Cut 6: Jetter

5 0 0
                                    

Another Monday, another hellish week

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Another Monday, another hellish week. Jetter don’t hate Mondays, he hate the idea that their first period is 7:00 in the morning, and vacant on 9:00-11:00.

It’s a not well-justified schedule.

Walang nabasag na vase para gisingin si Jetter. Hindi sya nakatulog buong gabi kakaisip kung paano tatanungin si Darcy. Maaga rin syang nagising, at himala iyon. Walang bagong post si Darcy kaya gusto na niyang pumasok nang maaga para makita sya.

Tamang morning routine lang at paalis na sya.

Same parking lot lang lagi niyang pinaparadahan. Kaunti pa lang ang mga estudyante, nagmamadali siyang pumunta sa kaniyang locker upang kunin ang mga aklat na kaylangan ngayong araw. Pagkatpos ay pumunta na sya sa kanilang silid.

As expected, iilan palang ang tao dito, pero wala pa si Darcy. Padami na nang padami ang mga dumadating at saka naman dumating si Darcy. Nahihiya na si Jetter na magtanong at baka ay mapahiya sya sa buong klase.

Mamayang vacant nalang.

Natapos na ang Kumunikasyon at Pananaliksik, ang una nilang subject na dalawang oras. The next 2 hours is vacant. Sakanila lang ang room kapag monday kaya pwede sila mag-stay doon.

Kaunti na lang ang natira sa room. Kinakabahan si Jetter, sobra.

Nagre-retouch si Darcy ng kaniyang make-up. Nasa room din si Dale, kinakausap sya ni Lucy. That awkward girl with literal messy hair. Parehas silang nakatulala sa whiteboard at nag-uusap(?)

Here we go!

“Hello mister.” Bungad ni Jetter sa likod Darcy, sabay bawi sa pagkaka-alam na ‘mister’ ang nasabi niya imbis na ‘miss.’

Dangling apricot!

“Hey… Darrr… sea.” Balik ni Jetter.

“Yes! Mister?” sarkastikong tanong ni Darcy habang nag lalagay ng foundation.

AWKWARD? Maybe not.

“Pwede ka ba?” tanong niya. . .

“…maging chu-tor? ko.”

Please say yes.

“Did you lost your empty mind?” mataray na tanong ni Darcy.

“We. Are. Over. I gave you a chance. You can’t make me a Rosal Beauty Line Model, then we are over. I hope you heard me right.” Tuloy-tuloy niyang sabi sabay tayo, sakbat ng bag, flip ng hair, at lakad palabas.

Bago lumabas sa pinto ay tinignan niya nang masama si Dale at Lucy sa likod na bahagi ng silid.

“Okra.” Tanging nasambit nya habang nakataas ang kamay sa hangin.

“I mean Okay.”

Buti nalang ay wala masyadong tao sa room. He kinda expected it, but not that way.

Ngumiti si Jetter nang sarkastiko at napatingin kay Lucy. Naisip niya na kasing-awkward lang pala niya ito.

It took Jetter few minutes to walk out of the room. Napahiya siya hindi sa maraming tao, kundi sa sarili niya mismo.

Narinig ni Dale ang buong pag-uusap nila Jetter at Darcy.

Pinag-iisipan niya kung kaya ba niya maging tutor. ‘Dale the Tutor.’ Pinag-iisipan niya ito habang kinakausap siya ni Lucy. Iniisip niya na hindi niya kayang makipagkaibigan, magturo pa kaya.

Plus. Hindi rin sila magka-close ni Jetter.

Pero kailangan niya ng pera.

Kakailanganin ng pamilya nila ang pera, sigurado yon.

Pagkalabas ni Jetter ay nabuo na ni Dale ang kaniyang isip. Tinapik niya si Lucy sa balikat, “Teka lang.” paalam nito.

Hinabol ni Dale si Jetter sa labas ng silid. Ngumiti nalang si Lucy bilang tugon. Isang totoong ngiti.

Naglalakad si Jetter nang tuwid pero mabagal sa koridor. Naabutan sya ni Dale, “dela Rosa right?” tanong nito sakaniya.

“Jetter.” Jetter corrected, in an unintentional monotone voice.

“Uhm… Kung okay lang sayo.” Sabi ni Dale kay Jetter na mistulang walang pake sakaniya.

“Kung gusto mo, pwede mo ako maging tutor.” Nahihiyang alok.

Biglaang tumigil si Jetter. Tinignan si Dale nang mapagtakang titig.

“Talaga?” tanong nito.

Bago makasagot si Dale ay bigla siyang niyakap ni Jetter nang mahigpit. Rinig nito ang pagpahid ni Jetter ng luha.

Dale froze. Hindi sya sanay sa human contact. Kumawala naman agad si Jetter habang nagpapawis ng luha. Ngumiti ito agad na parang nakahanap ng bagong kaibigan.

“Can we start today? 6 pm?” tanong ni Jetter.

“Sure. Saan?”

“Send ko sayo address.”

Natapos ang klase nang hindi nagkakatinginan si Dale at Jetter.

May mga oras na nahuhuli ni Jetter ang sarili niyang nakatulala kay Darcy, at ma-aalimpungata lamang sya pag may tumulo na na luha.

Kahit ganon ang trato ng babae sa kaniya ay hindi nabawasan ang paghanga nito.

Grade 7 palang ay magkaklase na sila. Simula noon ay crush na niya si Darcy. Baliw na baliw sya kay Darcy at alam yon ng lahat. Grade 10 nang malaman ni Darcy na kapatid ni Jetter ang may-ari ng Rosal Beauty Corp. kaya dahil dun, naging sila.

Naging sila dahil lang doon.

Gusto lang ni Darcy maging model ng kompanya, ngunit di iyon nangyari kaya nakipaghiwalay din siya. Kahit ganon, baliw pa rin si Jetter para sa kaniya. Kahit alam niyang ginamit lang siya.

Bago umuwi ay tumambay muna siya sa library. Umupo siya sa table 6, kung saan ay kitang kita niya si Darcy, kasama ang mga kaibigan nito. Nandoon lang siya nanonood, kunwari ay nagbabasa ng dictionary.

Nang mga sumunod na minuto ay may lumapit na grupo ng kalalakihan kila Darcy. Kilala niya ang ilan dito, mga Track and Field Runners at ibang taga-Arts and Design. Ito yung grupo na nag-vandal sa sasakyan ni Jetter.
Nagulat si Jetter nang makitang may isang lalaki na humawak sa bewang ni Darcy at hinalikan ito.

Gustong-gusto naman ito ni Darcy, halata sa kaniyang ngiti.

Ano nga naman ang laban ng STEM student sa mga ‘yon pagdating sa love life.

Palihim na nadurog ang puso ni Jetter, kahit hindi naman dapat.

Umuwi na siya. Medyo na stuck siya sa kalsada, pero maliwanag pa nang nakauwi siya. Pinaplano niyang humiga nalang sa kama niya, at magkape, hanggang sumaya. Nabasa niya kasing nagpapasaya ang pag-inom ng kape.

Nang maka-uwi ay ibinaba agad ang bag sa kusina. At kahit nanghihina ay gumawa ng kape.

Pumasok bigla sa isip niya ang kaklaseng si Dale. May schedule nga pala siya ngayon kay Dale. Sasabihin niya sana kay Lucita na meron na siyang nahanap na tutor.

“Ate Grasya?” ang tawag niya.

“Yes sir?” ang sagot ni Grasya galing sa laundry room.

“Nandyan ba si ate Sita?”

“Si Madam Lucita sir? Overnight daw muna siya ngayon sa opisina niya.”

“Sige ate, salamat.”

Minsan lang mag-overnight si Lucita sa trabaho. Alam na ni Jetter ang gagawin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Young's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon