Cut 5: Daileto

5 0 0
                                    

Sisiw nalang kay Dale ang mga tanong sa Intervention

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sisiw nalang kay Dale ang mga tanong sa Intervention. Madali lang ang mga ito, pero madami pa rin kaya natagalan sya sa pagsasagot. Bago pa lamang nagsisimula ang intervention ay nagtext ang kaniyang nanay.

Leto, anak, may result na si Lito. Agahan mo sana ang pagpunta dito para may kasama ako kay Dr. Sandra.


Leto ang tawag kay Dale sa bahay nila, Dai-LETO. Lito naman ang tawag sa kapatid niya, Fe-LITO.

Dahil sa text na ito ay kaylangan sagutan ni Dale ang almost 750-item test within the shortest period of time. Mas mabilis, mas maganda.


Isang oras.

Isang oras lang at natapos na niya ito.

“Sir, another emergency po.” Paalam ni Dale kay Mr. Randy. Agad kinuha ni Mr. Randy ang kaniyang papel at pinayagan itong lumabas.

Ilang oras pa lang pagkatapos ng tanghaling-tapat, kaya't wala masyadong pila ng pasahero. Sumakay na siya para makapunta sa ospital nang maaga.


Pagdating niya sa ospital ay binungad sya ng yakap ng kaniyang nanay. “Babalik daw si dok para sunduin tayo.”

Matapos ang ilang minuto ng paghihitay ay lumapit na ang doctor ni Lito at inakit sila sa office nito. Halata ni Dale na pilit ang ngiti ng doktor, senyales ito na may masamang balita.

“We've done Felito Cattleya's screening. We have a good news and a bad.” Ngiti ni Doktor Sandra upang magpakita ng positibidad. “Ano po ang gusto ninyong unahin Mrs. Cattleya?” tanong nito.

Hindi sya nakasagot kaya si Dale nalang ang nagsalita.

“Bad news po.”

Tumango ang doktor.

“Last time po na nag-usap tayo ay ipinaliwanag ko po ang mga sintomas na nakikita namin, but we needed laboratory results. Everything is normal, except one. According to his Peripheral Blood Smear Results... there's a high chance of... Leukemia.” Pagkasabi ng doktor ay napa-iyak nalamang si Mrs. Cattleya. Pinipigilan nyang humagulhol. Niyakap sya ni Dale at tinatapik ang likod nito.

“To confirm na result, he need to undergo Bone Marrow Biopsy. But there's a good news.” Optimistic na sabi ng doktor.

“His body is healthy, and if he has leukemia, it will be on it's early stage. There's a high chance of recovery.”

Kahit papaano ay nabawasan ang kaba nang mag-ina.

Sunrises are for those who sleep at seven
Midnights are for those who wake at eleven
Don't wake me up just in case,
You decided to stay on my dreamscape.

Ang huling stanza sa tulang binibikas ni Lito mula sa puting notebook nito.

Bilang sagot ay ngumiti si Dale.

“Tapos na?” tanong nito. Tumango si Lito habang nakangiti.

“Maganda. Anong pamagat?” tanong si Dale.

“Dreamscape kuya, sinulat ko kahapon.” Sagot ni Lito.

Kinagabihan ay umuwi si Dale kasama ang kaniyang nanay. Ang tatay muna niya ang magbabantay kay Lito.

“Ma. May schedule na ba si Felito para sa Biopsy?” tanong ni Dale sa nanay nya habang naghahanda ito sa pagpasok sa Call Center.

“Bukas daw.” Sagot nito na hindi mapakali ang mata. Alam ni Dale na kapag ganito ang kaniyang nanay ay may problemang bumabagabag dito. Kabisado na niya ang magulang.

“Anong problema?” mahinhing tanong ni Dale.

“Sakto lang yung inipon namin ni papa mo para sa biopsy ni Lito. Inipon namin yon para sana pang-buwis sa lupa. Ilang buwan na late nang hindi nababayaran ang buwis ng lupa. Pero makakaya naman, wag ka mag-alala anak, pagbutihin mo lang pag-aaral mo.” Ani ng kaniyang ina. Ilang sadali lang ay umalis na ito upang pumasok sa trabaho.

Ramdam ni Daileto na walang kwenta ang pagka-panganay niya. Sa isip niya ay kaylangan nyang maghanap ng trabaho, pero di nya alam kung saan.

Paano ba kasi maging panganay?

Young's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon