Cut 4: Jetter

6 0 0
                                    

Masarap na naman ang tulog ni Jetter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Masarap na naman ang tulog ni Jetter. Sabado naman, bed day.

Napabalikwas sya nang may mabasag.

Nanaman.

“Hoy ginoo! Ilang vase ba ang kaylangan para gumising ka?” sabi ng babaeng matangkad ang pagkakatayo sa pintuan ng kwarto nya. May suot itong makinang na bathrobe. Si Lucita dela Rosa, ang kapatid ni Jetter, at ang may-ari ng Rosal Beauty Line. Isa sa mga fastest growing companies ng bansa.

“Put some shirts on!” paalala nito bago umalis.

“Ate Grasya, palinis naman ng basag na vase sa kwarto ni Jet. Salamat.” Ang rinig na sigaw ng ate nya.

As usual, i-checheck muna nya ang social media ni Darcy. At as usual, meron na naman itong bagong post.

12:01 am Fri. I really need a personal Pre-calculus tutor.” With heart emojis.

Auto heart post.

Kung magaling lang ako sa Pre-Calculus, baka tinulungan na kita sa buong buhay mo.

Bumangon sya at nagsuot ng lousy shirt. Nakasalubong nya palabas ng kwarto si Ate Grasya. “Morning sir.” Bati nito kay Jetter.

“Morning Ate Grasya.” Bati nito pabalik.

Pasalamat na rin sya na ginising siya ni Lucita dahil may pupuntahan pala sya ngayon. Dumeretso sya sa kusina. Kumuha ng ground coffee bean sa drawer. Binuksan ang coffee maker at sinumulan ang pag-gawa ng kape. Ang gusto niya sa kape niya ay kape lang talaga at kaunting sweetener. No milk, no creamer. Kaya kapag nilalagay niya ito sa tasang gawa sa salamin, ay mukha itong maitim na tsaa.

Pagkatapos mag brew ay tinanggal na nya agad ang coffee grounds, dahil kung hindi ay baka mabulyawan nanaman siya ni Lucita. Iaasa mo nanaman ba ‘to kay ate Grasya? Kunsumo mo, linis mo, ang laging sinasabi ni Lucita kapag naiwanan niya ang coffee grounds.

“I have an appointment after launch.” Sabi ni Jetter habang iniinom ang kape.

“Para saan?” tanong ni Lucita habang tumatakbo sa treadmill.

“Intervention.” Jetter said disappointedly. Napangiti na lamang si Lucita na para bang alam niyang mangyayari iyon.

“Jet, you really need a tutor if you want to pass your studies. Wag mo lokohin sarili mo.” Payo ng kapatid nya.

“I tried.” Sabi ni Jetter.

“I know.”

“Also, napansin ko yung vandals sa pintuan ng kotse mo.” Dagdag  ni Lucita.

“Some dude from Arts and Design. Pero okay naman, might stick for a while. Maangas naman eh.”

“Walang okay sa vandal, Jet. Just tell me kung kaylan mo ipapalinis yon para mapasendan ko ng balance ang account mo.”

Young's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon