Chapter 33

3.4K 48 1
                                    

Chapter 33 

Friends

Isang linggo lang nag stay si Mama sa Manila at ihahatid namin siya ni Zairon sa terminal mamaya. Dahil nga may pasok pa ako sa trabaho. 

"Mamaya alis ni Tita?" tumango ako kay Zairon habang sinusuot seat belt ko. Zairon miss having me in his car dahil nga isang linggo niya din akong hindi nakita nun kaya tuwang-tuwa siya ng sunduin ako at nung bumalik na ako sa trabaho. 

Back at being his secretary again. 

Hindi ko na din alam kung ano na naman ang nangyari kay Gabby because just like before wala na naman siyang paramdam. Nagtataka na talaga ako sa mga kilos ni Gabby. Hindi pa din naman nawawala sa isip ko yung galit sa mga mata ni Gabby ng makita yung laman nun parang yung nakita niya yung box na natanggap ko. 

"By the way, Hon my grandparents are going home for Zaira's birthday." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "And they want to meet you." 

"Seryoso?" gulat na gulat na tanong ko at tumango lang naman siya sakin. 

Buong akala ko tapos na ako sa pakilala na yan hindi pa pala. Paano kung mabait lang talaga yung ibang family ni Zairon pero iba na pag sa grandparents niya. Katulad ng sa mga teleserye na masungit yung lola ganun. 

"Don't worry they will like you, si Gray nga nagustuhan nila for Zaira and my sister is the favorite grandchild among us." nakangiting sabi niya. Ano ba naman kasi ang hindi magugustuhan kay Gray. Total package na din yun e. 

Nakarating kami ng RGC na ang lalim ng iniisip ko kailan kaya mababawasan iisipin ko. Natatakot ako baka mamaya bigla na lang sumabog utak ko sa dami ng iniisip ko e. 

"Mabait ba sila?" imbes na sagutin ni Zairon yung tanong ko tinawanan lang ako kaya tinulak ko na nga siya papasok ng office niya. 

Yun na nga lang ang sinabi ko ng sabihin niya na gusto akong makilala ng Grandparents niya tawa pa ang isasagot. Bwiset! 

"Depende sayo, Hon" mabilis na sabi niya at sinarado na ulit ang pinto. I walk to my table at padabog na binaba yung bag ko. 

Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa baba ko atsaka nag isip. 

Sino ba yung lalaking yun? At bakit ganun na lang lagi yung reksyon ni Gabby pag may sinasabi ako weird na nangyayari sa buhay ko? At mabait kaya yung grandparents ni Zairon? Hindi kaya ako tapunan ng tubig nun sa mukha o ano man. 

Hindi naman kasi nakatulong sa'kin yung sinabi ni Zairon na si Gray nga daw nagustuhan ng grandparents niya, Iba naman kasi ako kay Gray! Lahat ata gugustuhin yun maging boyfriend yun ng mga apo o anak nila. 

Paano naman ako na secretary lang ni Zairon! Baka mamaya sabihin na lang sa'kin na nilandi ko si Zairon dahil ako nga ang secretary at lagi kaming magkasama. 

Our story started hindi dahil linandi ko siya. Because everything is meant to happen. 

"Ang lalim!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ko ang apat kong kaibigan na magkakasama. 

Napatili ako at niyakap agad sila. 

"Wahhh! Namiss ko kayo!" actually sila Hannah at Irene lang naman dahil magkasama lang naman kami nila Zai at Raffy last week. 

Pero nakakamiss din kasi ang kompleto kaming lima. 

"Sama ka sa'min, dalian mo!" napairap na lang ako sa pagiging bossy nito ni Hannah. I think may natutunan din naman siya sa ginagawa ng Daddy niya sa kanya. 

"Hindi pwede, hahatid namin si Mama sa terminal mamaya." sasama talaga sana ako kung hindi ko lang talaga kailangan ihatid si Mama. 

"Ibabalik ka din namin ng oras ng out mo okay!" sabi ni Zai at sakto namang lumabas si Zairon sa office niya ng nakangiti. 

Find Me Then (Then Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon