KABANATA#7:Unhappy Birthday

86 2 0
                                    

  MAGANDA si I, AKO, at ME
    by:Margaux Todenzy

Oh! Diyosa ng kagandahan.
Bakit hindi mo dinahandahan.
Ang aking masarap na nilalaman.
Na maraming naaakit na kalalakihan.

Ngayon ay aking kaarawan.
Kung imbitado ka man.
Ay wala akong pakialam.
Basta ng alam ko mas maganda ako sa iyo kahit kailan.

Nais kong bawasan kahit kaunti lang.
Ngunit mas lalong lumalamang ang aking kagandahan.
Pasensiya na mga kababaihan kung lugi kayo sa laban.
Huwag kayong mag-alala dahil pagkatapos kung tikman hindi kayo mawawalan.

Nagmamahal Margaux ang pinakamagandang Todenzy.
Muah😘Muah😘Tsup💋Tsup💋

------

Sukat dito,sukat doon. Ayan ang araw ko ngayon dahil itong si Mommy magpapapiyesta na naman sa buong Madrid. Andito kami ngayon sa isang kilalang Fashion designer dahil bawat oras daw magpapalit akong ng damit dahil sa party kong buong madrid ang pupunta at wala pa doon ang tinawagan ni Mommy na worldwide. Kulang nalang siya ang tanghalin na Ms.Universe dahil sa kagustuhan na lahat ng tao sa mundo ay mapakain.

Marami na akong nasukat at lahat nang yun ay binili ni Mommy kulang nalang bilhin niya ang botique na ito. May pera ako at billion yun girl Euros pa pero itong si Mommy ayaw magpa-awat kasi may Trillion pa daw siya sa bangko kaya siya na raw at saka birthday ko raw ngayon. My Mom is the one of the most richest woman of the world kaya ganiyan waldas ang hanggang mayroon pero pag nawala na lahat siguro nganga na lang ito at pulos pagpag nalang ang kainin namin kapag nangyari yun.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil nafafrustrate na ako sa pamilya ko. Kung siguro nalaman ko lang na ampon ako matagal na akong umalis sa puder nila per baka hindi ko rin kayanin dahil Mahal ko sila kaya no choice kundi pagtimpihan ang mga kasirauluhan nila sa buhay.

"Anak magbihis ka na dahil papunta na rito ang presidente ng USA."ani Mom na kinalaglag ng panga ko.

"S-sino po?"

"Si President Drantell Scott anak bakit hindi mo ba siya kilala. Anak ninong mo yun."aniya na mas kinalaglag ng panga ko.

Hindi ko inaasahan na ninong ko pala ang isang may mataas na tungkulin sa America. Kilala ko ang ibang mga godparents ko na mga business tycoon at politician pero hindi ko alam na pati presidente ninong ko.

Umakyat na ako sa kwarto na ala condominium ko. Nagbihis ako ng pink color cocktail dress dahil pormal ang makakaharap ko ngayon. Pinagpapawisan ako habang hinihintay ang ninong ko daw. Alam kong mahigpit siyang Presidente pero magaling magpatakbo ng isang bansa.

Nagulat ako sa pagdating nila hindi dahil sa kaniya kundi sa kasama niya. Biglang napuno ako ng galit at iritasyon dahil nakita ko na naman siya. I told to him na huwag na siyang babalik dito but he broke my order. Why they're with each other?That's the greatest question that I want to ask. Bakit pa?Para saan pa Margaux. Huwag kang mmagpakagaga. He's just the one of your past. Past that you will never bring back to the future.

"Hello."ani Pres. Ninong. Shy type pala siya at hindi wild kapag ganitong celebration.

"Hi."sabi ko sabay mano sa kaniya. I smiled at him and he smiled back. Nilingon niya ang katabi at bumaling rin ako roon. He's looking at me intently. I smiled at him pero ngiwi ang kinalabasan.

Todenzy Series #3: The Timbre of A ThunderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon