Cut 1: Daileto Cattleya

9 2 0
                                    

The class is taking an exam that will define if they’ll pass the first semester

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


The class is taking an exam that will define if they’ll pass the first semester. Being a STEM student is a nightmare to others but for Daileto it’s not. See, Daileto is naturally brilliant.

Naka-kurba nang ka-unti ang likod ni Daileto at mabuting binabasa ang mga tanong. As soon as he reads it, he knows the answer. Siya yong tipo ng estudyante na nasa unang pahina pa lamang ang lahat, s’ya ay nasa pangatlo na. May mga problem solving, pero madali nya itong naso-solve dahil ang iba dito ay halos parehas lang ng nasa libro. Ayaw mo syang katabi, kasi mape-pressure ka sa bilis n’yang magsagot, sa bilis niyang mag solve ng problem.

30 minutes. Tumayo sya at pumunta sa desk ng instructor. Tapos na s’yang sagutan ang 70-item exam sa Pre-Calculus.

Sa daan nya papunta sa instructor ay nadaanan nya si Darcy, na malapit na ring matapos. Sa mata ni Darcy ay kakompetensya nya si Daileto, gusto nyang mataasan sa lahat ng exam at performance si Daileto. Gusto n’yang makuha ang award na “Top of the Class.”

Kita sa mukha ni Darcy ang inis dahil naunahan siya nito. Mukhang makakakain sya ng tao.

Walang paki-alam si Daileto kung makuha nya o hindi ang 'Top of the Class’ award. Katulad ng maraming estudyante, gusto lamang nyang makapagtapos sa pag-aaral upang makatulong sa pamilya. Hindi sila mahirap, pero hindi rin sila mayaman. Isang Call Center Agent ang kaniyang nanay at Bank Teller naman ang kanyang tatay. Sapat lang ang kinikita nila upang suportahan si Daileto at ang nakababata nitong kapatid na si Felito.

Ang bahay nila ay mana ng kaniyang tatay sa kanilang lolo. Sakto ang laki nito para sakanilang apat.

Inabot ni Daileto ang kaniyang sagutang papel sa instructor. Inibot ng instructor ang susunod na exam. Kinuha ito ni Daileto. Biglang nag-vibrate ang cell-phone niya nang pabalik na siya sa kanyang upuan.

“No cellphone is allowed amidst exam!” sabi ng instructor.

Hanggang tenga ang ngiti ni Darcy sa kahihiyan ni Daileto.

”Cellphone please!” sabi ng instructor habang nakataas ang kamay na may hinihingi.

Nakatingin lahat kay Daileto. Ibinalik ni Daileto ang tingin sa instructor at dinukot ang cellphone sa bulsa. Tinignan nya ito bago ibigay. Tumatawag ang kanyang nanay. Madami na ring unread messages.

Nagdalawang-isip si Daileto kung ibibigay ba nya ang Cellphone sa instructor o sasagutin ang nanay.

”Sir! I have to answer this.” ani nya sa instructor.

“Is it really important?” tanong sakaniya.

“Opo sir.”

“Leave the test paper. I’ll give you 5 minutes, go! The rest of the class, continue you exam.”

“Thank you sir.”

Iniwan ni Daileto ang exam at lumabas ng classroom. Ngayon lamang tumawag ang kanyang nanay habang may klase.

“Ma?”

“Salamat naman sumagot ka!” sigaw ng kanyang nanaya na parang natataranta.

“Bakit? Anong nangyari? May exam ako.” Tanong ni Daileto.

“Nasa ospital ako, nahimatay si Felito!”

Gulat at nagaalala si Daileto. Ano kaya ang nangyari?

“Kaylangan mong pumunta dito.” iyak ng kaniyang ina. Minsan lang niyang marinig na umiyak ang kanyang nanay.

Di nya alam ang gagawin. Gusto nyang tapusin ang exam bago umalis, pero ayaw nyang mapabayaan ang kanyang kapatid. Di sya handa na mawalan ng kapatid. Ayaw nyang isipin na mamamatay ang kanyang kapatid pero maaaring ganoon nga.
Tapos na ang call, ngunit nasa labas parin sya ng classroom. Naglalakad paikot-ikot sa bakanteng koridor.

Lumabas ang instructor. “Mr. Cattleya. What’s taking you so long?”

“Sir! I need to leave now.”

“You have to finish your exam first.”

“Sir, it’s emergency, please” he begged.

“Okay! But I can’t promise you can take a special exam. You choose.”

“I really need to go.”

Nagmamadaling lumabas si Dale ng campus. Medyo natagalan sa pag-aantay ng masasakyan. Nang makarating sa ospital ay dumeretso agad sya sa ER kung saan ay nandoon ang nanay niya. Nakaupo sa waiting bench, nakayuko at nakapangbahay pa.

“Ma. Nasa’n si Lito?” ang tanong ni Dale. Tumayo agad ang nanay at niyakap ang anak. Ngayon lang na-ospital ang kapatid, kaya ramdam niya ang pag-aalala ng nanay.

Bago pa makasalita ang nanay ay may nurse na nagtawag, “Nasaan po ang kasama ni Felito Cattleya! Felito Cattleya.”

Agarang nagtaas ng kamay at lumapit ang nanay hatak hatak si Dale.

“Sundan nyo po ako.” Ang panuto ng nurse at naglakad pabalik sa mga ward.

Mabilis na nangyari ang lahat, ngunit nakatingin lang si Dale sa mukha ni Felito. Nai-transfer na ito sa sarili nitong room, ngunit hindi parin sya nagkakamalay.

Gabi na at nakaalis na ang kaniyang nanay na papasok pa sa trabaho. Papunta na rin ang kaniyang tatay na galing sa trabaho. Habang naghihintay ay nagbabasa si Dale ng aklat ni Mark Manson, isang kilalang author.

“Kuya?” ang mahinang boses na tama lang para marinig ni Dale.

Bukas pa o mamayang madaling araw ang expected na magkakamalay ang kapatid, kaya’t nagulat sya dito—sa masayang paraan. Lumapit si Dale habang sinusubukan ni Lito tumayo.

“Mahiga ka lang.” marahang sabi ni Dale.

“Si mama? Anong nangyari?”

“Magpahinga ka muna.”

Bumalik sa pagkakahiga si Lito. Pinindot ni Dale ang alarm buzzer kagaya ng panuto ng nurse. Maya maya ay may dumating na nurse at sinuri si Felito. As if on cue, damating na din ang kaniyang tatay.

Kitang kita ang pag-aalala sa mukha nito. Mukhang mas kinakabahan pa ang tatay sya kaysa sa nanay niya. Kinausap ng nurse ang tatay habang nililibang ni Dale ang kapatid.

“Uuwi muna ako ngayong gabi, si tatay muna ang makakasama mo.”

“Magtatagal ba ako dito kuya?”

“Hindi natin alam. Pero sana hindi.”

“Kuya, pwede bang may ipakuha ako pagbalik mo dito?”

“Ano yon?”

“May notebook akong puti doon sa drawer ko sa kwarto, may kasama din yon na lapis.” Bilin ni Lito na walang bahid ng takot sa mata. Lumapit ang tatay sa likod ni Dale, senyales na pwede na syang umalis. Sinakbat na nya ang asul na bag at nagpaalam sa tatay. Bago lumabas ng pintuan ay naglabi sya ng paalam sa kapatid.

Habang naglalakad ay napapa-isip sya kung anong sakit ni Lito. Sa ngayon ay may kutob syang malala ito, hindi ito dahil basta nalipasan lamang ng gutom. Ayaw niyang ipakita sa pamilyang natatakot sya, pero natatakot syang mawalaan ng kapatid.

Sa paglalakad ay madadaanan niya ang sapa kung saan ay tinuruan sya ng tatay niya na mangisda, bata pa lamang siya. Dati ay malinis pa ang sapa at pinoprotektahan pa ito ng baranggay. Madami silang alala dito ng pamilya nila, na mistulang nadumihan kasama ng mismong tubig nito.

Kaya ngayon ay hindi na mararanasan ni Lito ang dating ipinaranas sakaniya noong bata pa sya.

[End of Cut 1]

Young's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon