Mission 2

11 2 1
                                    

Blood POV

Ramdam ko ang bigat ng aking katawan kaya naman dahan dahan kong dinilat ang mata ko at tumambad sa akin ang puting kisame. If I'm not mistaken nasa clinic ako ngayon, what the!!! Oo nga pala nag collapse nga pala kaming lahat kahapon at SUCKS!!! Si Sapphire kailangan ko siyang makita at ma check kung okay lang siya.

Dahil sa medyo nataranta ako I force to stand at agad napadaing.

"Ahhh!" daing ko dahil tila maga ang buong katawan ko. Nakita ko ang mga kaibigan ko pati na rin yung dalawang kaibigan ni Sapphire na nakaupo na sa kanilang mga kama. Lumapit sa akin yung Icarus tsaka ako inalalayang makaupo ng maayos.

"Wag mo masyadong biglain. Nurse Iya said na you need to rest kahit na natanggal na lason sa katawan ninyo" sabi niya sa akin habang inaabutan ako ng baso ng tubig. Aaminin ko kahapon may side of shock and impress sa akin ng nakipag laban itong si Icarus.

"Salamat bro pero where's Sapphire? I mean sila asan sila? Silang girls?" agad na sabi ko at bumaling sa kasamahan namin sa kwarto. Trydon smiling at me while Ash is smirking, yung Zee naman may mapanuksong tingin samantalang si Rixon blangko lang.

"Asus! Kunwari pang dinadamay ang ibang girls eh si Sapphire lang naman talaga ang concern" makahulugang parinig nung Zee habang nakain ng saging.

"Don't worry they're already okay pero they're still unconscious pero magigising rin naman daw sila anytime" sagot ni Icarus.

"Pwede ba namin siyang puntahan? I mean sila?" kumunot ang noo ko sa biglang pagtanong ni Rixon. Anong 'siya'?! Untog ko ito uunahan pa ako.

"Ayan pa ang isa" parinig muli ni Zee kaya napatingin kami sa kanya ng masama pero ngumiti lang siya.

"No, hindi muna magpahinga nalang kayo and......" Sabi niya tsaka nagtungo sa isang lamesa malaki sa pinto tsaka kinuha ang limang tray na patong patong at may limang bowl sa pinaka itaas.

"Humigop muna kayo ng sabaw wala pa kayong kain mula kahapon ng tanghali hanggang dinner kagabi dahil tulog kayo" Binigyan niya kami isa isa at naamoy ko ang mabangong amoy ng chicken soup.

"Wow mukhang masarap ah, ikaw nagluto 'tol?" tanong ni Ash at tumango naman siya.

"Di ako gutom gusto ko nang lumabas" akmang tatayo na ako ng tila may pumigil sa akin. It's Icarus using his telekinesis.

"You can't, HM told me na bantayan kayo at wag hayaang makalabas dito" sabi niya kaya wala na akong nagawa.

"Wag na kasing mapilit makikita mo rin naman siya este sila eh" singit ni Zee sabay higop ng sabaw.

"Oo nga dre pahinga ka na muna diyan masarap yung soup oh! Yum yum kaya thanks dito Icarus ah" tss kahit kailan talaga parang bata itong si Trydon.

"Ubusin niyo yan I'll check them pa kasi" akmang lalabas na si Icarus ng nagsalita si Rixon.

"Please inform us kapag nagising na sila" sabi niya at tumango lang si Icarus at tuluyang lumabas.

"Ang haba ng buhok ni Sapphire naloloka ako" pangaasar nanaman ni Zee.

"I'm just concern coz she's my friend"

"I'm just concern coz I'm her leader at kargo ko siya" halos magkasabay naming sagot ni Rixon sa medyo mataas na boses kaya nagkatinginan kami.

"Oh chill! Bakit ba kayo nasigaw ha? Masyado kayong defensive. Kaya kayo obvious eh, hmm!" saad ni Zee sabay irap. Humigop nalang ako ng sabaw at grabe nakakakalma ito ah siguro may gamot pampakalma ito.

Sapphire's POV

Dahan dahan kong idinilat ang aking mata at nakita kong puti ang piligid ko. Shit! Patay na ba me?! Hala no hindi pwede di pa ako nakakapagpakasal, di ko pa nabibigyan ng magandang buhay at apo si lolo at wala pang tahong ang kaibigan kong si Zee kaya AYKENAT!!!!!

Elemagica School of ten ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon