Trixie.
"Nak. Gising na. Pinapatawag ka na ng boyfriend mo. Ikaw ha. Hindi ka nagkukwento." Panggigising sakin ni Manang Aya.
Pinapatawag ka na ng boyfriend mo.
Pinapatawag ka na ng boyfriend mo.
Pinapatawag ka na ng boyfriend mo.
Napabalikwas ako ng bangon ng mag sink-in sa utak yung sinabi ni manang.
Diba nanaginip lang ako kagabi?
Ot totoo ba talaga yun?
Tumayo ako agad at nag-ayos na para makatulong na kay manang.
Dumiretso ako sa kusina para tumulong sa pag-aayos ng breakfast.
Naglalabas pa lang ako ng mga plato at utensils ng may marinig akong sumigaw mula sa sala ng "WIFEY!"
Kumabog ang dibdib ko pero hindi ko pinansin. Sino naman ba kase ang tatawag sakin ng ganun diba?
Nahpatuloy na lang ako sa aking ginagawa ng pumasok si manang.
"Ine. Abay kanina ka pa tinatawag ni Alex ah. Lumabas ka na dun at ako na ang bahala dito."
Tumango na lang ako kahit takang-taka ako dahil wala naman akong narinig na tinawag na pangalan ko.
Nilapitan ko na lang agad si sir pogi dahil baka magalit ito dahil sabi ni manang kanina pa daw siya nagtatawag sakin kahit mukhang hindi naman.
"Sir. Tawag niyo daw po ako?" Nahihiyang sabi ko ng marating ko ang sala.
"Oh wifey andiyan ka na pala." Kunot-noo akong napatingin sa nakangiting mukha niya.
"Ako po ba yung tinatawag niyong wifey sir?" Turo ko sa sarili ko habang nagtatanong sa kanya.
"Yes. And you will call me hubby." -Alex
Dug dug.
Wifey and hubby?
Dug dug.
"Come on. Change your clothes, we'll go to my office." Pag-aaya nito sakin.
Naguguluhan man ako sa nagaganap eh sumunod na lang ako.
"Yes sir." Pagpayag ko.
"I told you just call me hubby okay?" Nakangiting saad niya.
Hay ba't ang gwapo niya lalo oag nakangiti siya?
Dug dug.
"Okay hu.. hubby." Nauutal na pagsagot ko.
Ginulo niya ang buhok ko bago siya umakyat sa kwarto.
Ako naman ay agad na nagpalit ng damit pang-alis kahit naguguluhan pa din.
Nagsuot ako ng pants at t-shirt. Tapos nagsuklay at naglagay ng unting powder bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Pinuntahan ko si manang na kasalukuyang nasa kusina pa din.
Nakangiti ito ng makita siya.
"Kaganda mo naman ine." Pagbati niya sa akin.
"Si manang talaga nambola pa. Ano po bang maitutulong ko sa inyo?" Sabi ko kay manang.
"Wala ine. Baka madumihan ka pa dito. May date pa naman kayo ng alaga ko." Tinusok-tusok niya pa ang tagiliran ko. Tapos tinulak na niya ko palabas ng kusina.
"Antayin mo na dun yung hubby mo." Tuwang-tuwa niyang sabi sakin.
Paupo pa lang sana ako sa sofa ng mapatingin ako sa may hagdan kung saang kasalukuyang pababa si hubby.
Ay hubby daw? Achuchu.
Titig na titig lang ako sa kanya.
Bakit ang gwapo niya ba kase?
Naka-slacks siya at black shoes. Idagdag mo pa ang coat and tie na mas lalong nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Yung tipong baka pag pumikit ako eh mawawala siya?
Nagulat na lang ako ng may nagsara ng bibig ko.
"Laway mo tumutulo. Hahahaha. Let's go wifey." Kinapa ko naman bigla ang bibig ko at hindi naman basa ah.
Lalo siyang tumawa sa ginawa ko kaya nakaramdan ako ng inis.
Bakit ba kase ako nagkakaganito sa harap niya.
Sumunod na lang ako sa kanya sa sasakyan at dun bumiyahe na kami ng tahimik.
AN: Okay lang po ba yung story? Or sobrang boring na po? Comment naman po kung dapat pang ituloy please??
BINABASA MO ANG
My Maid Is My Wife To Be?!
RomancePapayag ka bang pakasalan ang taong itinakdang pakasalan mo? O gagawa ka ng paraan para takasan siya? Eh pano kung sa pagtakas mo may taong kang makilala na nagpatibok ng puso mo? Sinong pipiliin mo? Yung lalaking mahal mo o yung lalaking itinakda...