umalis.

Pagkalabas ko ng library ang saktong pagdating naman ni Kyline na ngayon ay maraming dalang mga rosas. Tila ba nagulat siya ng makita ako at agad tinago ang mga pumpon ng rosas sa likuran niya.

"Jinel, si Calvin ba nasa loob?" Tanong niya sa akin ng nakangiti. Tumango ako bilang sagot at nilampasan na siya. Wala akong panahon makipag-usap kahit kanino.

Monthsary namin ngayon tapos ganun ang gagawin sa akin? Para akong aso na sunod ng sunod sakanila this past few days. Lagi nila akong iniiwan o hindi sinasama sa mga gala nila. Magugulat na lang ako may mga posted na pictures na silang magkakasama na ako lang ang wala. Ang unfair 'di ba? Kaibigan din naman nila ako pero bakit parang isa akong nobody kapag kami na ang magkakasama?

"Miss President, kailangan po kayo sa office." Sabi ng humarang sa akin na sophomore student. Ano naman ang kailangan sa akin? Wala naman sinabi sa amin si Miss Espiritu na may meeting ang council ah?

"Oh, okay. Thanks!" Nakangiting ani ko at lumiko ng daan para makapunta sa left wing ng building na kung saan nandoon ang office namin.

I am the Student Council President, aaminin ko matrabaho pero kailangan kong i-maintain ang good record ko dahil candidate for valedictorian ako. I am living with a achiever image na hindi dapat kailangan masira. Dahil kung magkaroon man ako ng issue, isang kalabit lang tanggal agad ang pinaghirapan ko. Nakarating ako sa office, pumasok ako kaagad only to see Amanda signing bunch of paper works. She's my friend at the same time the vice president of the council.

"Pinatawag daw ako? Ano meron?" I asked her while checking my table if there is a important file in the top of it, only to see nothing.

"Oh, I need your help with this." Aniya at iniabot sa akin ang isang proposal. "You need to sign that now, nabasa ko na 'yan kailangan lang nila ng tulong para sa isang organization. Bukas yan gaganapin." Dagdag niya.

I read the title and it says, SURPRISE FOR A CAUSE. Oh, so they are raising fund eh? "Saang charity nila ibibigay ang nakuha nilang fund?" I curiously asked, I sat down to my swivel chair and browse the proposal.

"Child Safe Haven, si Calvin gumawa niyan eh." Nagulat ako sa sinabi niya, si Calvin ang may gawa? Bakit hindi niya sa akin inaabot? Ganun ba niya ako kadis-gusto?

"Oh." Malungkot na ani ko. Hindi na lang ako umimik pero nakita kong nakatingin sa akin si Amanda. Binalewala ko na lang ang mga titig niya at pinirmahan ko na ang proposal nila.

Nasaktan ako, aaminin ko. Dahil nabasa ko sa dulo na sila mismo ang gumawa ng proposal na ito. Calvin Nacar, Kyline Cansino, Amanda Smith, Chester Smith at Cassidy Pamo, and where was I? Here being clueless to their whereabouts. Tumikhin ako bago ibigay ulit kay Amanda ang pirmadong proposal nila.

"Yan lang ba pipirmahan ko?" Mahinang tanong ko. Tumango siya kaya naman nagpaalam na ako. "Sige, alis na ako."

Lumabas ako ng office at dumertcho sa parking lot. Walang klase ngayon dahil busy ang lahat sa kaniya-kaniyang mga booth. Bukas kasi ang foundation day namin at may pahabol pa silang proposal. I heard phone's ringtone, nilavas ko ito mula sa shoulder bag na dala ko at sinagot ang tawag.

"Y-yes?" Bungad ko ng sagutin ko ang tawag. It's Calvin, I can hear their laughs on the other line.

"Bakit ka umalis? Nandito kami sa office niyo." Tanong niya sa akin.

I sighed hard, tila ba may bumara sa lalamunan ko ng pigilan ko ang luhang kanina pa nagbabadya. "I-I'm going home na eh." Tanging naisagot ko.

Nakarating ako ng parking lot at binuksan ang sasakyang dala ko. I have my student license so I am allowed to drive a car but with discipline. "Huh? Ang aga pa ah? Uuwi ka na agad? Ayaw mo na bumalik dito?" Sunod-sunod na tanong niya.

Umiling ako na para bang nakikita niya ako. "H-hindi na, enjoy." The last words I told him before ending the phone call.

The moment I ended the call, doon rin nagsimula ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. No matter how hard I tried not to cry, I will always end up crying. One week, isang linggo na silang ganon sa akin. Hindi lang ako umiimik pero hindi naman ako bulag para hindi makita lahat. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na nag-iba ang pakikitungo nila sa akin.

Calvin also forgot that today is our eleventh monthsary. Ang unfair lang, I did not do anything bad pero bakit ganito ang pakikitungo nila sakin? Like I am a nobody? Kaibigan din naman nila ako, girlfriend naman ako ni Calvin pero bakit? Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may marinig akong kumakatok sa bintana ng kotse ko. Mabuti na lang at tinted ito, hindi makikitang umiiyak ako. I am surprise to see Calvin outside my car. Bakit siya nandito? Pinunasan ko ang luha ko kinuha ang powder mula sa bag ko. Naglagay muna ako ng powder sa mukha ko bago ko buksan ang pinto ng kotse ko, para hindi halatang umiiyak ako.

"What are you doing here?" Pilit na ngiti ang pinakita ko sakanya. I saw how his mood change, kanina ang saya niya sa tawag ngayon mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ihahatid na kita, baka sabihin mo binabalewala kita." Sagot niya ng hindi ako tinitignan.

Iyon lang? Akala ko pa naman naalala niyang monthsary namin ngayon, akala ko pa naman gusto niya talaga. "H-hindi ko naman sinabi na ihatid mo ako eh. Ayos lang naman sa akin, alam ko naman na busy kayo."

Malungkot ang naging tinig ko ng sabihin ko yun sakanya. Tinignan niya ako na para bang ang sama ng nasabi ko. "Ang dami mong sinasabi, ikaw na nga ang ihahatid."

Nasasaktan ako, gusto kong sabihin iyon sakanya pero baka iba na naman ang isipin niya. Ang sakit lang kasi biglang nagbago ang pakikitungo niya/nila sa akin. I did not even do something bad pero bakit ang hirap? Ang sakit.

"Sige na, baba kana. I'm going home na rin naman, it's fine." Malungkot na ani ko. Umiling siya at binuksan na ang pinto. Pero bago pa siya makababa I greeted him.


"Calvin, happy eleventh monthsary."

TELL YOUR HEART BEAT AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon