Chapter 29
Trip
I thought everything happen yesterday is a dream but when I saw Zairon's gift to me napangiti na lang ulit ako habang inaalala yung mga nangyari kahapon. How my friends greet me happy birthday. How Zaira act na may nangyari sa Kuya niya at umiyak pa sa harap namin lahat. My heart is so full.
Bumangon na ako at lumabas ng kwarto at nakita ko si Mama na nagwawalis.
"Morning, Ma." bati ko at ngumiti naman siya sa'kin pero binitawan niya yung walis at pinaupo ako sa sofa.
"Ano yun Ma?" mukha kasi siyang may gustong sabihin sa'kin pero pinipigilan niya yung sarili niya.
"Gusto mo na bang makilala Papa mo?" tanong niya sa'kin.
Ngayon lang nagtanong si Mama sa'kin ng tungkol sa tatay ko. She never tell me about my father at alam kong sinasadya niya yun but now she's willing na sabihin sa'kin kung dati kaya ko pang pakinggan ngayon parang ayaw ko na. I'm contented with everything that I have in my life na at hindi ko siya kailangan.
"Bakit, Ma?" hindi siya sumagot at tumitig lang sa'kin.
"Wala lang, baka gusto mo lang siya makilala."
"Hindi na, Ma." mabilis na sagot ko kay Mama at pumunta na ng kusina para makapagtimpla ng kape.
Noon akala ko dadating araw na gugustuhin kong makilala si Papa pero ngayon ayoko na dahil nasanay na ako sa buhay ko na wala siya. Ganun naman di'ba pag nasanay ka na hindi mo na hahanapin pa yung taong yun dahil nagawa mo namang mabuhay ng wala siya.
Oo may kulang sa pagkatao ko pero hindi yun makakapigil para maging masaya ako sa buhay.
After eating breakfast naghanda na ako sa pagpasok dahil as usual susunduin ako ni Zairon ano bang bago. Simula ng naging kami hatid sundo niya na ako bukod na lang pag may kailangan siyang gawin o nasa business trip kaya hindi niya ako nasusundo.
Narinig ko na yung kotse ni Zairon sa labas kaya lumabas na ako at nagulat ako that he is not on his usual office attire he look's casual wearing only black t-shirt and maong pants and white sneakers. While me wearing my office attire pencil skirt paired with a blouse at 2 inch black heels.
"Bakit ganyan ayos mo?" tanong ko pero binigyan niya lang ako ng ngisi at lumingon sa likod ko kaya napalingon din ako.
And there I saw my mother holding a bag at inabot kay Zairon.
"Ano meron?" tanong ko pero parehas nila akong di pinansin.
"Thank you po, Tita." nakangiting sabi ni Zairon at niyakap si Mama. Okay ano meron?
"Let's go." tumingin lang ako kay Mama at tumango at kumaway lang siya sa'min. Ano meron sa bag?
Nakasakay na kami ng sasakyan at hindi ko pa din alam kung ano ba ang nangyayari.
"Yung totoo Hon, ano meron?" tanong ko.
"We're going on a trip, late celebration natin ng birthday mo na tayong dalawa lang." nakangiti niyang sabi. "Two days trip Hon," napanganga na lang ako sa sinabi niya bago kunin yung bag na binigay sa kanya ni Mama na nakalagay sa likod.
When I open the bag damit ko ang mga nakalagay! Kailan naman inayos ni Mama 'to. Kaya pala parang ang weird din pala ni Mama ng makita niya yung ayos ko yun pala alam niya aalis kami ni Zairon.
"Kinasabwat mo pa Nanay ko!" sigaw ko sabay hampas sa kaniya at tumatawa lang naman siya.
"Sorry na ulit Hon," inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita at tiningnan ko naman yung dinadaanan namin expecting to know kung saan ba kami pupunta.
BINABASA MO ANG
Find Me Then (Then Series #2)
RomansaChloe Antonette Bautista a fighter and brave woman she thinks that she will always get what she wanted on her first try but she's wrong... She met an hardworking man who will be the reason of her weakness. They're finding love and suddenly they me...