🌩️KABANATA#2:Margaux Brothers🌩️

120 3 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay namin parang gusto ko na ulit umalis dahil ang sasama ng tingin nila sa akin... Ang mga kuya ko.

Yung feeling na lahat sila playboy pero ikaw bawal maging playgirl. Nakakafrustrate sa ganda. Nakaharang sila lahat sa double door na pinto namin at nakahalukipkip ang nga gago.

"San ka galing?" ani Kuya Azhur. Siya ang panganay namin. Ang pinakamalaki ang sapak sa lahat.

"Sa-"

"Anong ginawa mo?" Si Kuya Aldrix. Siya ang pangatlo sa aming lahat. Siya yata ang pinakamatino kung susumahin. Siya rin ang pinakamatalino dahil kaya niya maghack ng security at iba pa. He's too good about the knowledge of computers and other technologies.

"Nag-"

"San ka natulog?" Si Kuya Alex. Siya ang pangalawa sa amin. Siya ang pinakaclose at savior ko sa lahat  kapag nag-aaway kaming magkakapatid. Siya lagi ang kakampi ko sa lahat pero kapag siya na ang nagalit kagaya ngayon ay nakakatakot mas lalo na kapag ang galit niya ay dahil sa kadahilang ginalaw mo ang mga personal na gamit niya.

"Sa ka-"

"Sinong kasama mo?" Si Kuya Ander. Siya ang pang-apat. Siya pinaka nakakatakot magalit dahil sobrang sakit ng pingot niya. Siya lang ang gumaganon sa aking gandang todenzy.

"Tang ina Margaux sumagot ka!"
Ani kuya Aldrix.

"Ahmm-"

"Bat ayaw mong magsalita!"
Galit na ani Kuya Azhur.

"Alam mo bang nag-aalala kami dito!" si Kuya Ander.

"Bakit Ayaw mong magsalita, napipi ka na ba?!" Si Kuya Alex na mukhang kalaban ko na rin ngayon.

"Putang ina! Paano ako makakasagot e dire-diretso ang mga bunganga niyo kakatananong! Tapos hindi niyo pa pinapatapos ang mga sinasabi ko! Makaperwisyo talaga kayo wagas!" sigaw ko sa kanila kaya natauhan naman sila.

Ganito kami lagi. Hindi kami masyadong nagkakasundo kapag buo kaming magkakapatid dahil puros sigawan lang kami pero kapag may kailangan sa isa't-isa ay aba kailangan mong malambing para ma get ang wants mo.

Pinagtutulak ko sila para makapasok na ako sa loob. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo ulit dahil feel ko dumikit ang germs sa malaporselana kong balat sa damit na suot ko.

Pagkababa ko sa kwarto ayun nakapila naman sila sa ibaba ng hagdan na akala mo mga body guards ko. Kaya tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at ni lock yun. Humabol sila pero sarado na ang lungga ko mga tsong. Pilit nilang iniikot ang door knob ng kwarto ko pero nakalock nga e. Mga gunggong talaga kahit kailan.

"Margaux lumabas ka jan! Hindi pa tayo tapos!" sabay sabay nilang sigaw kaya narindi ako. Ang lakas pa naman ng bunganga nila ala speaker na basag.

"Wala akong pakialam!" sagot ko sa kanila.

Nahiga nalang ako sa kama at habang kumakain ng chips galing sa cabinet ko. Sakto ang kwarto ko parang condominium na rin dahil may sarili akong kusina, banyo, at sala. Lahat kami ganito ang kuwarto para daw matuto kaming maging independent e nakatira parin naman kami sa bahay nagkakasama rin naman kami kaya useless ang gastos. Ang may pakana nito ang daddy kong playboy na napaamo ng mama ko kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ganiyan ang mga kapatid ko. At ang malala kinukunsinti pa sila nila Mom at Dad para daw kaparehas sila ng maging love story. Ang lakas ng sapak ng Pamilya ko no?

Todenzy Series #3: The Timbre of A ThunderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon