I Almost Had You

29 1 0
                                    


Everything was unexpected. Everything was never planned. You can't always get yourself ready for everything that's going to happen next. We can never be sure on what's going to happen in the future, and we can't always protect ourselves from unexpected events, from getting hurt. We can't secure everything with a plan. Time will come, that the thing we're really afraid to happen will happen.
Bakit nga ba may mga bagay na ayaw nating maranasan? Ayaw nating mangyari? Dahil ba natatakot tayo? Saan? Na masaktan? Malungkot? Mahirapan? 'Di ba, ganyan naman talaga ang buhay? Dapat, lahat ng puwedeng maramdaman, maramdaman natin. Lahat ng pwedeng maranasan ay maranasan natin. Dahil, kung hindi natin alam paanong malungkot, malamang hindi natin alam paano maging totoong masaya. Kung hindi tayo nasasaktan, hindi natin malalaman at mararamdaman ang tunay na kaligayahan. Walang halaga ang salitang HAPPINESS.

Siguro nga, unfair masyado ang buhay. Pero, minsan ba naisip natin na tayo ang may hawak sa ating kapalaran? Na tayo ang may kontrol sa sarili nating mga buhay? Siguro, oo. Pero, mas madalas nating isisi ang lahat sa tadhana. Tadhana na hindi natin alam kung totoo nga ba. Tadhana na sumisira sa lahat ng mga plano natin. Tadhana na lagi tayong pinaglalaruan. Tadhanang magulo.
Ano nga ba talaga ang nagpapatakbo sa buhay natin, choice or fate?

I Almost Had YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon