KABANATA#3:Can't Forget

99 3 0
                                    

Magdamag lang akong tulala at nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Kahit gusto ko nang ipikit ang mga mata ko pero hindi ko kayang makatulog. Bumalik na siya pero bakit ngayon pa na hindi ko na siya kailangan pa sa buhay ko. Ang hirap-hirap ng dinanas ko ng iwan niya ako. Mas masakit pa sa pag-iwan ng ex boyfriend kong pagkababae ko lang ang nais. Siya ang bestfriend ko at tanging taong nakakaintindi at nakakasama ko tuwing may kaaway ako nung mga bata kami pero iniwan niya ako at ang dulot nun lagi akong may pasa at galos sa mukha tuwing uuwi ako sa bahay.

Kaya napagdesisyonan kong magpaturo kung paanong makipagsuntukan sa mga kuya ko kaya tinuruan nila ako. Ayaw nilang sumali sa mga away ko dahil nakakasira daw yun sa kagwapuhan nila kaya isa lang akong nakikiresbak sa mga kaaway ko. Sinisisi ko siya sa bawat araw na may natatamo akong mga sugat. Hindi ako magkakaganoon kung andoon siya sa tabi ko nung panahong yun.

Hindi ko namalayan na lumuluha na naman ang mga mata ko dahil sa kaniya. Bakit ba ako lumuluha para sa kaniya sino ba siya sa buhay ko. Isa siyang walang kwenta na dapat kong kalimutan pero bakit parang ayaw ng puso ko kahit pilit kong nililimot ang nakaraan kasabay niya. Sino ba siya sa buhay ko e kasama nalang siya sa nakaraan ko pero bakit hanggang ngayon ang sakit pa rin at parang bago pa lang ang mga sugat na tinamo ko sa kaniya tapos ngayon babalik na naman siya at kapag nasaktan niya na naman ako aalis na naman siya pero hindi ko na siya hahayaan pang gawin ulit yun sa akin.

Ilang oras akong ganoon ang posisyon hanggang bumigat ang talukap ng mga mata ko. Nagising ako sa malakas na kalabog ng pinto ng kwarto ko at alam kong si Mommy yun dahil siya lang naman ang wagas makakatok na akala mo bingi ang tao.

"Margaux tumayo ka na jan at may bisita ka!"ani Mom. Kahit nalilito ako kasi wala naman akong inaasahan na bisita sa araw na ito.

Naligo muna ako at nagsuot ng pink na dress na binili ko pa sa France. Pagkababa ko parang gusto ko nang umurong dahil nakita ko na naman siya. Ang tinutukoy ay yung ex kong si Kenzo Darius Diaz. Isa siyang full filipino blood pero nanirahan sila dito sa Madrid Spain.

"Hey!"tawag niya.

"What are you doing here?"galit na tanong ko sa kaniya.

"Can we talk?"

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Umalis ka rito sa pamamahay ko!"sigaw ko sa kaniya.

"Pumunta ako dito para humingi ng tawad at hindi pa naman tapos ang relasyon natin."abiya kaya napangisi ako.

"Tawad!Kahit anong sabihin mo hindi kita mapapatawad kahit kailan at saka matagal ko nang tinapos ang relasyon natin at wala ka ng babalikan sa akin. You left remember and umalis ka na ulit dahil ayos na ako."sabi ko sa kaniya na nagingilid ang luha."You're worthless so that you don't deserve me and no one will!"

"Maggie baka pwede pa naman nating ayusin ito."aniya na lumuluha na ngayon.

"Don't call me that again at wala nang dapat ayusin dahil magulo n ang lahat at ayaw kong mas gumulo pa ang buhay ko dahil sa iyo!"sabi ko na lumuluha na rin."Kaya lunayas ka at huwag ka nang lalapit sa akin kahit kailan dahil nandidiri ako sa iyo!"dagdag ko. Napaluhod na lang ako sa sahig dahil ayan na naman ang sakita na nararamdaman ko.
Napahagulgol ako sa sakit. Balak niya sana akong lapitan pero pinigilan ko siya kaya wala siya nagawa kundi ang lumayo sa akin.

"Mom call the security guard."utos ko sa kaniya kaya agad siyang tumalima.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na rin ang mga security guard namin na nagbabantay sa labas. At inutos ko rin sa kanila na huwag na nilang papasukin siya sa teritoryo kong iton kahit kailan. Nilapitan ako Ni Mommy at alam mo ang ginawa niya pinuri niya lang naman ako dahil ang galing jo raw umakting bakit hindi raw ako mag-artista kaya napangiwi ako sa mga iniindorso niya. Napabubtong hininga na lang ako dahil sa mga pinagsasabi ni Mom.

Todenzy Series #3: The Timbre of A ThunderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon