Nakaw na Perlas

18 2 0
                                    

Sa paggunita ng Araw ng mga Bayani.

Nakaw na Perlas

Sa dakong layo, nakaw na Perlas,
Sa silanganan tila'y kinitil ng dahas,
Gamit lamang ay isang ahas,
Na sa dugo't pawis, ay walang ligtas.

Sa hampas ng alon kasabay ay gaserang sira
Na laman ng mesa ng bawat masa.
Bakit ba tayo sa kasinungalingan ay nagpakasasa?

O lupang sinilangan ako'y may poot
Sa "marangal" ngunit walang suot,
Na puro salita at tila'y sapot
Na sa ati'y lulupig at kikitil sa inosenteng sangkot.

Sa langit ay tila walang anghel,
Na kaulayaw yaring atin?
Sapagkat ang D'yos ng marami,
Ay isang silakbong mangingitil.
Hanapin ang perlas
Na ninakaw sa kinaadman.

Lonesome HymnsWhere stories live. Discover now