Mission

13 2 2
                                    

Sapphire's POV

Isang linggo na mula nung nangyari ang eksena between Crystal and Icarus at pagkatapos nun parang wala namang nagbago ni hindi nga siguro sila nagusap eh at lalo lang yata lumala yung tensyon kasi itong bruhang Ivana sinabi talaga yung nakita niya sa rooftop at ang mas kinagulat ko bigla nalang nag walk out si Blood nung araw na yun. And speaking of him isang linggo na at tila lumamig siya I mean dati kasi diba lagi siyang nagsasalita ng kung ano anong nagpapakilig sa akin tapos after that incident hindi na siya ganun naging mainitin nga ulo niya sa akin eh laging maiksi pasensya niya tinatanong ko kung anong meron di naman sasagot lalayasan lang ako.

"Eh bakit mo hinahanap yung dating siya?" tanong ng malanding parte ng utak ko.

"Manahimik ka nga diyan" sagot ko dito. Hayyss nababaliw na ata ako eh pati sarili ko kinakausap ko na!!!!

"Ako ba yan?" biglang salita ng isang tinig sa likod ng tenga ko kaya ramdam ko ang pagdaloy ng kilabot sa buong sistema ko. Hinarap ko ang nagsalita at nabigla ako ng siya nga kaya naapatray ako ng kunti dahilan para mapatid ako sa ugat ng puno at inatay ang aking pagbagsak (A/N; nasa forest po sila kung saan sila nagtetrain ni Blood) ngunit hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko sa lupa bagkos ay braso sa aking bewang ang naramadan ko. Idinilat ko ang aking mata at sinalubong ako ng gwapong mukha ni Blood habang may matamis na ngiti sa labi. Wow ah ano bumabalik na ba siya sa dati?!

"Why so cute even you look stupid?" ngiting tanong niya kaya di ko napigilang itulak siya, buti nalang di ako na out balanced.

"Ikaw! Kahit kailan talaga ang sama mo magsalita!" inis na sabi ko sa kanya.

"Eh sa you look stupid eh para naman kasing di ka pa sanay sa gwapong mukhang ito" preskong sabi niya kaya lalo napantig tenga ko.

"Tss, antipatiko na nga mayabang pa! Hm!"  inis kong saad muli at nagulat ako ng hilahin niya ako at naglakad.

"Halika na nga dami mong satsat" naiinip na sabi niya.

"Teka nga bakit ba kasi dito tayo nagtetraining pwede naman sa iba ah" maktol ko sabay bawi ng kamay ko sa kanya.

"Eh saan mo gusto magpractice? Sa kwarto?" ngising sabi niya kaya namula ako at hinampas siya sa braso.

"Bastos ka!" inis kong turan pero natawa lang siya ng mahina.

"Bakit? Tinanong ko lang naman kung sa kwarto ah? Ikaw nagiisip ng kung anu-ano diyan, bagay sayo yang green na suot mo berde ka kasi masyado magisip" for the first time ang haba ng talak niya ah pero urgh!!! Nakakahiya ka Sapphire sobra! Akala ko ba inosente ang pagkababae mo?! Hays patawarin ako ng mga bathala.

"Ewan ko sayo magsimula na nga lang tayo" saad ko tsaka sinimulan nang gumawa ng energy gamit ang enchancing magic ko. Isang linggo na kasi di ko pa magawa ng maayos eh I mean hindi ko talaga magawa. Eh sa ang hirap eh ang hirap magrelease ng energy using my magic.

Dumaan nanaman ang ilang sandali pero di ko nanaman magawa siguradong warla nanaman ako kay Blood nito.

"Sapphire, ayan ka nanaman ang tagal na na'tin di mo pa rin magawa" sabi na eh.

"Blood pwede ba wag mo na akong dagdagan mahirap nga kasi akala mo ba di ako nahihirapan?" sabi ko.

"Hayss kung ang sabihin mo kung anu-ano nanaman iniisip mo! So sino naman ngayon? Si Icarus na ba? Pagkatapos nung Rixon na yun si Icarus naman?!" tumayo na ako. Takte gawin pa akong malandi nito ah!

"Huy Blood Aidan Blake hindi ko maintindihan na kapag di ko magawa mga pinapagawa mo lagi mo nalang sinasabing may iniisip akong iba! At lalaki pa talaga ha?! Hoy sa pagkakaalam ko fire elemental ka hindi mind elemental kaya pwede tigilan mo yang palpak na mind reading mo" galit na turan ko dito.

Elemagica School of ten ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon