Chapter 27

3.2K 50 1
                                    

Chapter 27 

Meet

It's been three weeks after what happen and I can say na my relationship with Zairon is getting better. Sinasabi niya na sa akin lahat at ganun din naman ako sa kanya. Give and take. That what matters sa relationship para tumagal it's sharing your life with your partner. No secrets kaya ka nga pumasok sa isang relasyon dahil handa ka na na ishare lahat ng nangyayari sa buhay mo. 

I'm here at my table bored na bored na dahil nasa business trip si Zairon at next week pa ang balik. Ako naman nandito sa office mag isa dito sa floor. Kasama dapat ako doon but it's Zairon sinabi niya na naman na kaya niya naman daw. Hindi ko nga alam kung empleyado niya pa ba ako o ano e. Mas mukha pa ata akong boss kaysa sa kanya. 

"Ate Chloe!" napatingin ako sa naglalakad at nakita ko si Zaira at Raffy. Wala bang pasok 'tong mga 'to April graduation nila March na wala ba silang ginagawa. Tumayo ako at sinalubong sila. 

"Oh, bakit nandito kayo?" tanong ko sa kanila at napairap na lang si Zai kaya natawa na lang ako. Nagsawa na siguro siya magsabi na kapatid siya ang CEO at Rheinford siya. 

"Wala na kasi kaming class at natapos naman na namin mga requirements namin kaya andito kami." tumango ako sa sinabi ni Raffy. 

"At alam naman namin na nag-iisa ka dito dahil wala dito ang magaling kong Kuya." nakangising sabi ni Zaira. 

"Akala mo talaga andito jowa niya." pang-aasar ni Raffy kaya napairap na lang si Zaira. Gray is also on a business trip. Together with Zairon. It's business and they are both CEO. It's natural to them.

"Well sanay na ako doon! Hindi ko lang alam sa isa diyan." pagpaparinig niya sa'kin. 

Hindi naman sa sanay na ako pero naiintindihan ko dahil responsibilidad niya yun na kailangan kong intindihin. Bago ako pumasok sa buhay niya nasa kaniya na yung responsibilidad niya na yun. 

"Sama ka sa'min puntahan natin yung dalawa sa piyu." Hannah and Irene is studying at F.E.U. 

"Hindi ko pa out." 

"God, Ate Chloe dalawa na sa Rheinford ang niyaya ka na iniisip mo pa na hindi mo pa out!?" wala na akong nagawa kundi mag out. 

May dala akong kotse pero ang sabi ng dalawa na iwan na lang sa RGC yun at sumabay na lang sa kanila. 

"Let's go!" tuwang-tuwang sabi ni Zaira na nakaupo sa harapan at si Raffy ang nagmamaneho. 

"Baka may klase pa yung mga yun." sabi ko sa kanila. But knowing Hannah baka hindi pa pumasok yun pag nalaman na andun kaming tatlo. 

"Si Irene may schedule kaya nag excuse siya, pero papunta na daw siya ng piyu aantayin tayo at sasabihin niya na rin kay Hannah na papunta tayo." pag-eexplain ni Raffy while busy driving. 

Nakarating kami ng piyu at nakita na agad namin si Irene at Hannah na inaantay kami. Kumaway pa yung dalawa samin. 

"Hey! My girls!" si Hannah pagbukas niya ng backseat. Umusog ako para makasakay yung dalawa. 

"Wala na kayong klase?" tanong ko sa kanila ng makapasok sila ng sasakyan. Si Irene halatang galing pa nga sa schedule dahil sa make up at outfit niya na hindi appropriate sa school. 

"Meron isa na lang naman, hindi masama mag absent." napangiwi na lang ako. Graduating din yang dalawang yan pero kung titingnan mo parang mas kalma pa sila kaysa kila Raffy. 

We arrive at a cafe to have some coffee bago kami pumunta sa mall nila Hannah. Kating kati na daw yung kamay ni Zaira na magshopping dahil simula daw ng naging sila ni Gray hindi na siya nakapagshopping ng todo. 

Find Me Then (Then Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon