Chapter 31

3.2K 40 1
                                    

Chapter 31

Proud

Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Gabby at tumingin sa kanya na puno ng pagtataka. Anong sinasabi niya diyan?

"Huh!?" umiling lang siya sa'kin at nauna ng pumasok ng apartment ko.

Anong sinasabi niya na siya naman talaga. Does he really treat me like his sister ganun din naman ako sa kanya mas matanda ako sa kanya ng isang taon yun ang pagkakaalam ko o meron pang ibang dahilan. At ano naman yun kung ganun.

Hindi ko na lang inisip pa yun at nakipag usap na lang kay Gabby ng saglit. Namiss ko kasi talaga siya.

"Tara labas tayo, treat ko." I smile and nod at him buti na lang hindi pa ako nakakapagbihis. Okay naman ng umalis na nakapencil skirt pa ako at mukhang papasok ng trabaho.

Kotse ni Gabby ang ginamit namin dahil siya lang naman ang nakakaalam kung saan kami pupunta.

I look at Gabby looking so confuse bakit kami nandito. We are at the Rheinford hotel kung saan ako dinala ni Zairon nung Valentines. Sa dami ng pwedeng kainan na restaurant dito talaga.

"Bakit dito?" tanong ko pero hindi niya naman sinagot at nauna ng bumaba kaya wala akong choice kundi sundin siya.

Naupo na kami sa upuan na tinuro ng waiter sa'min four sitter yun at magkaharap kami ni Gabby.

"Hotel 'to ng boyfriend mo ah, bawal ba dito?" nang-aasar na sabi ni Gabby ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.

I didn't say na bawal nagtaka lang talaga ako bakit ito ang lugar na napili niya para kumain kami.

"Wala akong sinasabi." inirapan ko siya na ikinatawa niya.

Napasimangot na lang ako ng maalala ko kung sino ang kasama ni Zairon ngayon, Ang kapal ng babaeng yun alam naman pala na may girlfriend si Zairon kung makakapit mas matindi pa sa ahas.

I will admit hindi ko nagustuhan yung ginawa ng dalawang babaeng yun lalo na yung Jiyun na yun. Harap harapaan kung landiin boyfriend ko and the fact na alam niya na ako ang girlfriend halatang walang respeto.

And I can see to Zairon earlier na halatang gusto niya akong makausap o isama at yun din ang sinabi niya sa text but that that koreanang hilaw and her mother I think hindi na binigyan ng chance pa si Zairon na magsalita.

"Huy, bakit ang sama mo naman makatingin sa kinakain mo diyan." napatingin ako kay Gabby at inirapan ko na lang siya.

Ngayon ko lang talaga naramdaman yung inis. Alam ko na ngayon pa lang magdidinner yung mga yun dahil maaga pa nung umalis sila ng company. Ano na naman kayang kalandian ang ginagawa ng Jiyun na yun sa boyfriend ko and I wonder kung alam ba ng nanay ni Jiyun na may girlfriend si Zairon at kung alam man hahayaan niya yung anak niya na ganun sa lalaking may girlfriend na!

Nilibot ko na lang yung mata ko sa buong restaurant dito sa hotel at doon ko nakita si Zaira at katabi niya sila Tito at Tita. Mas tiningnan ko pa si Zaira at mukha naman hindi na maipinta yung itsura ni Zai while looking at someone. Tiningnan ko yun and I saw Jiyun flirting with my boyfriend kaya sumama din yung mukha ko.

"Ano meron?" napansin ni Gabby na may tinitingnan ako kaya napatingin din siya dun.

"Shit!" hindi ko na napansin pa yung sinabi ni Gabby dahil ang sama na ng tingin ko kay Jiyun na hindi tinitigilan ang boyfriend ko. Parang siya pa ang girlfriend.

Nakita kong tumayo ng table nila si Zaira at naglakad papuntang comfort room kaya nag excuse din ako kay Gabby at sinundan si Zai.

Inantay kong matapos si Zai at nagulat naman siya ng makita ako sa may sink matapos gumamit ng CR.

Find Me Then (Then Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon