Wise men says, only fools rush in...
-Can't help falling in love (Elvis Presley)
CHAPTER 1
NAKANGITI si Fury habang pinapanuod ang boyfriend na si James na nagbabasketball sa court sa loob ng kanilang school. Hindi niya talaga maiwasang kiligin habang nakatingin dito. Paano ba naman kasi, ang guwapo-guwapo, ang bango-bango, mayaman tapos sikat pa!
Sobrang popular ng boyfriend niya, kaya nagtataka rin talaga siya kung paano ang isang tulad nito ay nagkagusto sa kaniya. Simple lang naman kasi siyang babae, ang mukha niya ordinary beauty lang. 'Yong tipong hindi na lilingunin kapag natitigan mo ng isang beses.
"Suwerte mo talaga sa boyfriend mo bes, 'no?"
Napatingin siya sa best friend niyang si Janine. Katabi niya itong nakaupo sa bleachers.
"Sinabi mo pa!" taas noo niyang sabi rito.
Aminado siyang suwerte siya kay James. Sa loob kasi ng two years nila bilang magkasintahan ay never nitong ipinaramdam sa kaniya ang layo sa agwat ng antas nila sa buhay. Tapos napakagalante pa nito. Tipong hindi pa niya hinihingi ay ibinibigay na nito. Tulad kanina, ibinili siya nito ng Magnum icecream, 'yong may caption sa patalastas sa TV na carefully made to be broken.
"Mag-sasana all na lang ba ako forever?" tanong ni Janine habang ipinapadyak ang mga paa.
Napatawa siya sa sinabi nito. "Baliw ka! Makakakita ka rin ng lalaking tulad niya 'no? 'Wag ka lang atat," payo niya rito.
Sinimangutan siya nito. "Kailan pa? Malapit na graduation natin. Wala man lamang bang pa-souvenir ang school na ito? Kahit boyfriend lang. Ang anak ni Ma'am Shiela, bet ko 'yon, laki kasi ng umbok sa unahan, e." Humagikhik ito.
"Loka-loka! Hugasan mo nga ng holy water ang mga mata mo, makasalanan na 'yan, eh," aniya saka ito mahinang hinampas sa balikat.
"Sus! Para namang hindi ka tumitingin sa gano'n."
Napailing-iling na lang siya. Natitiyak niya naman kasing wala siyang magagawa kapag nakipagdebate siya kay Janine. Madaldal kasi ito, parang may sariling utak ang bibig. Gano'n.
"Maiba nga tayo, saan mo balak mag-college?"
Napamaang siya sa tanong nito at hindi niya naiwasang makaramdam ng lungkot. "Hindi ko pa kasi sigurado kung makakapag-college ako, bes. Baka hindi kayanin ni tatay ang tuition fee. Pero if ever naman na makakuha ako ng scholarship, sa UW ako papasok."
"Wow! Ang ganda roon, ha!" eksaherada nitong sabi. "Ako naman, hindi na ako mag-co-college. Mag-korean schooling na lamang ako, balita ko kasi malaki ang sahod ng factory worker doon."
"Mas maganda pa rin ang degree holder, bes, pero ikaw naman 'yan, eh. Kung feel mo na papalarin ka, sige lang, susuportahan kita," nakangiti niyang wika rito.
"Aww! Touch naman ako," sabi nito na siyang ikinangiwi niya.
"Si James ba? Saan 'yon papasok?"
Napangiti siya nang matamis. "Sabi niya, kung saan ako, roon din siya." Para siyang kiti-kiti sa kinatatayuan niya habang sinasabi iyon.
"Relationship goals talaga. Kainggit kayo. Sana all talaga consistent tulad ni James. 'Di tulad ng mga ex ko na sa una lang magagaling." Umiikot ang mga mata nito habang nagkekuwento.
James is really consistent. From day one up until now. Kung paano siya nito pakiligin ay gano'n pa rin ang ginagawa nito ngayon at sana ay hindi talaga ito magbago. . . Kasi kung magbabago ito, sigurado siyang hindi niya iyon kakayanin.
BINABASA MO ANG
Hear Me Cry
RomanceFury Elise was a bubbly girl who wanted to make the most of her life. But everything changed when she met a hottie named James Cameron. He piqued her curiosity. They were a happy couple at first. However, nothing in this world is truly eternal. Jame...